Simula

166 16 3
                                    

Malugod na yumukod si Luffy sa Mahal na Haring-bituin at sa Mahal na Reynang-bituin. Sinenyasan siya nitong tumindig at kaagad naman lumalima sa utos ng Haring-bituin.

"Kamusta,Mahal na bituin?"nagagalak na pangangamusta ng Hari.

"Mabuti,Mahal na Haring-bituin, mahal na Reynang-bituin!"malugod na pagtugon niya.

Nagliliwanag ang ngiti ng mga ito habang pinagmamasdan siya.

"Batid mo na kung bakit ka pinatawag,hindi ba?"simula ng Haring-bituin.

Tumango siya. "Opo,Mahal na Haring-bituin!"

Nakangiti na tumango ang mag-asawang bituin.

May lumitaw na liwanag sa harapan niya at naging papel habang nakalutang sa ere.

Nakasaad roon ang araw ng kamatayan ng ipagkakaloob niya ng Star of life.

Nang makita pangalan ng isang lalaki ang nakasaad roon.

Wala naman siya inaasahan. Pangalan ng babae ba ang inaasahan niya makikita niya roon?

Wala naman siya inaasahan talaga.

"Dalawang araw mula ngayon ay nakatakda na ang pagbaba mo sa lupa,"pukaw sa kanya ng Hari.

Tumango siya sa mga ito.

Agad na natuon ang atensyon ng apat na bituin kay Luffy ng marating nito ang open area na kung saan tambayan nila magkakabituin.

"Kamusta? Kailan ang baba mo ?"salubong kay Luffy ng isa sa mga ito.

"Makalipas ang dalawang araw mula ngayon,"tugon ni Luffy rito.

"Kamusta,isang babae ba ulit?"muli nito pagtatanong kay Luffy.

"Hindi,"tugon ni Luffy rito.

Natahimik ito saka napabaling sa dalawa pang bituin na nakikinig lang.

"Ohh?"may himig na pagkadismaya nitong turan.

Nagkibit ng balikat si Luffy saka tinanaw ang walang hanggan na kalawakan.

"Kung ganun, ikamusta mo na lamang kami sa kanila,"anang ng isa pang bituin.

Tumabi ang  ito sa kanya at nakitanaw sa kanyang tinatanaw.

"Paano kaya kung lahat tayo piliin na manatili sa lupa?"suhestyon ng isa pa.

Sinulyapan ni Luffy ang nagsabi iyun.

Nagkibit ito ng balikat sa kanya saka binalik ang mga mata sa kalawakan.

"Apat na lang tayo nandito kahit marami tayo dito pero tayong sampu ang may pinakamatatag na samahan rito,"dugtong nito.

Sang-ayon siya sa sinabi nito.

"Alam mo,tama ka sa sinabi mo. Kahit hindi gaya ng kapalaran nila kung bakit tayo mananatili sa lupa sigurado matatagpuan din naman natin ang itinadhana satin,"sang-ayon ng isa na katabi ng nauna.

"Paano kung wala naman?"kontra ng ng katabi niya sa kabilang bahagi niya.

"Malay naman natin,di ba? Aaminin ko,naiinip na ko bumaba sa lupa. Saka isa pa nakakamiss din sila lima,"tugon nito.

"Masaya siguro kung kumpleto tayo sa lupa,"untag ng nasa dulo.

Napabuga siya ng hininga. "Pag-usapan muli natin pagkabalik ko muli rito mula sa lupa,"saad na lamang niya.

Iniwan niya ang mga ito saka tinungo ang silid niya.

Inihiga niya ang sarili at tanaw ang kalawakan na unti-unti ng umiitim.

Inaamin niya naiinip na din siya sa buhay na meron siya. Ang mga tulad nila na walang kamatayan. Naghihintay lamang para sa isang misyun doon lang nabibigyan ng buhay ang mga bituin na tulad nila.

Hindi niya masisisi ang mga naunang bituin na kaibigan nila na pinili manatili sa lupa matapos ng mga ito magawa ang misyon at umibig sa tao.

Hindi man gayun ang mangyayari sa kanya pagbaba niya ng lupa alam niyang iba ang buhay sa lupa kaysa sa pinagmulan nila.

Ipinikit niya ang kanyang mga mata. Kung tama ang iniisip niya na mas magkakaroon ng buhay ang mga tulad nila. Bakit hindi? Gusto din naman niya masubukan ang ibang bagay na nagagawa ng mga tao na hindi nila nagagawa.

Dumating na ang araw ng pagbaba ni Luffy sa kalupaan.

"Handa ka na ba,mahal na bituin?"anang ng Haring-bituin.

"Handa na,Mahal na Haring-bituin,"pagtugon niya.

Sa kanyang harapan may isang bagay na nagliwanag. Natitiyak niya iyun ang Star of life o bituin ng buhay.

"Mahaba ang araw na pananatili mo sa lupa kaya gawin mo ang lahat na gusto mo habang nasa kalupaan ka na walang pagpipigil. Ngunit mag-iingat ka lamang lalo na sa iyong tunay na katauhan,"paalala ng Haring-bituin.

"Tatandaan ko,Mahal na Haring-bituin, Mahal na Reynang-bituin!"pagyukod niya sa mga ito.

Unti-unti siyang umangat habang nababalutan siya ng liwanag. Nang tuluyan na siyang nasa ere mas lalo nagliwanag ang buo niyang katawan na tila iyun ang pinagmumulan ng pwersa upang makalutang siya. Hindi nagtagal ay dahan-dahan ang pagbaba niya.

He slowly down,down and down and down until he feel it get faster.

Pabulusok na kalaunan ang pagbaba niya sa kalupaan.

Ang liwanag ay siyang naging proteksyon niya habang bumubulusok pababa sa kalupaan.

Unti-unti na niyang natatanaw ang mundo ng mga tao. Masisilayan ang ganda ng kalupaan. Makahalubilo ang mga tao na hindi niya kauri. Ang mga iba't-ibang  bagay na wala sa templo. Ang mga puno at halaman. Mahahawakan na niya ang mga ito.

Matagal na niyang hinahangad na makapag-alaga ng kahit anong klase mga halaman.

Isang bagay na hindi alam ng mga kabituin niya. Nakakatawa man isipin,iyun ang unang nakakuha ng atensyon niya ang makapag-alaga ng mga halaman. Mula sa templo iyun mga puno ang natatanaw nila sa kalupaan na siyang nagbibigay ng kulay mundo ng mga tao.

Pagtatawanan din ba siya ng mga kabituin niya kung hindi niya iniisip ang tinadhana sa kanya?

Bagkus ang hinahangad niya ay ang makapag-alaga ng mga halaman.

Gaya ng habilin sa kanya ni Haring-bituin. Gagawin niya ang lahat habang nasa lupa siya. Isa na nga roon ang pag-aalaga ng halaman at iba pa na pwedeng gawin sa lupa.

Sa oras na matapos ang misyon niya ilalaan niya ang mga oras niya sa pagbisita sa mga dating bituin habang nag-aalaga ng mga halaman sa pasamantala tutuluyan niya.

Sumabog ang liwanag sa paligid. Naririnig niya ang malakas na agos ng tubig hanggang sa bumulusok siya sa tubig. Maraming mga isda. Pababa ng pababa.

Saan ba siya dadalhin ng liwanag?

Sa ilalim ng dagat?

May bulto siyang  nasilayan. Isang babae?

Isang babae ang nakikita niya.

Hindi ba pangalan ng isang lalaki ang nakasaad na siyang pagbibigyan niya ng buhay?

Date of Dead : March 1
Name : George Faith

Kung ganun,babae si George hindi lalaki.

Starry Starry Love Series 6 : Luffy EvenWhere stories live. Discover now