Naka bukas yung shower sa bathroom, Hindi ko man lang namalayan 'yon kanina. Kaninong bahay ba talaga 'to..
Biglang sumagi sa isip ko yung keychain na nasa Nightstand
Unti-unti akong Lumingon don
A.k
Ak..
Azriel..
Sana mali ako ng iniisip
Narinig ko ang pagsara ng shower kaya nagmadali akong kumilos Kaso nga lang nasagi ko yung flower vase rito kaya nahulog ito kasabay naman non ang Biglaang pagbukas ng pinto sa bathroom na Halatang nagmadaling lumabas roon
Pareho kameng hindi makapaniwala na magkaharap kame ngayon
Kung ganon.. siya nga
Si Azriel yung may Ari ng mansyon na 'to
“b-brie. ”
Biglang nalang Pumatak ang luha ko, hindi ako Makapaniwalang magagawa sakin 'to ni Azriel. Kasabwat ba siya ni Santiago? Bakit niya nilihim sakin na Magkakilala sila
Lumapit ito sakin at hahawakan na sana yung kamay ko pero agad ko 'Yong nilayo
“ explain.”
“Brie, baby.. ”
“magpaliwanag ka azriel! ” hindi kona rin napagilan ang sarili ko at Napasigaw na
“anong koneksyon mo sa Santiago na 'yon huh?! Tauhan kaba? Ano? Inutusan kang Mag spy sa Bahay namin? Huh? ” sumasakit ang Dibdib ko, Sobrang sakit. Sa dinami-dami, bakit siya pa? Bakit ang lalaking mahal ko pa?
“ Brie, magpapaliwanag ako.”
“ talaga lang! Magpaliwanag ka bago ko pa ipaglandas tong palad ko sa pisngi mo!”
“kaano- kaano mo si Santiago? ”
“ calm down first Brie, Hindi makakabuti 'yan sa Baby natin”
“ what the hell azriel! Answer me first!”
“ Brie, Please calm down. ” hinawakan ako nito sa magkabilang balikat ko pero agad kong tinabig ang Kamay niya
“ ano azriel? Hindi kaba magpapaliwanag?”
Huminga ito ng malalim
“he's.. my uncle. ”
Uncle?
Uncle niya yung Santiago na 'yon? Damn, no, Please bakit ikaw pa. Bakit yung Santiago na 'yon ang Tito mo
Napahagulgol ako dahil sa mga sinabi nito, Pag nalaman ni Mama 'to hindi ko na alam kung ano Ang pwedeng mangyari, Pamangkin siya ni Santiago, si Santiago na pumatay kay Daddy
“ Sabihin mo nga azriel..” Napayuko ako, hindi ko kayang Umiyak ng ganon sa harap niya
“ sabihin mo nga, mahal moba talaga ako o Inutusan ka lang Ni Santiago na lumapit samin At Para guluhin kame.” hindi parin ako makatingin nang diretso sakanya
Nang hindi pa ito sumagot ay doon na ako Umangat ng tingin. Nakatitig lang ito sakin, Malungkot ang Mga mata, gusto ko nang sagot mo azriel, Sumagot ka.
“ nung Una, Planado lang lahat ng 'to..” hindi niya na natuloy ang sasabihin niya nang bigla ko itong sinampal ng malakas
Sa unang sagot niya palang Ay naliwanagan na ako
Planado na lahat nung una palang, niloloko niya lang ako nung una palang, Pinaibig niya lang ako para saktan. Damn it! Ang t*nga ko! Bat masyado akong nabulag sa Pagmamahal niya, Hindi ko man lang nakitang Niloloko niya na pala ako