" Azriel inom ka din." alam kong lasing na rin ako sa mga oras na 'to. Inabot ko sakanya yung baso pero tinignan niya lang ako
"enough Brie, you're drunk. "
Umiling ako " hindi pa ako lasing, uminom ka rin kaya. "
" ayaw mo naman sigurong maaksidente tayo pauwi."
Nagkibit balikat lang ako at inilayo na sakanya yung baso " ikaw ang bahala."
Ang kj talaga ng bodyguard na to.
"so Brie, ano na, kamusta naman na kayo ni Carlo? Sinagot mona ba siya? " tanong ni Thalia
"hindi, hindi ko alam, ang arte kona siguro pero talagang hanggang kaibigan lang ang tingin ko kay Carlo. "
Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko
Halos lahat naman na ginagawa niya pero wala parin.
" ay nako Brie, alam mo mabait naman si Carlo e, Kaya bakit hindi mo subukan? I mean, sagutin mona, malay mo matutunan mo rin siyang mahalin pag naging kayo na talaga. "
Parang hindi ko ata kaya yun
" wag mong paasahin yung tao." walang emosyon na sabat ni Azriel, pareho kameng napatingin sakanya
" Hindi ko naman siya pinapaasa ah. "
" Sinabi mo na nga diba, wala kang nararamdaman sakanya, bakit di mo nalang sabihin sakanya ang totoo."
"i did. Sinabi ko pero wala naman daw siyang pakealam. "
Napailing ito at hindi na kame pinansin. Napakunot noo nalang kameng tatlo.
Parang timang nga naman talaga itong Azriel na to
Tumayo ito at aalis na sana pero Pinigilan ko muna ito
" San ka pupunta?" parang umiikot na paningin ko ah.
" sa labas, aantayin nalang kita don." pagkasabi niya nun ay nagsimula itong lumabas at iniwan ako.
T*ngina? Ano na namang problema niya?
Napailing iling nalang ako saka nagkwentuhan na kame ulit
AZRIEL KNOX POV
Hindi kona kayang marinig pa yung mga pinag uusapan nila tungkol sa kay brielle at Sa Carlo na 'yon.
Pumasok ako sa loob ng sasakyan
Dito ko nalang siya aantayin
Nang Tumunog ang cellphone ko ay sinagot ko rin itong tumawag
"yes kasmir? "
[" bro, where the hell are you? Alam moba kung anong araw ngayon?"]
Nangunot ang noo ko at sinubukang isipin kung ano nga.
" oh fvck!" napamura nalang ako nang bigla kong maalala kung anong araw ngayon
["oh yes, fvck yourself, kanina kapa hinihintay ng inaanak mo. "]
Birthday ngayon ng inaanak ko, Si Precious, paano ako makakapunta kung hindi pa umuuwi itong si Brielle.
" Bud, I'm sorry ayaw pa kasing umuwi ni Brielle." tinignan ko yung orasan sa Wristwatch ko. 9 30 na. " 10 oclock makakarating na rin ako dyan."
[" stup¡d, sa tingin moba gising pa ang pamangkin ko non."]
Natampal ko ang noo ko at tumingin sa bahay na kung nasaan nandoon si Brielle
" okay, I'm coming, Just wait for me." Pagkatapos nun ay Binaba kona ang tawag at lumabas ng sasakyan saka tumakbo Papasok sa loob
Nang makapasok ako ay nagsasaya pa silang tatlo