COMPRONTATION
Ilang araw na ang lumipas mula ng buksan ang shop ni George sa pamamahala ni Luffy. Mabilis naman napakisamahan ng huli ang mga workers ng dalaga. Hindi rin siya nahirapan na pamahalaan ang shop dahil espesyal nga ika ni George ay naging madali na sa kanya ang lahat.
"Good morning,Sir Luffy!"pagbati ng mga ito pagkapasok pa lamang niya sa shop.
"Magandang umaga sa inyo,"tugon niya saka inilahad sa harapan ng mga ito ang kulay brown na paper bag.
Ayon kay George,tuwing umaga ay binibilhan nito ng cinnamon rolls bread ang mga empleyado nito kung kaya ng magdala siya ay labis na naging emosyunal ang mga ito dahil naalala ng mga ito na ugali ng amo ng mga ito na bilhan ito ng ganun tinapay.
"Pinaalala niya sa akin ang tungkol dito kapag sa oras na ako mamahala ng shop niya palagi ko raw kayo bilhan tuwing umaga niyan.."saad niya ng umagang iyun.
"Thank you,Sir Luffy. Da best ka talaga! Paborito talaga namin ito. Mula ng araw-araw kaming bilhan ni Ma'am George nito para samin lahat naging paborito na talaga namin...hanggang ngayon hindi pa rin kami makapaniwala na...w-wala na siya,"untag ng isang worker na si Mia.
Kaagad naman ito inalo ng katabing babae na si Sela.
"Hanggat hindi pa natatagpuan ang bangkay ni Ma'am George. Umasa pa rin tayo na buhay pa siya!"saad nito sa katabi na tahimik na umiiyak.
Kaagad na sumang-ayon ang dalawa pang workers.
Naging abala ang buong umaga sa shop at dahil ayaw ni Luffy na nakakulong lang sa opisina ng dalaga ay tumutulong siya sa dalawang lalaking workers na siyang nagmimintina ng mga halaman at bulaklak. Marami siya natutunan sa mga ito tungkol sa pagpapatubo at pag-aalaga ng mga iyun.
Nag-ienjoy siya sa lugar na iyun. Hindi niya akalain na mahihilig siya sa mga halaman at bulaklak. Na siya naman ikalulungkot niya sakaling bumalik na siya sa templo dahil hindi naman siya makakapagdala roon ng kahit anong klaseng halaman o bulaklak.
Panay din ang dating ng mga costumer para mamili ng bibilhin mga halaman at bulaklak. Nakakatuwa isipin na ganito pala kasaya angahserbisyo sa mga tao.
May ilan din na pumapasok sa shop para lang silipin siya at kamustahin. Mabenta siya lalo sa mga istudyanteng kababaihan. Hindi kasi kalayuan ay malapit ang shop sa isang unibersidad sa lugar na iyun.
Aminado naman si Luffy na suplado siya sa iba. O mas madaling sabihin mas gusto lamang niya pagtuonan ng pansin ang mga halaman at bulaklak kaysa makipag-usap sa ibang tao bukod sa costumer na kailangan niyang harapin.
Kaya naman di na nagtatangka ang mga ito na lapitan siya. Tinatanaw siya ng mga ito habang abala siya sa pakikipag-usap sa costumer o sa mga workers niya.
Pinapaabot na lamang sa kanya ang mga gusto sabihin ng mga ito sa kanya mapasulat man o pagkain.
"Dapat lagyan ng karatula sa labas. Bawal pumasok ang mga di naman bibili,"sita ni Sela pagkaalis ng tatlong kolehiyalang istudyante.
"Hayaan mo na..selos ka lang eh!"panunukso tugon ni Mia.
Inirapan lang ito ni Sela ang panunukso ng katrabaho.
Kalat na ang gabi at dumalang na ang mga costumers. Malapit na din magsara ang shop ng may isang kulay pulang kotse ang tumigil sa labas ng shop.
Tumutulong si Luffy na ipasok ang mga halaman na nakatayo sa labas ng entrance ng shop kahit pilit na kinokontra siya ng dalawang lalaking workers ay hindi siya nagpapigil at wala naman nagawa ang mga ito upang pigilan siya.
Nabitin sa pagbuhat ng isang paso si Luffy ng makita kung sino ang bumaba ng kotseng iyun.
Wearing a big sunglasse in the dark.
YOU ARE READING
Starry Starry Love Series 6 : Luffy Even
RandomIsa si Luffy sa sampung bituin na may misyon na bumaba sa kalupaan para isakatuparan ang misyon. ang Star of Life o Bituin ng buhay ay nakatakdang ibigay sa taong na siyang makatakda para sa pangalawang buhay. Sa misyon ni Luffy sa kalupaan na gaya...