CHAPTER 20

263 3 0
                                    

BRIELLE SKYE POV

Ilang linggo ko nang nararamdaman ang pagkahilo at pagsusuka, Hindi kona alam kung anong nangyayari sakin kaya naisipan kong magpa check up na. Wala na naman si Azriel Kaya ang kasama kong magpa check ay si selenna.

Kailangan niya daw kasi puntahan yung isa sa mga kaibigan niya dahil may pag uusapan lang

Matapos kong sabihin sa doctor yung mga nararamdaman ko ay may kinuha ito at inabot sakin

Nangunot ang noo ko nang Makitang PT 'yon

Oh damn!

“  d-doc?” tinitigan ko lang yung PT  na inaabot niya sakin

“ try this Mrs, Para makasigurado tayong tama nga ang hinala ko.” saad ni Doc. Napatingin naman ako kay Selenna

“ Omg ma'am? B-buntis ka?”

“hindi ko  alam. ” tinanggap kona yung PT at Pumasok na muna sa Comfort room dito.

Ginawa ko yung mga Nakalagay soon at naghintay ng ilang  Minuto.

Matapos nang ilang minuto ay Kinakabahan kong Tinignan yung resulta

“sh*t. ” napamura nalang ako nang makita ang resulta.

It's possitive

Buntis nga ako

Gusto kong maiyak dahil sa nalaman ko. Hindi dahil Natatakot ako kundi parang nakaramdam ako  ng saya
Hindi lang ako makapaniwala na magiging mommy na'ko, bakit pa nga ba ako magugulat e Ginagawa nga pala namin 'yon ni Azriel Nang Walang proteksyon.

Matapos non ay bumalik na kame ulit ni Selenna sa Opisina. Umupo na muna ako sa swivel chair ko

“ My gosh ma'am, kaya naman pala kung ano ano nalang yung  pinabili   niyo sakin.” kahit si selenna ay hindi parin makapaniwala na buntis ako, Sigurado akong may idea na 'to kung sino ang ama ng batang  nasa sinapupunan ko

“ grabe ma'am, ang bilis niyo naman pong makabuo ni Mr. Hot bodyguard.” pinandilatan ko ito ng mata, Baka mamaya e biglang pumasok  si Azriel at marinig pa  ang pinag uusapan namin

Sa ngayon, Hindi ko muna 'to sasabihin sakanya, Gusto ko siyang isurpresa sal 1st monthsarry  namin.

“ Sabi kona nga ba e kayo talaga magkakatuluyan, ibang iba yung tingin niyo kay Azriel kaysa kay Carlo.” saad nito, kahit kailan talaga e napaka daldal ng babaeng ito.

Walang oras na nakatikom lang yung bibig.

“ Manahimik kana nga selenna baka mamaya biglang dumating  si Azriel at marinig niya pa  yung sikreto natin. ” saad ko

“oh okay, sorry ma'am. ”

“ congrats nga po pala.”

“thankyou. ”

Hindi pa pala alam ni mama at ni daddy ang tungkol dito. Ni hindi nga nilang alam na  kame na ni Azriel tapos ngayon buntis pa ako.

“e ma'am pano  niyo po sasabihin 'yan sa mama niyo? ” talagang lalagyan ko na ng tape ang bunganga nito nang Manahimik rin

“ Hindi ko rin alam.” sagot ko nalang.

May bigla namang kumatok at pinapasok ko 'yon

“ma'am pakipirmahan nalang daw po ito.  ” saad  ng isang babae at nilapag yung  papeles. Binasa  ko muna 'yon bago ko pinirmahan

“anong   amoy 'yon? ” Gusto kong masuka nang may maamoy akong mabaho. Mukhang Galing sa babaeng 'to

Sininghot  naman siya Ni Selenna at agad na lang  Napatakip ng  ilong

MY HOT  BODYGUARDWhere stories live. Discover now