Chapter 9

27 1 0
                                    

September, 1948


Nakatayo sa harap ng dagat si Margarette, nakikita niya ang lungkot sa malayong sulok ng dagat na natatanaw niya. Pakiramdam niya tutulo ang kanyang luha sa sobrang lungkot at tahimik. Naalala niya tuloy ang kanyang mga magulang. Maraming mga katanungan sa kanyang isip kung kamusta na kaya ang mga ito sa ngayon. Hindi na rin siya nakatanggap ng sulat mula sa pinsang si Olivia.

"Nalulungkot ka ba?" tanong ni Harry na nasa kanyang likuran. Lumingon siya dito at ngumiti lang. Lumapit ito sa kanya at niyakap siya ng patalikod. "Gusto mo na ba'ng umuwi Margarette?"

"Hindi Harry, naalala ko lang kasi sina Mama at Papa. After nilang ibenta ang mga lupain kay Bernard. Ano na kaya sila ngayon?"

"Makikibalita ako kay Bien. Hindi na rin sila kasi nakakapag-sulat sa atin.Siguro baka nag-iingat lang sila.Masyadong makapangyarihan si Bernard.Baka siguro minamanmanan din sila nito"

Humarap siya kay Harry at hinawakan niya ito sa mukha. "Kumain ka na ba? Sigurado ako, gutom na gutom ka na?"

"Hindi pa naman,kakatapos lang ng trabaho namin sa tubuhan. Alam mo Margarette. Konting tiyaga na lang. Makakaahon din tayo. Sana matanggap na ni Bernard na hindi kayo ang para sa isa't isa"

Ngumiti siya at sinabing."Balang araw. Dadating ang oras na matatanggap niya ang lahat Harry. Sige, magluluto na ako ng ulam ha?" at sunod siyang humakbang upang magtungo papasok ng maliit nilang bahay pero pansamantalang nagpaiwan si Harry na nakatayo sa harap ng dagat.

Habang nakatayo si Harry. Pinagmasdan lang niya si Margarette na naglalakad papasok ng bahay nang bigla siyang nakaramdam ng panghihilo.Hinawakan niya ang kanyang ulo sa sobrang sakit at napaungol siya. Lumingon sa kanya si Margarette  para sana  tawagin siya nang makita siya nitong unti-unting napapaluhod sa buhangin.

"Harry?" sigaw ni Margarette at kaagad itong tumakbo palapit sa kanya."Harry? Gumising ka? Ano'ng nangyari sa'yo?"

Agad na sumigaw at humingi ng tulong si Margarette sa mga tao na makakarinig sa kanya kaya bilis na lumapit sa kanya ang dalawang lalakeng namamangka at tsaka siya nito tinulungan na madala sa loob ng bahay si Harry.


*****


Alas kwatro nang hapon ng makagising si Harry, ramdam niya parin ang panghihilo at panghihina ng buong katawan niya. Nasa kanyang tabi si Margarette na siyang nakabantay sa kanya.

"Margarette?" mahinang bigkas niya.

"Harry? Mahal ko, 'wag ka munang gumalaw masyado, bigla ka na lang hinimatay kanina. Ano ba ang nangyari sa'yo?"

Lumapit ang isang babaeng manggagamot at sinabing. "Hija, mas mabuti pa siguro ang dalhin na lang siya sa malapit na ospital dito sa bayan ng san juaquin. Hindi ko siya kayang pagalingin. Nanghihina ang buong katawan niya at biglang bumagal ang paghinga niya"

Hindi maisip ni Margarette kung ano ang dahilan nang biglaang pagkaroon ng ganitong sakit ni Harry. Lumingon siya sa kasintahang nakahiga at nakikita niya ang dahan-dahan na pagpikit ng mga mata nito.Hinawakan niya ito sa mukha at nakikita niya ang hirap ng nararamdaman nito.

"Harry? What's happening to you?"

Pero hindi na sumasagot si Harry, agad siyang tumayo at lumapit sa isang cabinet. Binuksan niya ito at nakita niya ang kaunting pera na nasa sobre, alam niyang malaki ang gagastuhin sa ospital pero kailangan niya itong madala upang maagapan.

Last InterludeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon