Chapter 13

13 1 0
                                    

Sa loob ng ospital, hindi parin nakakagising ang matandang babae. Sa ngayon ay sinusuri pa ito ng doktor.Nasa labas naman si Harry at Andrea kausap ang doktor at isang pulis.

"Medyo nagpapahinga lang ang pasyente,pero nagkaroon lang ng sugat sa kanyang noo pero hindi dahil nabundol niyo siya kundi nadapa siya sa lupa. Pero kapag nakagising siya, pwede niyo na siyang iuwi" sabi ng doktor.

"Pero dok, hindi siya namin kilala, nabundol lang siya namin pero wala po siyang kasamang iba. Nag-iisa lang siya" sagot ni Harry.

"Pina-imbestigahan na rin namin, wala siyang pamilya dito sa syudad.Baka galing probinsya siya,ganito na lang sir. Tutal kayo naman ang nakabundol sa kanya, baka pwedeng habang naghahanap kami ng kung sino ang pamilyang makakapagkuha sa kanya dito,baka pwedeng sa inyo na muna siya?"pakiusap ng pulis.

Ilang sandali lang ay nakagising na rin ang matanda, at hindi nito maalala ang nangyari sa kanya.

"Nasaan ako? Bakit ako nandito?" tanong nito.

"Lola? Nasa ospital ka po ngayon,kasi nabundol ka namin kanina, taga saan ka po ba? Para naman mahatid ka namin sa pamilya mo?" diretsong tanong ni Andrea sa matanda.

Tinitigan siya nito ng husto at dahan-dahan siya nitong hinawakan sa mukha. Bagay na ikinagulat naman niya ito pero hindi niya magawa ang umilag dito dahil nang hawakan siya nito sa mukha. Parang nakaramdam siya ng init at haplos ng isang malapit na kapamilya niya.Parang nangulila siya sa hawak ng kamay nito.

"Ikaw?" bigkas nito.

"Po? Ano'ng ako po?"


*****


Sa pagsapit ng gabi. Nasa loob  na ng hotel si Harry kasama si Andrea kung saan nakaabang sa pagdating ng pasyente. Sa pagdating ng ambulansya.Sinalubong na nila ito nang binaba ng mga nurses ang matanda na nakaupo sa wheel chair nito.

"Welcome home lola, dito ka na muna sa hotel habang wala pa kaming mga contact sa mga pamilya mo. Taga saan ka ba lola?"Hindi sumagot ang matanda nang tanungin siya nito ni Jeff, sa halip ay umagaw ang pansin niya sa dalawang nakatayo sa likuran nito, sina Harry at Andrea.

"Ako... ako si.. Azon." At hindi na siya nagdugtong pa ng salita.

"Okay, so I think you need to rest lola, dadalhin ka namin sa magiging-kwarto mo ha?And hopefully magkaroon na agad tayo ng balita sa pamilya mo. Para naman malaman nila ang nangyari sa'yo"

Sakay sa wheel chair, pansamantala muna niyang pinahinto ang nurse na nagtutulak sa kanya at tinitigan niya ng mabuti si Harry. Kinilala niya ito ng mabuti. Nagkatitigan silang dalawa bago siya tuluyang pinasok sa loob ng kwarto.

"Andrea, okay lang ba kung dito ka na muna matulog? Para naman masamahan natin ang matanda na nabundol natin, baka kasi natatakot siya. Kasi talagang tinititigan niya ako kanina"

"Harry? Alam mo kanina nang makagising siya?Hinawakan niya ang mukha ko, at sinabi niyang. Ikaw.. ako daw? Pero no'ng tinanong ko na siya kung ano'ng ibig  niyang sabihin sa sinabi niyang ako? Pero agad siyang hinimatay ulit."

"Halika? Kausapin natin siya?"

Sa pagpasok ng dalawa sa loob ng kwarto. Susunod na sana si Jeff nang mapansin niyang parang may tao sa tapat ng gate na nakatayo. Lumapit siya dito at nakita niya ang babaeng dati niyang nakilala sa gilid ng daan, si Tricia, naging pamilyar agad ito sa kanya kaya ngumiti siya. "Yes? Why are you here?"

Lumingon sa kanya si Tricia at tumaas ang kilay nito.

"Uhm, sinusundo ko kasi si Andrea, 'yung kaibigan ko, kasi meron daw silang nabundol kanina. So since may experience ako sa pagiging care giver dahil nag-aral ako sa tesda ng 2 years. Kaya ako nandito, because I will be the one to check the patient"

Last InterludeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon