Totoo nga na hindi mo namamalayan ang oras kapag masaya ka.
Hindi ko namalayan na halos isang buwan na pala kaming naguusap. Gabi-gabi at walang palya. Kahit na natapos na ang sembreak at pareho na kami ulit nag-aaral ay nakaka-hanap pa rin kami ng oras sa gabi para mag-usap pagkatapos namin gumawa ng mga assignments namin.
Sa sobrang dami na naming napag-usapan pakiramdam ko ay kilala na namin ang isa’t-isa. Kahit ang totoo ay hindi namin alam ang itsura ng isa’t-isa o kahit tunay na pangalan man lang. At sa bawat araw na magka-usap kami never kong nararamdaman na nagsisinungaling siya o kaya ay nagpapanggap.
Mukhang mali nga ako sa mga sinabi ko kay Leira at mukhang kinakain ko na rin lahat ng sinabi ko, dahil ito ako ngayon. Enjoy na enjoy makipag-usap sa taong nasa likod ng screen.
Isang gabi napag usapan namin ang tungkol sa mga pangarap namin. Nalaman kong pangarap niyang maging Engineer. Sinabi ko rin sa kanya na balang araw gusto kong maging direktor ng mga pelikula.
Halos matunaw ang puso ko ng simula noon ay tinatawag na niya akong “Direk”. Walang palya. Sa tuwing magka chat kami iyon ang tawag niya sa akin. Kaya naman bilang ganti “Engineer” na rin ang tawag ko sa kanya.
May mga panahon na down ako dahil sa mga ilang academic problem ko pero nandyan siya palagi para isupport ako. He never failed to motivate me. The way he thinks and sees life positively are really admirable. ‘Yong simpleng mga salita mula sa kanya para bang nagiging magical words sa akin para icheer up ako.
Pagkatapos kong kumain ng hapunan sinimulan ko ng gawin ang mga activities ko sa apat na subject ko para bukas. Nag-advance reading na rin ako ng sa ganon kahit magkaroon ng surprise recitation or quiz si Ma’am makasa-sagot ako.
Kahit naman nakikipag usap ako kay Mike gabi-gabi never kong pinabayaan ang pag-aaral ko. Lagi kong tinatapos ang mga school works ko bago ako mag online sa love match. It’s a matter of time management and knowing your priorities.
Humiga na muna ako bago ko iniopen ang app. Medyo nanakit kasi ang likod ko sa pagbabasa kaya naman gusto kong mag unat-unat muna.
“Direk, whatever you’re going through, I know, and I believe na malalagpasan mo lahat ng iyan. Know that I am always here for you to support and motivate you. From your number one fan – Mike.”
“Good evening, Engr! Thank you so much!” reply ko sa chat niya. Aalis sana muna ako sa app dahil mukhang hindi siya active pero bago ko pa man mapindot ang back button nag-reply na siya agad sa message ko.
“Hello, Direk. Kumusta naman ang araw mo? Tapos mo na ba school works mo?”
Simpleng pangangamusta lang naman ang nabasa ko, pero ang puso ko parang ice cream na konti na lang ay tunaw na.
“I’m doing good, Engr. Productive ako today, and yes tapos ko na ang school works ko. Ikaw kumusta ka?” reply ko sa message niya.
“That’s good to know, Direk! Proud of you. Can I call kung hindi ka na busy?”
Nabitawan ko ang cellphone ko at bumagsak sa mukha ko matapos kong mabasa ang reply niya.
Nagulat lang akong bigla niyang gustong tumawag. Since nag usap kami never pa kaming nag tawagan dahil hanggang puro palitan lang kami ng voice messages sa tuwing tinatamad kami pareho na magtype.
“Direk, still there?”
I don’t know bakit bigla akong kinakabahan.
Kaya naman kahit parang nanginginig ang kamay ko sa hindi ko malamang dahilan mabilis akong nagtipa ng reply.
“Sure, why not?”
Wala pang limang segundo ng maisent ko ang message na iyan ay tumunog na agad ang cellphone ko. Agad ko naman itong sinagot.
“Hi, Direk Zel!” bungad kaagad niya sa akin matapos kong sagutin ang tawag.
Napatakip ako ng bibig at patagong tumawa. I cleared my throat first bago ako sumagot.
“Hi, Engr! Bakit naisipan mong tumawag?” pilit inaayos ang salita na sabi ko, bakit para akong nabubulol?
“Ayaw mo ba? Naistorbo ba kita?”
“No. no.” Mabilis kong sagot. “Hindi naman, wala na akong ginagawa, nakahiga na ako at ready ng matulog anytime. Ikaw anong ginagawa mo?”
“Kakatapos ko lang gumawa ng plate, nagpapahinga na lang rin ako tapos matutulog na.” Malumanay na sabi niya. Napaka-lumanay at ganda ng boses niya. Nagsasalita lang siya pero para bang musika sa ganda ang tinig niya. “Alam mo naman ikaw ang pahinga ko.”
“Ano ulit ‘yon, Engr?” tanong ko dahil hindi ko narinig ang huling sinabi niya dahil may tumahol na aso sa kabilang linya.
Mahina siyang tumawa. “Wala! Ang sabi ko kakantahan kita para makatulog ka. Huwag mong ibaba ang tawag, ha? Kukunin ko lang ang gitara ko sa labas.”
Hindi na ako nakasagot pa dahil narinig ko na ang tunog ng paglapag niya ng cellphone. Ilang minuto pa ang lumipas may narinig akong papalapit na yabag sa kabilang linya kasunod ay ang tunog ng pagkuha muli ng cellphone.
“Direk, nandyan ka pa ba?”
“Oo, nandito pa ako.”
“Sige, umayos ka na ng pagkakahiga diyan. Kakantahan kita para makatulog ka.”
“Sige…” sagot ko at napahawak sa dibdib ko. Why do I feel like my heart’s melting?
He started strumming his guitar. Hindi pa man siya kumakanta, intro pa lang ng pagtugtog niya alam ko na kaagad title ng kanta. Stay by Cueshe.
“I believe we shouldn't let the moment pass us by
Life's too short, we shouldn't wait for the water to run dry”
Wanna know what an angelic voice sounds like? Just listen to Mike’s voice. That exactly how an angel’s voice sounds. Napakasarap sa pandinig ang boses niya. Hindi nakakasawa.
“Think about it 'cause we only have one shot at destiny
All I'm asking, could it possibly be you and me?”
Kung kanina hindi pa ako nakakaramdam ng antok, ngayon parang unti-unti na akong hinihila ni Hypnos sa mga bisig niya kung kaya’t napahikab ako. Nararamdaman ko ang unti-unti ng pagbigat ng talukap ng mga mata ko.
“So, if you'd still go, I'll understand
Would you give me something just to hold on to?
And if you'll stay, I'll hold your hand
'Cause I'm truly, madly, crazily in love with…”
That’s the last lyrics I heard before hypnos completely embrace me in his arms.
“You…direk”
Song featured: Stay by Cueshe
BINABASA MO ANG
Love On Borrowed Time [COMPLETED]
Novela Juvenil"Posible bang mainlove sa isang taong hindi mo pa nakikita? Hindi mo alam ang itsura, maski ang buong pangalan?" - Zel Is it really possible to love someone you just met online? [Photo used credits to the owner]