Chapter 1

130 2 1
                                        

Chapter 1

Intimidated


"So, ano? Naghiwalay na ba kayo nong Joseph na 'yon?" Pang-iinis sa akin ni Thunder nang nag touchdown na ang eroplanong sinakyan namin sa Incheon International Airport dito sa Korea.



Malayo ang Busan sa Seoul kaya napagdesisyon na lang namin nila mama na kumuha ng condo unit na malapit sa YG building kung saan ako mag-aaudition.



"Ano ba talagang problema mo kay Joseph?" Tanong ko.



Hindi niya ako sinagot, sa halip ay nagkibit balikat lang siya.



Tumingin ako sa labas ng bintana ng bus na sinasakyan namin. Katabi ko si Thunder habang si mama naman ay nasa kabilang upuan. Malamig dito sa loob ng bus. Nakakapanibago din ang klima dito sa Korea. May snow na tumatakip sa aking paningin sa bintana. Pinunasan ko ito gamit ang aking kamay para makita kung ano ang meron sa labas.



"Hindi na ako... sanay sa..."



Tumigil ang sinasakyan naming bus dahil red light. Natigilan din ako nang nakita ang isang lalaki sa labas na nakahinto din. Nakabukas ang bubong ng convertible niya kaya kitang-kita ko siya. Nakapatong ang isang braso niya sa pintuan ng kanyang sasakyan habang hinahawakan ang kanyang labi at ang isang kamay naman ay nakahawak sa manibela. Namukhaan ko siya nang lumingon siya sa akin ngunit agad din namang umiwas ng tingin. Weird.



Ngumuso ako ng napagtantong si Kwon Jiyong iyon.


"Hindi sanay saan, ate?" Tanong ni Thunder.



"H-hindi sanay sa klima ng Korea." Sabi ko sabay titig kay Jiyong na halos paharurutin na ang sasakyan niya palayo.



Baliw. December na kaya ngayon kaya malamang sa malamang ay may snow na. Bakit nakabukas pa ang bubong ng convertible ng sasakyan nya? Nagpapalaway lang siguro dahil alam niyang gwapo siya. Ang yabang!



Pagkarating sa unit na binili namin ay gumala agad ang paningin ko. Hindi naman siya kalakihan pero malaki na ito para sa aming tatlo. Dinala ko ang gamit ko sa loob ng kwarto naming magkapatid. Dinala naman ni Thunder ang mga gamit ni mama sa kwarto nito. Isang kwarto lang sa amin ni Thunder.



Nakita ko ang dalawang kama na simula ngayon ay gagamitin naming dalawa. Parang ngayon pa lang nag sisink in sa akin na dito na talaga kami titira. Naalala ko noong mga ilang taon na ang nakalipas ay nag training na din ako sa YG Ent pero sa isang dorm ako namalagi noon, hindi sa isang condominium. This will be really the start of our new life. It will start here. Here in Korea.

Affliction (Daragon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon