CHAPTER 23

196 3 0
                                    

Matapos ilibing si daddy ay hindi ko na madalas makita si Mama Dahil lagi nalang itong nagkukulong sa kanyang kwarto. Gusto ko man siyang kausapin pero lagi niya namang sinasabi na gusto niyang mapag isa

Nag aalala na ako para kay mama,
minsan hindi na siya kumakain ng buong araw dahil wala naman daw siyang gana

Nalulungkot rin ako sa nangyari kay daddy, Sobrang nalungkot, Pero pag nagpa apekto pa ako siguradon maaapektuhan rin si Baby, nanggaling na ako sa Hospital dahil dinugo ako, natakot ako, Akala ko pati ang baby ko ay mawawala na rin. Kaya ngayon Kailangan kong magpakatatag, Nandito naman lagi si Azriel para damayan ako

Napakaswerte ko talaga sa lalaking 'to, napaka swerte namin ng magiging anak namin sakanya.

“here's your milk. ” saad nito at inabot sakin yung baso, Hindi niya na ako masyadong Pinapakilos.

Tinanggap ko yon at mabilis na Inubos saka binalik sakanya

Lumapit ito at Hinalikan ako sa labi, Saglit lang 'yon  “Magpahinga kana. ” tumayo na ito at Aalis na sana pero hinawakan ko ito sa palapulsuhan niya dahilan upang tumigil ito at Tumingin sakin

Hinila ko ito kaya Muli itong napa upo sa tabi ko

“ Thankyou.” malambing na sabi ko at Inakap ko ito

“ thankyou kasi Hindi mo ako iniiwan sa Kahit anong problema ko. ”

“do you think that i can leave you alone? No Brie, No. You and our baby is my life, sasamahan kita sa lahat ng bagay, Sa lahat ng problema, Kasama mo ako Kaya sana magpakatatag ka, Mahal ka namin ni baby. ”

Napa ngiti ako dahil sa mga sinabi nito

“nandito lang din ako lagi para sa'yo, nandito kame lagi ni baby, kaya kung may problema ka, Sabihin mo.” hindi siya umimik Pero hinahaplos Nito ang aking buhok

“Brie, baby, Paano kung may nagawa akong Kasalanan sa'yo,  are you gonna forgive me?”

Nangunot ang noo ko dahil sa sinabi nito, Hindi parin kame humihiwalay sa isa't isa, Nanatiling Nakayakap kame sa isa't isa

Ano kayang ibig sabihin niya sa tanong niya?

May nagawa nga ba siyang kasalanan sakin?

“ depende I think, Ewan. Mahirap ang magpatawad azriel, Pag nagtiwala sa'yo yung tao Ingatan mo 'yung tiwalang Binigay niya sa'yo kasi Once na nasira mo 'yon, Mahihirapan ka nang Ibalik ulit 'yon. ”

Parang Napatigil ito, hindi ko alam Kung anong nangyari pero ang paghinga niya lang ang naririnig ko

“ bakit mo naitanong? May nagawa kabang kasalanan sakin?”

Humiwalay ito sakin at Ngumiti saka -umiling

“ Forget it.”

Hindi ito ang ngiting Lagi kong nakikita kay  Azriel, alam kong pilit lang siyang  ngumingiti sa harap ko ngayon.

May tinatago ba siya sakin?

Pansin ko lang parang laging may gusto  itong sabihin sakin pero parang may pumipigil.

May dapat ba talaga akong malaman Tungkol kay Azriel?

Ngumiti nalang din ako at tumango

Marami akong gustong malaman tungkol kay Azriel, Sa tuwing may Tinatanong  naman ako Sakanya Wala siyang maisagot sakin O dikaya'y nag iiba ng topic.

Malakas ang kutob kong may tinatago siya sakin

I'm sorry azriel kung pinaghihinalaan man kita sa ngayon, Hindi lang ako mapakali dahil sa mga ikinikilos mo, may anak na tayo't lahat lahat pero wala parin akong masyadong alam tungkol sa buhay mo

MY HOT  BODYGUARDWhere stories live. Discover now