CHAPTER 7

2.9K 52 2
                                    

ALAS-NUEVE na ng gabi nang makarating sa
bahay-asyenda si Jared. Inaasahan niyang tulog na ang abuela. Pero nagkamali siya dahil pagpasok pa lang ng four-wheel drive niya sa garahe ay agad nang bumukas ang pinto at sumungaw si Eleanor.

"Kumusta ang kasal ng kapatid mo?" agad na
bungad ni Eleanor pagkababa na pagkababa niya ng sasakyan.

Jared smiled tiredly at his grandmother. "They
missed you. How's the arthritis anyway?"
Sinulyapan niya ang paa nito.

"Namamaga pa nang bahagya. Hindi mo
sinasagot ang tanong ko, Jared."

Kinuha niya ang briefcase sa loob ng sasakyan
at pagkatapos ay inakbayan ang abuela at
pumasok sila sa loob ng bahay.

"I took videos. Ipakikita ko sa inyo bukas."

"Gusto kong panoorin ang video ngayon,
Jared," giit ni Eleanor. "Mag-shower ka at
magpahinga na habang nanonood ako. Nagagalit ako sa sarili kong hindi ako nakadalo sa kasal ng kapatid mo."

He sighed. "I am not that tired anyway. Let's
watch it together."

Habang isinasalang niya ang video cassette
ay naghanda ng light meal si Lola Eleanor para sa kanya. Pagkatapos ay magkasama nilang
pinanood ang kuha sa kasal ni Jordan.

Eleanor's face light with gladness.
"She's beautiful, Jared!" bulalas nito. "And look
at your twin, he couldn't seem to take his eyes off his bride when he thought no one notice."

Jared laugh. "Exactly, Grandma. And Jordan
denied that he was enamour with his wife."
Eleanor's eyes turned misty. "I am so happy
for Jordan. Sinabi mo ba sa kapatid mong dalhin niya rito at ipakilala sa akin ang asawa niya?"

"Yap." Tumayo siya at dinala sa dining table
ang wala nang lamang pinggan. Kumuha ng tubig sa ref at nagsalin sa baso. "They will sail for Paso de Blas and will stay there for two weeks. Pagkatapos ay tutuloy ang dalawa sa Caribbean. You have to wait for two months, darling, bago mo makilala ang bagong apo mo."

Hindi kumibo si Eleanor at ipinagpatuloy ang
panonood. Ibinaba ni Jared ang baso sa counter at lumakad pabalik sa abuela. Tumayo sa likod ng sofa na kinauupuan nito.
"Ano ang masasabi ninyo kay Serena, Lola?"

The out of the blue question made Eleanor spun and stared at her grandson. "Serena?"

"Yes, Serena." Inilahad niya ang kamay. "We
both had dinner with her aunt two nights ago. Tiya Adel, your high school friend, remember?"

"Oh, yes, of course." Napatango si Eleanor
nang maisip ang tinutukoy niya. Then she eyed
him curiously. "Natitiyak kong hindi pisikal na
katangian ang tinatanong mo, Jared, dahil nakikita mo iyon. At noon ko lang siya nakatagpo para makabuo ng opinyon. Pero nakita ko ang atraksiyon mo sa kanya nang gabing iyon. But what else is new?" She sighed drily. Ibinalik ang tingin sa pinapanood, patapos na ang kasal.

Nakatitig din si Jared sa screen ng TV. Pero
mukha ni Serena ang nakikita niya sa screen bilang ang bride sa halip na si Adriana at siya ang groom sa halip na si Jordan.

After two days, he still remembered the kiss. It
was bone-melting. Hindi siya makapaniwalang
makadarama siya nang ganoon sa isang simpleng halik. Never in his adult life had a simple kiss affected him so much. Kung hindi niya inilayo ang sarili at hindi sinasadyang napayuko si Serena, tiyak na mapapahiya siya.

His arousal was obvious and instantaneous.
In fact, hindi man niya aminin ay si Serena ang
dahilan ng pagmamadali niyang makauwi kaagad sa mismong araw matapos ang kasal ng kapatid.

"Do you think she's a wife material?"

Muling napatingala si Eleanor sa kanya. "Ano
ang ibig mong sabihin? Nag-iisip ka na bang mag-asawa?"

KRISTINE SERIES 25: Have You Looked Into my Heart?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon