Chapter 5

29 1 0
                                    

Summer 2012.



Bumaba na ng eroplano si Jeff, kasama si Harry. Tinanggal niya ang shades na suot niya at nilanghap ang sariwang hangin.

"It's almost a year Harry. And welcome back from Australia. So now? Are you ready to manage our Hotel in manila?" masayang tanong ni Jeff.

"Wala naman akong magagawa Jeff eh,ginusto mo naman lahat ng 'to diba?"

"Hep,hep,hep. Correction my dear grand father. Este, Harry pala, gusto ito ng tatay mo noong nabubuhay pa siya. Eto ang sinulat niya na kapag gumising ka, mag-aral ka, gaya nang mga nangyari sa buhay noon ni Bernard, and I'm helping you now. Kasi ayokong mumultuhin ako no."

"Well na nag-aral ako?Pakiramdam ko nga parang bagong tao ako,sa bagong henerasyon.Now I'm almost accepting the fact na wala na nga pala talaga ako sa panahong 'yun? Hanggang ngayon kasi, pakiramdam ko,parang natulog lang ako kahapon. Parang kasama ko pa si Margarette kahapon. And then now I can't imagine that it's been so long since she's gone. Marami akong dapat balikan sa Sitio Valiejo Jeff. Dahil sa kagustuhan mo na sumama ako sa'yo sa Australia para mag-aral. Ginawa ko. 'Yun ay dahil na rin kay tatay Victor. Pero sana, payagan mo akong bumalik ng Sitio Valiejo ulit.Marami akong dapat malaman. Kung ano na ang nangyari kay Margarette matapos akong natulog ng mahabang panahon.At nararamdaman ko.Meron akong pag-asang malaman ang lahat ng mga katanungan na hindi mo masasagot."

"Do you think it's possible Harry? Kahit si lola Emma ko, patay na rin.Kung sinasabi mo na siya ang nakababatang kapatid niyo ni lolo Bernard. Malamang kung sino ang mga nasa idad mo noon. Wala na rin"

"I know Jeff. I know that this is not the end of everything. Kung totoong wala na nga talaga si Margarette.Masakit man pero handa na akong tanggapin 'yun. Siguro I need to wait another 50 years para magkita ulit kami. Kahit sa magkabilang buhay na lang."

Sumakay sila ng kotse matapos makalabas ng airport.

"Can you imagine Harry? You're so lucky. And wanna know why? Kasi kung tutuusin. Patay ka na sa sobrang tanda mo. Okay let's just say na nasa otchenta mahigit ka na sa ngayon. Pero malapit na rin 'yung mamatay ha.Marami nang sakit 'yun Harry.. In our new generation. Masuwerte na daw ang isang tao na umabot ng 40 years or 50 years ayon sa nabasa ko. Siguro kung hindi ka lang natulog? Baka nga siguro ulyanin ka na ngayon.Pero,kung sakaling buhay ka pa hanggang ngayon at matanda na. Ako rin pala ang apo mo na nag-aalaga sa'yo, haisst buti na lang pala natulog ka. At least parang kuya lang kita."

"Kahit ano pa'ng gawin mo. Lolo mo parin ako. Buti na nga lang hindi ka nagmana kay Bernard."

Lumingon si Jeff sa kanya at sinabing. "Bakit? kung sakaling nagmana ako sa kanya. Natatakot ka?"

"Hindi, kahit kailan hindi ako nasindak sa kanya."

Ngumiti si Jeff tsaka nagsimula nang magmaneho palabas ng airport. Nakikita ni Harry ang malalaking building na dinadaanan nila. Parang ang bilis nang panahon at nandito na ulit siya sa pilipinas pagkatapos niyang mag-aral sa labas ng bansa. Biglang pumreno si Jeff sa pagmaneho ng kotse nang may patawid na babae sa daan.

"Oh Sh**." Sambit ni Jeff.

Napatingin si Harry sa unahan ng kotse nang biglang huminto ang babaeng muntik na nilang mabundol.

"Hoy, ano ba ha?Sasagasaan mo ba ako?Hoy bumaba ka dyan" galit na sinabi ng babae.

Binuksan ni Jeff ang bintana ng kotse at dumungaw.

"Miss, I'm sorry. Hindi namin sinasadya. Ikaw naman kasi eh, hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo"

Lumapit sa kanila ang babae at tinuro-turo sila nito."Uhh so ako pa ngayon ang may kasalanan ha?Bumaba ka nga dyan nang magkaalaman tayo?"

Last InterludeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon