Chapter 8

5 2 0
                                    



I CAN’T BELIEVE I’m hearing my favorite song singing by my favorite band – live. And I can’t imagine na sobrang lapit lang nila sa akin. Kung sa movie pa HD na HD sila sa mga mata ko.

Hindi ko mapigilan ang sarili kong ivideo sila habang kumakanta. Once in a lifetime moment lang ang mga ganitong pagkakataon. Baka mamaya ay hindi na maulit kaya mabuti ng may memory akong ilo-look back.

Super saya sa feeling na maka attend ng concert nila. Sana ay makapapicture ako mamaya.

Nakakailang kanta na sila pero hindi pa rin napapagod ang mga tao na sumigaw, makikanta at lumundag sa saya. Kasalukuyang kinakanta ng banda ang kantang “Sorry” na siya ring kinanta ni Mike sa akin . Para bang nanumbalik ang kakaibang feeling na naramdaman ko nakaraan lang. 

Para na naman akong maiiyak sa hindi ko malaman na dahilan, at ayoko ng ganitong pakiramdam.

Napatingin ako kay Mike na nakangiting sinasabayan ang pagkanta ng paborito naming banda. Bakit pakiramdam ko, ito na ang magiging huling beses na makikita ko siya?

Maisip ko pa lang ay unti-unti ng bumibigat ang dibdib ko. 

Iwinaksi ko sa isip ang mga hindi magandang bagay. Mabilis kong pinunasan ang malapit na sanang tumakas na luha sa mga mata ko.

Itinapat ko kay Mike ang cellphone ko at nakangiti siyang vini-deo-han habang kumakanta. Mukhang naramdaman niya yata kaya tumingin siya sa akin. Akala ko ay pagbabawalan niya ako pero ngumiti at kumaway pa siya sa camera.

Nagulat ako ng tinapat niya rin sa akin ang cellphone niya. 

“Ngiti, Direk! Baka hindi na ako magkaroon ng ganitong chance kapag sumikat na Director ka na,” medyo malakas ang pagkakasabi niya dahil hindi kami magkarinigan. 

Tumawa lang ako dahil sa sinabi niya. Kaya naman sunod-sunod din na flash ng camera ang tumama sa mukha ko. 

“Selfie naman!” Dumikit siya sa akin. Tumalikod kami sa banda para sila ang maging background namin. Sunod sunod ang naging pag-click ni Mike ng picture. Kinuha ko na rin ang pagkakataon na yon para mag-selfie kasama siya sa cellphone ko. 

For keeps. 

Pagkatapos ng kanta ay biglang nagsalita ang vocalist ng banda.

“Thank you for coming tonight! Maraming salamat sa inyong mainit na pagtanggap.”

Nag palakpakan at naghiyawan naman ang mga tao – kasama na rin ako.

“Our next song is a special request from one of our audience. Sinadya talaga naming ipahuli ang kanta na ito. This song holds a special part in his heart dahil paborito ito nilang dalawa ng babaeng gusto niya, at dahil sa kantang ito naging mas close sila. If I were to borrow his words ang sabi niya “This song became the bridge that lead me to her.”

Napa-Ah naman ang mga tao dahil sa narinig.

“This is for you and for the girl you love. May you have more “borrowed time” to love her and to be with her.”

Nagsimulang mag strum ng guitar ang banda. Pagkarinig ko pa lang ng intro agad akong napalingon kay Mike.

Bakit pakiramdam ko ay para sa amin ang kantang ito?

Bakit pakiramdam ko siya ang nagrequest ng kantang ito? Paborito ko ang kantang ito, at dahil sa kantang ito naging malapit kami sa isa’t-isa.

 “Every fight needs mending

Every start has an end

Like the sunrise and the sunset

That's just how it is

Love On Borrowed Time [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon