"NATUTUWA ako at naimbita mo kami ng
apo ko rito, hija," nakangiting sabi ni Eleanor nang nasa harap na sila ng dining table.
"Nagkakilala tayo... at ng kapatid mo." Nilingon nito si Christian na nakaupo sa kabisera at bahagya nang mag-angat ng ulo.
"Matagal din akong namirmihan sa Maynila at
gusto ko namang makilala ang pinakamalapit
naming kapitbahay," she said demurely, at pailalim na sinulyapan si Jared."Tama ka," sang-ayon ni Eleanor. "Isa pa'y
matagal ko nang gustong makahuntahan itong si Adel..." Tinapik nito sa braso si Tiya Adel na kung hindi pa pinilit ni Serena ay hindi mauupo sa mahabang mesa."Gusto kong tumawid sa iyo, Eleanor, pero nag-aalala ako sa agwat ng ating katayuan sa buhay," ani Tiya Adel na bahagyang ngumiti.
"Hindi ako nagbabago, Adel," sagot ni Eleanor, gumuhit ang ngiti sa mga labi.
Ilang sandali pa'y nagpalitan na ng usapan ang
dalawang matandang babae. Christian remained silent. Nakamasid lang at kung isasali ni Serena sa usapan ay bahagya nang sumagot."You look lovely in that dress," bulong ni Jared
kay Serena, as he gave her a once-over. Desire
mirrored in his eyes. "Napakalaking transformation sa cowgirl kahapon..."His lopsided smile turned Serena's stomach into knots. Sanay na siyang napupuri at natititigan nang ganoon ng mga kalalakihan. So she wondered why all of a sudden she felt shy with Jared's compliment.
"Thank you," sagot niya at tipid na ngumiti.
"Nagbabakasyon ka lang ba sa Manzanares?" she asked.Tumango si Jared. "Indefinitely. Ang totoo'y
maraming trabaho sa rancho tulad na lang ng
pagbabakod na hindi naaasikaso. Matanda na si Lola at isa pa'y wala naman talagang konkretong plano para sa mga lupain. But I planned on breeding cattle and horses.""What a coincidence!" she said raising her
eyes to him. "Ako ma'y nagbabakasyon din. May trabaho akong iniwan sa Maynila. Tulad mo'y marami rin akong dapat asikasuhin dito."Jared's eyes sparkled like black diamonds.
"Halos isang buwan na ako rito at bukas ay tapos na ang pagbabakod. And the next thing that I wanna do is to learn how to ride a horse. You'd be a great help..."Niyuko ni Serena ang pagkain upang hindi nito
makita ang katuwaan sa mga mata niya. Umaayon ang pagkakataon sa plano niya. Kailangang magawan niya kaagad ng paraang mapalapit dito. Kaunting panahon na lang ang natitira sa kanya. "Madali lang mangabayo, makikita mo..." she promised."THIS is a grand house," komento ni Jared sa villa nang himukin niya si Serena na bigyan siya ng tour sa buong kabahayan.
The Manzanares must have come from the old
and influential families. Totoong masalapi ang mga Atienza subalit ang lahat ng tinatamasa ngayon ng pamilya niya ay galing sa hirap at pagpapagal. Kung tawagin ay "new money."And Jared had always admired the grandeur of
the old things. May kalidad iyon na hindi nakikita sa mga bagong bagay gaano man kamamahalin at karangya. It had a timeless quality. Ang itim at makislap na mga kahoy na ginamit ay antigo at matandang narra. Even the floorings were as old as the house.Gayunman, nagtataka siya na bagaman may
mga luma at antigong kasangkapan sa kinaka-ilangang lugar ay halos hubad ang bahay. As if there were missing pieces of furniture. Katunayan ay may dingding silang nadaanan na parang natanggalan ng nakasabit na kuwadro.Ang bahay ng mga magulang niya ay malaki
ring tulad nito subalit iyon ay may modernong
kayarian at ipinatayo nang magsimulang umasenso ang Lolo Benedicto niya. At bagaman may halos limampung taon nang nakatayo ay hindi matatawag na antigo.Ang bahay na ito ay natitiyak niyang nakatayo
na rito ng ilang henerasyon. Ni hindi kayang igupo ng panahon. Sa dalawang linggong mahigit niya sa bayan ng Manzanares ay ito ang pinakamalaki at pinakamarangyang bahay na nakita niya sa kabila ng kalumaan.
BINABASA MO ANG
KRISTINE SERIES 25: Have You Looked Into my Heart?
RomansNang unang masilayan ni Serena si Jared Atienza ay nakita niya rito ang katuparan ng mga suliraning iniwan sa kanya ng namayapang mga magulang. Jared Atienza was filthy rich. Bale-wala rito ang halaga ng pagkakasangla ng asyenda nila. That he was s...