Prologue
"Sorry, Sandy. That's the least we can do for your career."
I walk silently away. That was my last and best shot. Nakailang balik na ako sa ABS-CBN building to ask for my incoming projects. I think that was the 12th or 13th. Hindi ko alam, hindi ko na binilang. I can't blame them that I don't have any projects anymore. Alam ko naman na ganyan talaga ang cycle ng buhay kung nasa show business ka. Maaring sikat ka ngayon, pero bukas ay hindi na. There were new discovered artist na pure pinoy kaya siguro sila na muna ang pinagtuunan ng pansin. I can't compete to them because I am not a Filipino and I don't even have a Filipino blood. I just have a Filipino heart.
I went inside our house. Binili ko itong bahay na ito noong nanalo ako sa SCQ. Nakita ko si mommy na nagluluto ng pananghalian namin. Lumapit ako sa kanya at humalik sa kanyang pisngi.
"Oh, anak? Kamusta ang lakad?" I saw her smile. Kung ano man iyong naramdaman ko kanina na panghihina ng loob ay agad nawala. Ngumiti ako sa kanya pabalik.
"Ma, bumalik na kaya tayo sa Korea? Remember my offer from the President of YG Entertainment?" My documentary "My Name is Sandara Park" was shown in one the channels in South, Korea. It was unexpected that the President of YG called me and offered an exclusive audition for me.
"What about that?" Tanong niya.
"Should I accept it? Hindi na ako nakakakuha ng projects dito and I'm not even sure kung magkakaproject pa ako." Sagot ko.
"Alam kong mahirap na desisyon ito para sa 'yo. Gawin mo kung ano ang dapat mong gawin. Kahit ano man ang desisyon mo, susuportahan ka namin ng kapatid mo." Hearing her saying those words brought my normal breathing back. Iba talaga sa pakiramdam kapag ang ina na ang nagsabing susuportahan ka niya.
Pumasok ako sa aking kwarto. Tiningnan ko ang cellphone ko at nakitang may dalawang mensahe galing kay Seph.
Seph:
Sandy?
Seph:
Nasan ka?
Nang nabasa ko ang mensahe nya ay agad ako nag type ng reply.
Ako:
Nasa bahay na ako. Ikaw, nasan ka? Can I see you?
Joseph is my boyfriend. We are dating for how many months now. Sa kanya ko lang kasi naramdaman kung paano ligawan. Wala kasing nagtakang manligaw sa akin maliban sa kanya. Nagustuhan ko na rin siguro siya dahil nakasama ko siya sa ilang mga projects ko.
BINABASA MO ANG
Affliction (Daragon)
FanfictionSandara Park wasn't ready to face a new beginning in her life. She wasn't even sure of the decision she made. If Shakespeare's question in Hamlet was "To be, or not to be.." In her case, it was "To go, or not to go.." Her option consist of only two...