I woke up early at 8:00 AM, only to see my husband placing the food at the table outside the veranda. I smiled. His broad shoulders reflexed as he reached for the other side of the table. Umunat-unat ako bago napagdesisyunang tumayo at maupo doon. When he saw me, he immediately smiled and caressed my face. He planted a kiss on my forehead, it lasted for a few seconds until we both decided to sit down and eat our breakfast.
I almost forgot about the 'Princess Treatment' feeling because I haven't felt that for a long time. He still knows what I want for breakfast. Kabisado niya parin. Sinimulan niyang humigop sa kape niya while I was mixing my milk while staring at him with my palm on my chin.
"Hindi ka mabubusog kakatitig sa 'kin, mahal."
Sinamaan ko siya ng tingin at binato siya ng tropilo sa mukha. Natawa lang siya habang nagpipigil ng ngiti dahil baka masaksak ko na siya sa tagiliran sa inis. Ewan ko pero nauwi na naman kami sa pagtatalik pagkatapos kumain, grabe kailan ba kami mananawa sa isa’t-isa? Parang hindi na…
As the years went by we lived happily and peacefully. We all laughed and stayed in touch with each other. We never let our own occasions pass without seeing each other. And today, I’ve realized that I’m aging well. Being in this world is so draining yet fulfilling. Lahat ng pagod natin ay balang araw ay magbubunga. Lahat ng sakit na nararanasan natin ay parte ng buhay na kung saan inihahanda tayo sa pag-ani ng bunga na iyon balang araw. Nawa’y maging handa tayo para dito… huwag tayong panghinaan ng loob at maubusan ng rason para lumaban. Maraming panahon pa natin puwedeng subukang muli… kaya sana huwag sumagi na isip mong ito na ang huli.
I could feel the cold breeze touching my shoulders and my hair. It was so relaxing… As I walked down the pavements, nag-iingat ako. Dahil bukod sa tumatanda na rin ako ay baka masira ko ang birthday cake na ginawa ng MG para sa anak ko.
Tuwang-tuwa ang lahat habang kinakantahan siya ng birthday song… siya naman ay medyo iritable animoy bagot na bagot na. Hays, teenagers nga naman. Naalala ko tuloy sarili ko sa batang ito. Noon ay bagot na bagot din ako at gusto parating mapag-isa lalo na ng matrato akong parang wala lang sa bahay na kinalakihan ko matapos mamatay ang Mamâ. Sinikap kong siguraduhin na lalâki si Friah na ibang-iba sa kinagawian kong buhay. At matagumpay naman ako kahit paano… Namana niya ang katalinuhan namin pareho, ni wala na siyang oras para makasama kami dahil nang mahilig siya sa pag-aaral ay doon na siya natutok.
Inilapag ko ang cake sa lamesa na pinaglalagyan ng mga pagkain. Hindi ko alam sa batang ito at itim ang gustong kulay ng cake… sa mga ka-edad niya ang iba ay gusto ang mga pastel colors para sa cake, baka sadyang naging paborito niya lang ito ngayon dahil last year pink ang theme ng birthday niya.
“Happy sweet sixteen, Friah Lynea..” bati ko sakaniya.
“Thank you, Mommy, everyone…” kaswal na sabi niya.
"So, asaan ang boyfriend?" mapang asar na tanong ni Sol.
"Are we gonna argue about this again hmmm?" sabat ni Idris.
"Hoy! 2-3 years pa! Huwag ka ngang malandi Mira Soleniana! Hinahawaan mo pa 'tong si Friah my bebe guuurl!" protesta ni Chelsea.
"Guys, aren't we too old for this? Besides, that day will surely come someday. Magbo-boyfriend, mag-aasawa ganoon! Para naman 'di kayo lumandi nung kabataan natin?" Audrey said.
"Aba, Audrey! Hindi! Hindi kami lumandi… ano lang sobrang lumandi hehe…" si Maeve.
"Matagal-tagal ko na din hinihintay ang tamang panahon para makapag-opera ng hindi sa ospital…" si Edward.
"Hindi ka pa rin nagbabago sa nakakadiri at walang kwenta mong jokes noh?" singit ni Jannah.
"Hindi lang kita binalikan ganyan kana sa 'kin…" bulong ni Edward.
"Tama na nga iyan! Past is past move on na mga bhie, sa susunod sa zumba na tayo mag bobonding oh!" I said.
"Sa check-up kamo!"
Masayang nagsalo-salo ang lahat, nandiyang may nagkakantahan, naliligo sa pool, nag-iihaw ng barbeque at kung ano pa. Habang taihmik ko silang pinagmamasdan ay naisipan kong pumunta sa kusina dahil alam kong walang tao doon ngayon. Tahimik kong binuksan ang ref at kinuha ang isa pang cake na kulay pula naman ang kulay. Sinulyapan ko ang oras at malapit nang matapos ang araw na ito kaya sinindihan ko na ang kandila.
Hindi ko alam kung paano kong nakayanan, kung paano ko napunan ang bawat blangko sa aking katauhan. Paano akong nakalaban at piniling mabuhay kahit na sa loob ay sugatan. Pero hiling ko’y sana’y pakinggan na ika’y aking mahanap na at muling mahagkan.
Kasabay nito'y ang paghipan ko sa munting kandila…
“Happy birthday, Frae.”
-End of WNOS-

BINABASA MO ANG
The Cloaked Truth Series #4: Where No One Sees
Mystery / ThrillerRead The Cloaked Truth Series #1, #2, #3, before reading this. "The Fourth..." Started: March 16, 2022 Finished: February 28, 2023