CHAPTER 3

3K 54 2
                                    

"PAANONG magkakaroon ng dugo si Thor?"
tanong ni Serena. "Baka nasabit siya sa mga siitkaninang tumakbo siya."

Sinundan ng mga mata ni Jared ang
pinanggalingan ng dugo. Itinaas nito ang saddle ng kabayo. "Sonofabitch!" he bit off. Then he looked at her apologetically. "Sorry about that."

lwinasiwas ni Serena ang kamay bilang
pagbabale-wala sa pagmumura niya. Mas ang
interes nito sa nakita niya sa kabayo. "What?
What have you found?" She moved closer to
look.

Sa tagiliran ay may sariwa at maliit na kahoy
na nakatusok sa balat ng hayop. At patuloy sa
pag-agos ang sariwang dugo mula roon.
"P-paanong nangyari iyan?" she asked, confused.

"Hold the rein firmly and talk to your horse,"
utos ni Jared, pagkatapos ay napangiwi sa sarili. Sinasabi niya rito ang mga napapanood niya sa mga pelikula.

Ano ba ang alam niya tungkol sa kabayo?
Wala. As in nothing. But there was one thing
called pure "common sense," and he had plenty.

Once he pulled out the twig, it would hurt like
hell. At kinakabahan siyang aalmang muli ang
kabayo at maaaring may masaktan sa kanilang
pareho.

Mabilis na tumalima si Serena. Hinawakan nito
nang mahigpit ang tali ng kabayo, hinaplos ang leeg at muling kinausap.

Jared smiled drily, hoping the soothing words
would work.

Isang pulgada lang halos ang nakausli sa kahoy at umaasa si Jared na mahuhugot niya iyon nang madali. Or they would be in big trouble. Mahigpit niyang hinawakan ang kahoy sa pagitan ng thumb at forefinger at malakas na binunot iyon.

Umangat ang ulo ni Thor at nagpaikot-ikot
na tila natatakot. Inabot ni Jared ang renda at
tumulong na pigilan ito. Ang banayad na tinig ni Serena ang nagpangyari upang ilang sandali lang ay kumalma na ang kabayo.

"Heto ang dahilan kung bakit tumakbo nang
ganoon ang kabayo mo," aniya, itinaas ang halos apat na pulgadang matulis na sariwang kahoy na nakabaon sa tagiliran ng hayop.

"Nang maupo ka sa saddle ay bumaon ito nang husto na siyang dahilan upang magwala ang kabayo mo."

"Paanong natusok sa katawan ni Thor ang
patpat na iyan?" naguguluhang tanong nito.

Sinuri ni Jared ang sariwang kahoy. Wala
siyang maisagot sa tanong nito maliban sa may nagtusok nito roon. But he couldn't voice that out.

"Sinakyan ko na siya kaninang patungo ako sa
-si Tiya Adel!" bulalas niya nang maalala ang
mayordoma. Nilingon ang pinanggalingan.

"Oh, god! Baka kung ano na ang nangyari sa kanya."

"Ano ang ibig mong sabihin?"

"Nang umalma si Thor ay nahulog sa kabayo si
Tiya!"

Kinuha ni Jared ang tali ng kabayo mula sa mga kamay niya at itinali iyon sa malalaking damo.

"Pabalikan mo na lang ang kabayo rito. Tara at
puntahan natin ang sinasabi mong Tiya Adel."
Hinawakan niya si Serena sa braso at inakay
patungo sa Wrangler.

"ANO ANG ibig mong sabihin na sinakyan mo na siya kanina?" tanong ni Jared nang tumatakbo na ang sasakyan pabalik, sandaling tinapunan ito ng tingin. Nakita niya ang pag-aalala sa mukha nito para marahil sa tiyahin nito.

"Sinundan ko sa burol si Tiya Adel na
nangunguha ng talbos ng pakô. I-it's a kind of
edible fern," she tried to explain.

"I know what a fern is... but edible.." He shook his head. "It doesn't matter. Kailan umalma si Thor?"

Sandali itong nag-isip. "N-nang magyaya akong umuwi at pinasampa ko si Tiya Adel sa kabayo sa may likuran ko."

"That's it!" he exclaimed. "Kung tatantiyahin
natin, ang nakabaong kahoy ay hindi naman
nakatapat sa iyo nang husto. Ang bigat ni Tiya
Adel ang nagpangyari upang bumaon ang kahoy sq laman ng kabayo."

KRISTINE SERIES 25: Have You Looked Into my Heart?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon