CONSENT
"Ready?"untag ni Wendel kay Luffy na siyang nasa driver seat.
Bumaling naman si Luffy ng tingin rito mula sa pagtanaw nito sa isang mataas na building kung saan pag-aari iyun ng ama ni George na si Mr.Fred Faith.
"Kinakabahan ka?"nakangising sabi nito sa kanya.
"Hindi ito kasama sa misyon ko dito sa lupa pero...ako na mismo nagboluntaryo na tumulong sa kanya kaya...malamang may kaba,"tugon niya sa kaibigan.
Mahinang tawa ang pinakawalan nito sa naging sagot niya.
"Pinagtatawanan mo ba ang ginawa ko?"sita niya rito.
"Hindi,Pre! Natuwa lang ako sa naging sagot mo. Ganyan din ako kasi first time natin mainvolved sa kanila kaya maraming paliwanag bago natin makuha punto,"anito saka ngumisi.
Nagsalubong ang mga kilay ni Luffy sa sinabi nito.
"Talaga ba? O may iba kang ibig sabihin sa sinabi mo?"
Tumawa ito muli na tila ba nagbibiro siya sa seryoso niyang tanong.
"Wendel,stop fooling around,"sita ni Vivian sa asawa sa suot nilang earpiece na hindi mapapansin ninuman.
"Aye,kumander!"agad na pagsagot nito na tila nasa harapan lang nito ang asawa na may kasama pang pagsaludo.
Napailing na lamang si Luffy sa pagiging lokoloko nito. Kahit na nasa templo pa ito ay ganun na talaga ang kaibigan. Aminado siyang namiss niya ang kakulitan nito.
Wendel at Alazis pa lamang ang nakakaalam na nandito siya sa lupa. Hindi niya alam kung bakit hindi pa nakakarating sa iba pang dating bituin ang pagbaba niya mula sa templo.
Marahil tikom pa ang bibig ng dalawa at hindi pa talaga nakakarating sa iba.
"Luffy,don't mind him..mula ng dumating yan ulit dito lumala ang sapak sa ulo.."
Malakas na tawa ang umalingawngaw sa loob ng double tinted na sports car nito.
Hindi niya akalain na mahihilig si Wendel sa mga sasakyan at iyun na ang naging business nito.
Si Alazis na hindi niya din aakalain na magiging abogado ito. Hindi na nakapagtataka. Sa pagiging misteryoso at tahimik nito mukha talagang marami itong alam.
"Luffy...?"
Napaayos ng upo si Luffy ng marinig ang boses ni George. Kasama ito ni Vivian sa kanyang bahay.
Nakikita niya sa gilid ng mga mata niya ang pagngisi ni Wendel. Nakita nito marahil ang inakto niya at binalewala niya ang tila panunudyo ng kislap ng pagngisi nito.
"Ahm,kaya mo yan...?"
Isang mahinang tawa ang nagmula kay Wendel. Isang palatak naman ang nagmula sa asawa nito marahil bilang pagreak sa inakto ng asawa.
Nagpakawala ng buntong-hininga si Luffy.
"Marami naman akong kayang gawin,"tugon niya.
"Yakang-yaka mo yan!"si Wendel.
"I want to remind you again,Bituin. No brainwash or whatever it's called to control people's mind. Hindi magiging maganda ang magiging resulta niyan,"maawtoridad na paalala mula kay Vivian.
"Yeah,legal process. That's my,Malabs! Being a good police and a hero in this country!"may pagmamalaki wika ni Wendel.
May consent mula kay George at suportang legal mula kay Alazis ang gagawin niyang ito.
"Get inside now...ayon sa sekretarya ni Mr.Faith..hindi siya nagtatagal sa opisina. We can't waste our time here,"untag ni Vivian.
Tumango si Luffy. Ilang paalala pa ang binanggit ni Vivian bago siya tuluyan bumaba ng sasakyan ni Wendel.

YOU ARE READING
Starry Starry Love Series 6 : Luffy Even
DiversosIsa si Luffy sa sampung bituin na may misyon na bumaba sa kalupaan para isakatuparan ang misyon. ang Star of Life o Bituin ng buhay ay nakatakdang ibigay sa taong na siyang makatakda para sa pangalawang buhay. Sa misyon ni Luffy sa kalupaan na gaya...