After 3 weeks...
Evi Pov..
Ngayon nag hahanda na kami papunta sa cebu, nung nalaman nila Mom na sa cebu namin gusto mag pakasal ni Izen natuwa sila kasi favorite place daw nila yung cebu. Back to normal na ulit kami, mahirap kasi kulang kami pero okay lang yun, dadating yung araw muli kami mabubuo.
Evi! tawag sa akin ni Ian.
Bakit Ian? Tanong ko sabay lingon.
Wala lang sagot niya.
Hay nako Azhian Karzhane kilala kita sabi ko sa kanya.
Kasi naman hindi niya natuloy yung sasabihin niya dahil mukhang iniisip pa niya kung sasabihin niya ba o hindi, hay nako Ian hindi kana nag bago.
Ano ba kasi yun Ian? Tanong ko ulit.
Ma mimiss kasi kita Evi, alam mo naman na matagal na tayong mag kasama tapos ngayon i kakasal kana sagot niya, nag drama ang pinsan ko.
Alam mo Ian mag kasama parin naman tayo kaso may asawa na nga lang ako, at sadyang ganun naman talaga Ian sagot ko sakanya, siguro maninibago ako sa unang araw ng kasal ko.
Basta Evi kapag may ginawang kababalaghan si Izen sabihin mo lang sakin at itatapon ko talaga siya sa snake Island sabi niya natawa naman ako ng bahagya.
Oo naman, gusto mo ako pa mag tapon sa kanya ron sagot ko.
Kinabahan ka ba? Tanong niya.
Oo, medyo sagot ko.
Sure kana ba talaga kay Izen? tanong niya.
Oo naman bakit? Sagot na tanong ko.
Wala lang baka kasi mag bago isip mo, handa naman kitang tulongan sa pag takas sagot niya, ang weird nito si Ian kung ano ano pinag sasabi.
Sira ka talaga Ian sagot ko sabay upo sa sofa.
Kung ikaw kaya tanongin ko, si Liz na ba talaga? Tanong ko sa kanya.
O-oo naman utal na sagot niya, bakit naman utal ang sagot mo Ian may pagaalinlangan pa ata itong si Ian.
Bat utal ka? Tanong ko.
Hindi ah dipensa niya.
Oo nalang sabi ko sa kanya.
Evi masaya ako para sainyo ni Izen sabi niya, mag dra drama ba itong si Ian.
Hay nako Ian wag mo ako dramahan na tatawa kong sabi.
Seryoso ako Evi sabi niya.
Hay Ian alam ko naman yun sabi ko.
Ayoko lang na mag drama ka Kuya Ian dag dag ko, tama ang rinig niyo Kuya si Ian matanda lang siya sa akin ng 2 buwan.
Kuya Ian ka jan sabi niya.
BINABASA MO ANG
Admiring: Crush Ko, Naging mahal Ko
Fiksi RemajaDiba sabi nila ang crush ay pag hanga lng pero paano kung isang araw ma realize mo, na mahal mo na pala ang crush mo???? Start: 5/3/2018 End: 3/15/2023 Please support my first story thankyou... at pa vote nadin po Speacial thanks: @VandalizedPaper H...