Namamasyal si Andrea sa park habang nakikita niya ang maraming tao sa paligid. Sa ngayon ay natatanaw na niya ang bilog at malaking fountain kung saan niya unang nakilala si Harry. Habang naglalakad siya at nililibot ang bilog na fountain. Parang nararamdaman niya ang biglang pagtahimik ng mga tao sa paligid. Lumingon siya sa palibot ng park at nakita niyang wala nang katao-tao maliban sa isang lalakeng nakatayo at nakatalikod sa kanya.And this man seems so familiar to her kahit na nakatalikod. Umusbong ang ngiti niya sa kanyang labi at nakaramdam siya ng galak nang makita niya si Harry.
"H-Hi" bigkas niya.
Dahan-dahang lumingon sa kanya si Harry at sinalubong siya ng gwapong ngiti nito.
"You're here? You're back Harry"
"Yes Andrea, as promised."
At inilahad ni Harry ang kamay nito sa kanya. Tinitigan niya ito tsaka niya hinawakan hanggang sa naging magkalapit silang dalawa.
"I'm here now Andrea, so you'll never be alone"
Hindi na siya nakasagot pa, tumulo ang kanyang mga luha at naramdaman naman niya ang lamig ng kamay ni Harry nang haplusin nito ang mukha niya sabay sa pagpahid ng kanyang mga luha. Ramdam niya ang pananabik sa asawa kaya niyakap niya ito ng mahigpit.
"Harry"
bulong niya sa asawa habang magkayakap sila, at kasunod siyang hinalikan nito sa kanyang labi. At nang magkadikit ang mga labi nila. Sabay din ang pagbuhos pataas ng tubig sa fountain at nagbigay ito ng iba't ibang kulay.
Sa pagdilat ng kanyang mga mata. Hindi na niya namayalan na nakatulog pala siya sa sofa matapos panoorin ang video ni Harry. Yakap-yakap niya parin ang picture frame nilang dalawa. Lumingon siya sa orasan at nakita niyang alas otso na ng gabi at kailangan na niyang magbihis upang pumasok sa trabaho.
*****
Valentines Night of 2014
"Good evening listeners, and this is love confession once again this is me your DJ Lovely and you're still with me now in your favorite music station 87.5 Morning Madness. And for sure there's a lot of couples who are dating because love is in the air.Happy Valentines night. And now I'm waiting for my last call. And his name is Nikko. So stay on the line Nikko and we will talk after the commercial"
Sumandal siya sa upuan at hinubad ang kanyang head phone, pumasok naman si Tricia habang may bitbit itong white roses para sa kanya.
"Hello Bessy, Happy Valentines. Hmm alam ko malungkot ka kasi wala na si Harry, but later we will eat outside kasi nagyaya si Jeff na kumain daw tayo sa labas, kasi dumating from Sitio Valiejo sina Lloyd at Girl friend niyang si Emerald."
"Talaga?Eh baka makasira lang ako sa moments niyo.Ako lang pala ang walang lovelife later?"
"Ano ka ba, don't worry, we're here for you. Pinangako ko kay Harry noong mawala siya na tuwing valentines day.Sasamahan ka namin.But you're not alone naman because charaaaaan. Flowers for you."
Sabay abot nito sa kanya ang isang set ng bulaklak.
"Wow, kanino galing?"
"Kanino pa, eh di sa mga fans ni Dj Lovely. O sige na patapos na ang commercial mo. Back to the phone ka na mamaya, I'll wait for you outside okay? Mamaya pa naman dadating si Jeff eh"
Nilagay niya ang white roses sa mesa habang napapangiti, nakita niya ang isang maliit na nakakabit na card at binuksan niya ang nakasulat dito.
"Have a great working hours Dj Lovely.Happy Valentines day."
BINABASA MO ANG
Last Interlude
General FictionHarry is a 25 year old man who lived in Sitio Valiejo It was summer of 1948 when a woman captured his heart and her name was Margarette. -How could he ever win and fight for his love when it was Bernard Gavillanes, his rich half brother, is his riva...