TATLONG araw matapos silang mserena sa
Marinduque ay ikinasal sina Jared at Serena sa
simbahan ng Manzanares. Ang kasal ay ginanap ng bandang hapon at sinabay sa panghapong misa sa araw na iyon ng Sabado.Kahit paano'y marami ring tao sa simbahan
at may mangilan-ngilang kakilala si Eleanor at Tiya Adel ang hindi sinasadyang nakasaksi at bumati at nag-usisa kaya naman natagalan din sila sa simbahan.Sa mga kamag-anak ay walang ibang sumaksi
sa simpleng kasal na iyon kundi sina Lola Eleanor, Tiya Adel, Christian, Yaya Lucita, at ang dalawang sponsors-ang babaeng mayor ng Manzanares at ang manager ng bangko sa bayan.Narinig ni Serena na ipinaliliwanag ni Jared
sa dalawang sponsors kung bakit wala itong mga kamag-anak na nakadalo sa kasal na iyon.He said his twin brother and new sister-in-law would have wanted to be present at the wedding but the couple were out of the country on their honeymoon. Ang mga magulang naman nito'y nasa ibang bansa pa
rin para sa isang takeover conference.Then Jared turned to his new wife and
laughingly told Serena that his mother was
hysterical. Nagsipag-asawa ang kambal nang
wala ang mga ito. Then a certain Carrie, an aunt or something couldn't come either.Magkasunod lang itong ikinasal at ang kapatid ni Jared. At sinabi nitong nasa first trimester nito ang tiyahin at mapanganib para sa dinadala nito ang magbiyahe ng malayo.
"It doesn't matter anyway," dugtong ni Jared,
"Well, alam naman ng mga magulang ko kung
bakit madalian ang naging pagpapakasal namin ni Jordan."Of course, but Serena would have wanted
Jared's parents to be present at their wedding.
Gusto niyang maramdaman mula sa mga magulang ni Jared na tinatanggap siya ng mga ito bilang miyembro ng pamilya at nakikigalak sa kasal na ito hindi dahil sa kung ano mang kadahilanan.Mula sa pagmamaneho pabalik ng villa ay
inabot ni Jared ang glove compartment at may
kinuha mula roon. Isang blue velvet square box
ang iniabot nito sa kanya."That's my mother's," he said. "Nang maka
usap ko siya sa telepono noong naroon tayo ay sinabi niya sa aking mamili ako sa mga alahas niya na nasa vault kung alin ang gusto kong ibigay sa'yo sa kasal natin. Pinili ko iyan."Sinulyapan niya ito kasabay ng pag-abot niya
sa velvet box. Jared was so handsome in his barong-Tagalog, black slacks, and Italian leather shoes. His wind-tousled hair hung over his collar.Sa iba'y magmumukhang alangan ang may
kahabaan nitong buhok sa pormal nitong suot. But not on him. Tila ba ang barong-Tagalog ay sinadya upang bagayan ang buhok nito."Hindi mo ba bubuksan iyan?" he asked without taking his eyes off the road.
Niyuko niya ang cajetang nasa mga kamay
niya. Patamad niya iyong binuksan. Kahit hindi
nito sinabing alahas ang laman niyon ay madali namang hulaang ganoon nga.Gayunman, hindi pa rin niya mapigilang mapasinghap nang masilayan ang laman ng munting kahon.
Hindi iyon pares ng singsing, hikaw at kuwintas, o bracelet, na siyang nasa isip niya.
It was a rose brooch in antique yelow gold.
Umaagaw sa kinang ng ginto ang kinang ng
mumunting emeralds na nakapaligid sa delicate petals at kumikislap sa liwanag ng panghapon araw. At sa gitna ng hindi pa halos bumubukang rosas ay isang malaking brilyante na natitiyak niyang ang halaga'y maaari nang ipambayad sa pagkakasanla ng ilang bahagi ng lupain nila.Biglang-bigla ay tila napakabigat ng brooch
sa kamay niya. Alanganing napalingon siya kay
Jared. "A-are you sure your mother wanted you to give this to me?"
BINABASA MO ANG
KRISTINE SERIES 25: Have You Looked Into my Heart?
RomanceNang unang masilayan ni Serena si Jared Atienza ay nakita niya rito ang katuparan ng mga suliraning iniwan sa kanya ng namayapang mga magulang. Jared Atienza was filthy rich. Bale-wala rito ang halaga ng pagkakasangla ng asyenda nila. That he was s...