Chapter Seven

1 1 0
                                    

I came back to my senses as soon as i've heard loud laughs around me. There was no Rome, he's not holding me and i'm not standing by the street. I'm still sitting at this couch and waiting for something thrilling to happen. I held both of my knees and rubbed them to stop it from shaking.

Sighing for every single minute, I only stopped when mom called me from the kitchen. Agad akong nagtungo roon at nakita na marami na siyang kasama, hindi naman siya masyadong umiinom dahil pinagbabawal na 'yun sa kaniya ng doktor regarding from her recent highblood attack so I know she's sober.

"Tulungan mo muna sila roon nak, naghuhugas sila ng pinggan," nakangiting sabi niya at akmang susundin ko na pero pinigilan ako ni tita Sheryl na parang may tama na. "Ano ba mare, bisita kayo, ako nga dapat ang mahiya e, atsaka hayaan mo na 'tong si Juliet na magpahinga."

Ilang ulit pang nagpabalik-balik ang tingin ko until mom insisted at siya ang sinunod ko.

Nahihiyang nilakad ko ang kusina patungo sa backdoor nila kung nasaan ang poso at mga hugasin. Ngunit imbes na ang akala ko'y ako lang ang gagawa nun, natigilan ako nang makita ang isang grupo ng kabataan na nagkukulitan habang naghuhugas ng pinagkainan. Parang gusto ko nang tumakbo pabalik sa loob nang makita na ako ni Ranjay at tinawag ako dahilan para magsitinginan silang lahat.

"Ahhh... ano..." hindi ako makatingin sa kanila dahil sa hiya. "Tutulong sana ako..."

"Nako girl, ayos lang, malapit na rin namang matapos 'to," sabi ng isang babae na may mahabang buhok na naka-kikay style.

"Oo nga, atsaka kaya na 'yan lahat ni Sierra kahit wala pa si Deiann, malaki muscles—aray!" Napalayo si Ranjay nang wisikan siya ng tubig nung babaeng naka pony tail ang buhok. "Oa neto, para tubig lang, umaaray agad? Napaghalataang hindi naliligo." Sabi niya pa kaya napangisi ako. Ang cute naman.

"Oh, kumusta kayo rito?" A man's voice followed by a chuckle emerged from behind me.

Napalingon ako sa likod nang marinig ito at agad na napatabi sa gilid ng pinto when I saw Rome. Lumingon siya sa akin as he gave me his sweetest smile kaya napalunok ako. There's something in him that I badly wanted to impress, so everytime I see him, hindi magkamayaw ang isip ko to seek for something na pwedeng gawin so that he'll like me.

A type of attraction that he really won't get over with.

Pinanuod ko silang mag-usap ni Ranjay at makipagkulitan sa dalawang babae. I badly want to be part of that circle. I want to be the reason of those smiles, the rhythm of his heartbeat and the name he's gonna utter before and after sleep.

Napangiti ako ng kaunti as I look at them for the last time before turning around. Ngunit hindi pa man ako nakahakbang palayo, somebody stopped me already by calling my name. Lumingon ulit ako sa kanila with my curious gaze. "Why?"

Tumikhim si Rome before looking at me.

"Saan ka pupunta?" he asked. His friends are watching him closely, specially Ranjay who wores his usual playful smile.

"Babalik sa loob." I said in a matter of fact tone. Pinipigilan kong ngumiti because I know what he wanted, pero ayaw kong mahalata niya na gusto ko rin.

"'Wag na muna. Pupunta kami sa tambayan ngayon," he tried to convince me. "Sumama ka na sa'min."

*****

Nagpaalam ako kay mom at pinayagan niya ako, maybe she trusts Rome somehow, atsaka may mga kasama naman kaming babae so she doesn't have to worry.

"Dito ka, Juliet." Kumaway sa akin ang babaeng nakapony tail na napag-alaman kong si Sierra pala. May dala-dala siyang isang pack ng junk food at ibinigay ito sa akin as soon as I sat beside her. Napatingin ako sa loob ng munting tree house nila na napag-alaman kong si Rome pala ang gumawa. It's cute...

Midnights of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon