CHAPTER 30

151 5 0
                                    

Ilang oras Na pero hindi pa rin dunadating si Azriel. Ayos lang kaya siya? Ano na kayang nangyari sakanya?

Nilalaro ko na ang aking mga daliri dahil sa sobrang kaba. Tumayo ako At sumilip sa labas. Nasa labas pa rin yung mga Bantay at abala sa pakikipag usap kaya ang ibig sabihin lang neto wala pang gulo ang nangyayari sa labas.

Pero nasaan na siya?

Muli akong bumalik mula sa pagkakaupo

“azriel.. ”

AZRIEL KNOX POV

“ the hell azriel? Hindi ka pwedeng basta basta nalang na sumugod don, Gusto mong mamatay ng wala sa oras huh?” halos sigawan na ako ni Kasmir. Medyo gumaan ang pakiramdam ko nang tumawag si Brie at narinig ang kanyang boses

Ibig sabihin lang nito ay Okay siya, but i'm sure, Hindi na siya magiging maayos Kapag nagtagal pa siya sa mga kamay ni Tito santiago, isa pa 'yang g*gong Carlo.

“ Brie needs me, i need to save her.”

“ we know azriel, Pero Sa oras na sumugod ka don ng hindi ito pinagp-planuhan, Pwedeng mapahamak lang si Brie.”

Argh! Hindi ako makapag isip ng maayos. Ang gusto ko lang ay yung mailigtas si Brie mula sa Santiago na 'yon.

Pero mas iniisip ko parin ang Kaligtasan niya Kaya tama si Kasmir, Hindi ako pwedeng sumugod don Ng basta basta, hindi naman kung sinong Tao lang si Tito, Maraming Bantay at mga cctv's roon kaya talagang matutunugan kame ng mga tauhan nito

Mas lalo lang talaga siyang mapapahamak

BRIELLE SKYE POV

“ hey, what is it? ” tanong ko sa isa sa mga Bantay. Tumingin naman ito sa wrist watch niya.

“ Alas sais na ng gabi.” sagot nito

It's already 6, May tiwala ako kay Azriel. Alam kong pinagp-planuhan niya lang ang pagsugod rito. Sa ngayon, Ang kailangan kong gawin ay ang magdasal at Magtiwala.

“pwede ba akong maglakad lakad? Kahit dito lang sa loob, Hindi naman ako tatakas. ” saad ko. Susubukan kong maglibot dito sa loob. Hanggang ngayon hindi pa rin ako naniniwalang wala na ang anak ko.

Malakas ang kutob kong buhay ito at tinatago lang nila sakin.

“hindi pwede, papatayin kame ni Boss. ”

“ please? Nabobored na ako sa dito sa loob.”

Umiling ito “ gusto kopang humaba ang  buhay ko.” damn it, Bakit ba ang hirap pakiusapan neto.

“ kahit sag—” Napatigil ako bigla dahil sa aking narinig.

*baby cries

Ang baby ko

“ ano 'yon? Anak ko 'yon diba? Nasaan ang baby ko? Gusto kong makita ang baby ko.” humakbang na ako at Lalabas na sana pero agad nila akong pinigilan

“bawal kang lumabas ”

“ano ba! Bitawan niyo'ko! Alam kong anak ko yung umiiyak, please, Gusto ko na siyang makita, Ibalik niyo yung anak ko! ” nagwawala na ako habang umiiyak.

Ito yung unang beses na narinig ko ang pag iyak ng aking anak. Damn, gustong gusto kona siyang mahawakan

“ hindi mo anak 'yon, Patay na ang anak mo. ” saad nito

“ sinungaling!” malakas ko itong sinampal kaya Napahawak ito sakanyang pisngi

“ hay*p ka ah!” naramdaman kona lang ang Masakit na Pagsampal ng isa sakanila sa pisngi ko

MY HOT  BODYGUARDWhere stories live. Discover now