"SAAN ka ba nanggaling? Bakit ngayon ka
lang?" agad na salubong ng babae nang mapag-buksan siya ng pinto."Huwag kang magsisimulang magtungayaw,
Sonia. Pagod ako sa biyahe," babala niya.
Tuluy-tuloy siya sa maliit na sala na sa
dalawang hakbang ay ang kusina na rin, at isa pa uling ikot ay ang pinakasilid na tinabingan lamang ng luma at kupas na kurtina. At ang kama, alam niya na bumubukol na ang mga spring at tumutusok na sa likod.His nose flared. Papasok pa lang dito sa lugar
na ito'y napasimangot na siya. Makitid ang iskinita na puno ng mga batang nanlilimahid at mga istambay sa kanto na nag-iinuman. Pakunwari niyang binati ang mga iyon at binigyan ng isang daang pisong pang-inom.At habang sinusuyod niya ng tingin ang
entresuwelo ay lalo nang gustong mag-init ng ulo niya. Biglang-bigla ay kinasuklaman niya ang kapaligirang iyon. Mas malaki pa ang servant's quarter sa villa ng mga Manzanares kaysa sa buong bahay na iyon. At di-hamak na mas magaganda ang kasangkapan sa loob ng servant's quarter kaysa sa kasangkapan sa bahay na iyon.Pero hindi magtatagal at maisasaayos niya ang
lahat. Nakatiim na tiniyak niya iyon sa sarili.
Naupo siya sa lumang sofa na, tulad ng kama,
ay nakaalsa na rin ang mga spring at ang napunit na leatherette ay tinapalan lamang ng rugby. Inihilig niya ang ulo sa sandalan. Si Sonia ay lumapit at tumalungko sa sahig, sa pagitan ng mga binti niya."Gusto mong alisin ko ang pagod mo?" Puno
ng kahulugan ang mahinang tinig nito. Ibinaba ang zipper sa pantalon niya.Isang patamad na ngisi ang pinakawalan niya.
Tumaas ang kamay sa buhok nito at dinaklot iyon at itiningala ito."Iyan ang gusto ko sa iyo, Sonia. Hanggang
ngayon ay hindi ka pa rin nagbabago kahit lyebo tres ka na. Pero mamaya na iyan. Pakainin mo muna ako."Nakangusong tumayo si Sonia at lumakad
patungo sa kalan. "Noodles ang niluluto ko bago ka dumating""Noodles?" Napaangat ang likod niya mula sa
sandalan. "Anak ng-!""Ano ba ang inaasahan mo?" sagot nito sa
bahagyang padabog na tinig. Kumuha ng
bandehado at nagsandok ng kanin. "Halos isang buwan kang hindi nagpapakita. Wala naman akong pera maliban doon sa iniwan mo sa aking tatlong daan. Saan ba naman aabot iyon? Inutang ko pa nga itong noodles sa tindahan!""Pesteng buhay ito. Sana'y hindi na lang ako
umuwi rito! Kanin at noodles?" Tumayo ito at
dinukot ang pitaka mula sa pantalon at kumuha ng isang libong piso at pahagis na inilapag sa center table. "Bumili ka ng matinong ulam sa kanto! Tatlong
klase at ihagis mo sa kaning-baboy iyang noodles. Bumili ka rin ng beer at bayaran mo ang utang mo."Nanlaki ang mga matang napatitig sa pera si
Sonia. Pagkatapos ay nakangiti at pagahamang dinampot nito ang pera at nagmamadaling lumabas ng entresuwelo. Ilang hakbang lang ang tindahan at bilihan na rin ng ulam. Kaya ilang sandali pa'y nakabalik na ito at inihain ang tatlong klaseng ulam."Nanalo ka raw ba sa lotto sabi ni Aling Onang,
at tatlong klaseng ulam ang binili ko?" Binuksan nito ang apat na bote ng beer.
Kinuha niya ang isa at ininom mula sa bote."Kapag nagkataon ay... mas pa sa panalo sa lotto, Sonia," wika niya, walang pakialam kung umaapaw ang kanin sa bibig. Dito ay hindi niya kailangang magkunwari.
Hindi niya kailangang gumamit ng mga
kubyertos at cloth napkin. Ang ipinagpapasalamat niya, sa mga pagkakataong nakakalimot siya sa harap nina Serena at Tiya Adel ay maiintindihan ng mga iyon na ito ang uri ng buhay niya sa nakalipas na mga taon. Gayunma'y hindi kailangang palabisan.
Sinalinan ni Sonia ng ulam ang pinggan niya."Kuwentuhan mo naman ako, Cris. Saan ka ba
nanggaling nitong nakaraang mga linggo?"
Ngumisi siya, tinungga ang beer. "Natatandaan
mo ba iyong sinabi ko sa iyong pamilya ko sa
Marinduque?"
BINABASA MO ANG
KRISTINE SERIES 25: Have You Looked Into my Heart?
RomanceNang unang masilayan ni Serena si Jared Atienza ay nakita niya rito ang katuparan ng mga suliraning iniwan sa kanya ng namayapang mga magulang. Jared Atienza was filthy rich. Bale-wala rito ang halaga ng pagkakasangla ng asyenda nila. That he was s...