Sa loob ng ospital, naglalakad si Lloyd sa hallway habang papalapit sa pinto ng kwarto. Sa pagdating niya sa pinto, nakita niya ang pangalan ni Harry na nakakabit.Huminga siya ng malalim at tsaka binuksan ito. Nakita niyang nakahiga si Harry sa kama habang natutulog.Dahan-dahan siyang humakbang palapit dito at umupo siya sa tabi nito. Dahan-dahan namang dumilat ang mga mata ni Harry nang maramdaman siya nito. Tinitigan lang niya ito at hindi siya nagsasalita. Ngumiti si Harry sa kanya at paunting gumalaw ang kamay nito at nilahad sa kanya. Senyales na gusto siya nitong hawakan sa kamay. Napayuko siya at ginalaw niya ang kanyang kamay at hinawakan din niya ang kamay ni Harry.
"Lloyd? Bumisita ka ba sa akin?" tanong nito.
"Yeah, and I make sure that no one will be here today but me.. only you and me."
Tumango si Harry sa kanya na nakangiti. "Alam mo Lloyd? Kung mamamatay man ako ngayon? Masaya na ako, kasi alam ko, hindi mo papabayaan si Andrea."
"He's all yours Harry, he loves you so much. I don't know why I'm here now.Basta ang alam ko lang, ayoko sa'yo. Kasi ikaw ang karibal ko sa kanya. At ayoko ang makausap ka kasi hindi kita tinuring na pamilya ko. Kahit na... Lolo pa kita. Pero hindi ko alam kung bakit dinala ako ng mga paa ko dito. Siguro nga.. Siguro nga gusto ko lang na makapag-usap tayo bago ka mawala. 'Yun lang... 'yun lang Harry... Pero paulit-ulit kong tinatanong ang sarili ko. 'Yun nga lang ba?.. O baka naman ayoko lang talagang makausap ka,kasi ayokong bigyan ang sarili ko na maging maamo ako sa'yo tulad ni kuya. Kasi ang totoo niyan. Ayoko lang na makausap ka kasi ayokong maging okay tayo, kasi alam ko, kung mawawala ka, ako ang unang-unang masasaktan at iiyak. Kasi noong buhay ka at okay ka, inayawan agad kita. Pero hindi naman talaga ako galit sa'yo eh. Lalo na ngayon, kasi nga siguro mamamatay ka na. At 'yun dapat ang gusto ko... Pero hindi ko pala kaya. Ayoko palang mawala ka. Kasi ayoko pala na iiwan mo kami ni kuya. Kasi malulungkot pala ako pag wala ka. Because I'm so lucky to have you in our lives. Because you're so unique. Because for me.. You're one in a million. And I don't want you to go. Because I know you love me. I know you love kuya and I. Just like your love with Lola Emma. So Please, forgive me. Please don't go"
Hinawakan siya ni Harry sa mukha at sabay punas ng kanya luha ito."Hindi na ako pumayag na matulog ulit ako ng mahabang panahon Lloyd. Kasi ako lang din ang mahihirapan pag gumising ulit ako. Paano kung gumising ako, tapos wala na kayo. I don't want to abuse God's grace Lloyd. Minsan na niya akong binigyan ng isang chance para mabuhay. Pero nagawa ko na...At last. Nagawa ko na ang hindi ko nagawa noon. And don't be sad if I tell you goodbye. Kasi mas gusto ko 'yun. Kasi pag wala na ako, at least mababantayan ko kayo. Mas gusto ko 'yun kesa sa tulog ako. At lahat sila nandun na, ako na lang ang wala. Lahat tayo may katapusan, pero siguro mauuna lang ako. Kaya ikaw.Magpakabait ka dito ha?At si Andrea, alam ko,darating ang araw magiging masaya din siya. Lalo na pag nahanap na niya ang lalakeng muling magpapa-ibig sa kanya.Pero alam ko naman na nandyan ka, hindi mo siya hahayaang masaktan ng iba diba?"
Yumuko siya na may matipid na ngiti. "I accepted everything between me and Andrea. We're not meant for each other. Andrea is destined to love you forever, a someone like you. And I need to move on and proceed to the next chapters in my life."
"Si Emerald? 'yung apo namin ni Bien at Olivia? Alam ko kahit hindi mo sabihin, pero alam ko, gusto mo siya. Gusto mo nga ba siya?"
Tumango siya at sinabing."Hindi ko alam,pero napapangiti ako sa tuwing naiisip ko siya. Maybe I'm in love with her. Finally I'm in love."
"Wag mo siyang sasaktan ha?Kasi gusto ko, kung kayo ang para sa isa't isa. Gusto ko mahalin mo siya, gaya ng pagmamahal ni Bien kay Olivia noon. Gusto ko, kapag magaling na ang sugat sa puso mo at handa ka na ulit magmahal. Gusto ko puntahan mo siya. Sabihin mong mahal mo siya. At hindi mo siya iiwan. Pero gawin mo 'yun kapag handa ka na"
BINABASA MO ANG
Last Interlude
General FictionHarry is a 25 year old man who lived in Sitio Valiejo It was summer of 1948 when a woman captured his heart and her name was Margarette. -How could he ever win and fight for his love when it was Bernard Gavillanes, his rich half brother, is his riva...