Medyo naiilang ako ngayong magkasama kame habang nag di-dinner. Nakasanayan na rin namin na kasama siya sa pag di-dinner, Gusto kasi ni mama na saluhan niya kame lagi. Tsk, Minsan nakakaselos na, Ako yung anak pero si Azriel yung pinapasin.
"bakit nga pala ito yung Trabahong Napili mo iho? Gayong alam mo naman na yung pakikisamahan mo lagi e yung pasaway na anak ko. " saad ni mama, Naka ngusong tinignan ko ito
Pasaway lang ako kasi ayoko nang gusto nila. Sinabi kona, Ayoko nang may bumubuntot pero lagi namang dahilan nila ay Para din naman to sakin, Para sa kaligtasan ko. Pero kahit na, Ayoko parin, pakiramdam ko kasi e wala akong kalayaan.
Pakiramdam ko bawat galaw ko e Bantay sarado ng bodyguard na to.
" Kailangan lang ma'am, saka hindi naman po masyadong problema itong anak niyo e" tumingin ito sakin habang ngumunguya ng pagkain. " masunurin nga siya, kahit siya yung boss sinusunod niya rin po ako. " ngumiti ito ng pilyo
Napalunok ako sa sinabi nito
Bakit pakiramdam ko iba ang kahulugan ng sinasabi nito
Bwisit to ah
Parang biglang nag init yung pisngi ko kaya sumubo na ako ng pagkain at pinuno yung bibig ko
" really? Hindi ko alam na pwede palang utusan tong anak ko ah." hindi makapaniwala na sabi ni mama
"don't get mad at me ma'am- "
" no iho, It's okay, nagulat lang ako na madali mo lang pala na napapasunod itong anak ko." bumaling sakin si mama
Damn, Magsalita ka nga Brie, ipagtanggol mo sarili mo. Hindi ka inuutusan nitong Si Azriel. Maliban nalang pag pagdating ito sa....
Argh! Nevermind.
Uminom ako ng tubig.
"excuse me, kailan mo pa ako inutusan at kailan ako nakinig sayo? " taas kilay kong tanong sabay lapag ng baso
He smirk, oh damn that, Kakaiba ata iniisip nito ngayon ah. " Gusto mopa bang sabihin ko ngayon mismo?"
Sabi na e hayop talaga.
" ewan ko sayo!" Agad na akong tumayo at aalis na sana
" hey iha, hindi pa ubos yang kinakain mo." saad ni mama
" I'm full mama." tumingin ako kay Azriel at inirapan ito "nakakawalang gana ding kumain pag nakikita mo yung taong kinaiinisan mo. " Pagkatapos kong sabihin yon ay Tumalikod na ako saka nagtungo sa kwarto ko
"nakakainis! "
Mabuti na nga lang at hanggang halikan lang yung nangyari samin kaninang umaga, Kung hindi, nako! Ewan ko nalang.
Ilang linggo na mula nang may mangyari samin, kaya yung sinabi niya kaninang napapasunod niya ako tsk! Alam na alam kona ang ibig niyang sabihin don, siraulong yon.
Napatingin ako sa cellphone ko nang Tumunog yon, dinampot ko naman yon saka sinagot ang Tumatawag.
"anong kailangan niyo? "
[" kailangan namin ang atay mo."] pabulong pa na sabi nito mula sa kabilang linya na parang nakakatakot yung pananalita
"balibag kaya kita. "
Nagsitawanan naman sila, boses yon ni thalia at Hailey. Magkasama na naman pala ang dalawang baliw na to.
[" Brie, pumunta ka kaya dito sa bahay, may wine na dala si Hailey."]
Okay, masasabi kong bad influence talaga ang dalawang baliw na to
Hindi na nga Iinom yung tao yayayain pa