CHAPTER 19

434 14 4
                                    

BRIELLE SKYE POV

" maraming salamat ho inang, masaya po akong nakilala ko kayo kahit sa ilang araw lang." naka ngiting sabi ko, Ngayon na ang Balik namin ni Azriel.

Gusto ko pa mang manatili rito pero may trabaho rin akong dapat na balikan. Masaya silang kasama, Kung pwede lang talaga na hindi nalang umalis ay nanatili nalang talaga ako.

Naka ngiting hinaplos nito yung pisngi ko " masaya akong nakilala kita iha, maging masaya ka rin. Tandaan mo na ang lahat ng nangyayari sa buhay natin ay isa lamang pagsubok na dapat nating lagpasan. Doon lang tayo mas pinapatibay. Maging masaya ka sana sa piling ni Azriel." madamdaming saad nito

Napangiti ako dahil sa mga sinabi nito saka hinawakan ang kamay ko

" salamat inang, Babalik ho kame rito kapag may oras kame, Babalik balikan ko ang probinsyang ito at kayo."

" ang swerte talaga sayo ni Azriel."

"swerte ka rin sakanya. " dugtong nito. Tumango ako saka ngumiti

" Mag iingat kayo dito inang." Lumapit sakanya si Azriel at niyakap ito. Hindi ko alam pero parang may ibinulong ito kay inang.

Matapos naming nagpaalam ay umalis na rin kame

Nasa eroplano na kame at Nakatutok lang ako sa Cellphone na ibinigay sakin ni Azriel

May binabasa lang ako nang biglang May nalanghap akong mabaho kaya para naman akong maduduwal sq amoy na 'yon

Napatakip ako ng bibig upang pigilan 'yon

" hey are you okay?" nag aalalang tanong sakin ni Azriel

Tumango naman ako habang nasa bibig ko para ang palad ko

Gusto kong maduwal pero Pinigilan kona lang, nang maramdaman kong umayos na yung pakiramdam ko ay inalis kona yung palad ko saaking bibig saka ako umayos ng upo.

" uminom ka muna ng tubig." saad nito saka inabot sakin yung tubig.

" salamat."

Matapos nang mahabang byahe nakarating na rin kame, Sinundo lang kame ng driver ni mama at nang makarating sa mansyon ay naka abang rin si mama

" ma." naka ngiting sambit ko saka hinalikan si mama sa Pisngi

"iha, how's your vacation? " naka ngiting tanong ni mama

"masaya naman ma, nag enjoy rin ako. "

" mabuti naman kung ganon, Salamat sa pagdala sa kanya roon Iho." baling nito kay Azriel.

Naka ngiting Tumango naman ito

"no probs tita. "

Ngumiti ako sakanya, Ngumiti rin naman ito Pabalik sakin. Hindi pa alam ni mama ang tungkol saamin ni Azriel, hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay mama

Hindi kaya magalit siya?

Hindi naman siguro dahil sa nakikita ko e gustong gusto niya kay Azriel

Nang bumaling ako kay Mama ay nakita kong Nakatingin ito sa katawan ko, Sa bewang at tyan ko napako ang tingin nito

Anong problema?

" ma?" tawag ko rito upang agawin ang atensyon niya

" hm? Yes iha?" Umangat na ito ng tingin

" may problema po ba?"

" ah, Wala. Napansin ko lang na medyo tumaba ka yata." saad nito, Napa nguso nalang ako

Pati ba naman si mama.

" tumaba po talaga ako?" naka ngusong tanong ko. Mahina naman itong tumawa

"but you're still sexy. "

MY HOT  BODYGUARDWhere stories live. Discover now