Sitio Valiejo, 1947
It was a summer afternoon in Sitio Valiejo, the small and quiet town. And it's been a year after the war ended, at ngayon ay bumabangon na ang mga tao sa nangyaring digmaan.
Nasa tubuhan ng mga Gavillanes si Harry na nagtatrabaho.Nakabalot ang katawan ng damit upang hindi mainitan ng araw ang katawan. Nakatabon ang mukha ng panyo at nakasuot ng sombrero habang nasa gitna ng tubuhan at nagtatrabahong maikarga ang tubo sa kaha ng truck.Kasama niya sa trabaho ang mga obrero at isa na dito ang kanyang matalik na kaibigang si Bien. Sa ngayon ay patapos na ang trabaho at magkasama na silang dalawang naglalakad sa makitid at tahimik na daan patungo sa kanilang baryo.
"Alam mo Harry? Bilib ako sa'yo. Kasi kung tutuusin? Hindi mo na kailangang magtrabaho. Kasi anak ka naman ni Don Victor..Sa labas nga lang. Pero balang araw, itong tubuhan na 'to hanggang dun sa dulo? Mapapasa'yo din lahat ng 'to" Ani ng kaibigang si Bien.
"Bien?Alam mo naman na hindi ako ganid sa ganyan. Importante sa akin, ang nanay ko, wala nang iba. Kasi si Don Victor. Meron na siyang ibang pamilya. At pinili niya kaming iwan ng nanay ko dahil dun siya masaya sa kung ano'ng buhay meron siya ngayon. Okay na sa akin 'yun"
"Okay na sa'yo 'yun?Eh kung tatay ko 'yun baka nga kinasusuklaman ko na 'yun sa ngayon.Ibig sabihin pala,hindi importante sa kanya ang pamilya,kundi ang yaman."
Habang naglalakad sila,sumabay sa kanila ang ibang obrero at nagkukwentuhan ang mga ito. Di nila sinasadyang marinig ang pinag- usapan ng mga ito.
"Alam niyo ba mga kasama na. May handaan ngayon sa mansyon ng mga De La Merced. Kasi ngayong darating ang unica hija nilang si Margarette. Balita ko kasama daw bumalik dito ng sitio ang anak ni Don Victor na si Bernard. Nako pag nagkataon. May trabaho na naman ang mga asawa natin kasi pag may handaan,maghahanap ang mga iyon ng katulong dito sa baryo"
"Talaga? Nako magandang balita nga 'yan. Sasabihin ko sa asawa ko na magpunta sa mansyon,baka sakaling merong trabaho"
Napahinto si Harry sa narinig nila. Lumingon siya kay Bien at sinabing, "Dadating ang anak ng mga De La Merced?"
"Oo, si Margarette, natatandaan mo pa ba 'yun Harry? 'yung batang muntik nang malaglag sa bangin noon at tsaka niligtas mo? Nako tiyak maganda na 'yun ngayon. Sa amerika pa naman lumaki"
"Oo nga no? Natatandaan pa kaya niya ako?"
Agad siyang pinagtawanan ni Bien tsaka pabirong hinampas sa balikat.
"Ano ka? 'wag ka nga'ng mangarap dyan. Sa dami pa naman ng mayayamang kaibigan 'yun sa amerika.Sa palagay mo ba maaalala ka pa no'n? Alam mo kasi Harry, ang mga mayayaman na 'yan. Kung ang pagligtas mo sa buhay nila eh nakakataba na ng puso mo para sa'yo,eh sa kanila,maliit na bagay lang 'yun. Isang salitang thank you lang,ayon okay na."
At sabay na silang naglakad pauwi. Ngunit nang makarating sila sa daan patungong Hacienda. Agad niyang hinila ang kaibigang si Bien.
"O? Saan tayo pupunta?" pagtatakang tanong nito sa kanya.
"Alas kwatro pa naman ng hapon eh. Punta tayo sa mansyon ng mga De La Merced, sisilip lang tayo"
*****
Sitio Valiejo, 1947
It was a summer afternoon in Sitio Valiejo, the small and quiet town. And it's been a year after the war ended, at ngayon ay bumabangon na ang mga tao sa nangyaring digmaan.
BINABASA MO ANG
Last Interlude
General FictionHarry is a 25 year old man who lived in Sitio Valiejo It was summer of 1948 when a woman captured his heart and her name was Margarette. -How could he ever win and fight for his love when it was Bernard Gavillanes, his rich half brother, is his riva...