Chapter 9

97 9 0
                                    

FIRST DAY

George feel so proud for Luffy. Nagtagumpay ito sa misyon na makumbinse ang kanyang ama. Hindi scripted ang mga sinabi ni Luffy. Ang tinuro lang ng mag-asawa kay Luffy ay kung paano maging kalmante at kapani-paniwala sa kausap. Maging consistent sa magiging sagot nito.

Yes. Inaasahan na nila ang pagdududa ng kanya ama kung ano ang ugnayan niya kay Luffy. Luffy answer with conviction.

Marahil napaniwala na ang kanya ama bukod sa mga dalang importanteng papel ay ang aura ni Luffy.

Hindi ikakaila na malakas ang dating ng bituin. Yung dating na kailangan mo paniwalaan kaagad.. na hindi ito nakikipagbiruan ang anuman bagay.

Masasabi niyang may potential si Luffy na magtagumpay sa larangan ng pagnenegosyo. Magaling ito mangumbinse.

"That was unexpected,"si Vivian sa tabi niya matapos nito patayin ang linya na nakakonekta sa dalawang lalaki.

"Hindi madaling makumbinse si Papa,"tugon niya.

Ngumisi sa kanya si Vivian saka dumikwatro.

"Hindi nga siya nahirapan kausapin ang Papa mo,"komento nito.

Tumango siya.

"Hindi talaga kayo close ng Papa mo?"kuryuso ni Vivian.

Umiling siya. "He cheating my Mom...wala akong kinikimkim na galit sa kanya..lumayo lang ang loob ko sa kanya dahil..hindi siya naging responsableng asawa kay Mama,"tugon niya.

"Hindi ko maintindihan kung bakit pinakasalan pa niya si Mama kung hahanap din pala siya ng iba,"may diin niyang sabi.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Vivian.

"Well,you can't tell what happen to the next day...but of course i'm not tolerate that,"komento nito.

Tahimik na tumango siya. Sa tuwing naalala niya ang nakaraan sumasakit ang dibdib niya.

Her mom told her. Isa sa dahilan kung bakit nagawa ng papa niya ang maghanap ng ibang kalinga na dapat ito ang pumupunan ay dahil kusang inilalayo ng kanyang Mama ang sarili nito sa kanyang ama.

Noon una ay hindi niya maintindihan. Ang Papa niya ang nagloko pero bakit parang ang kanyang Mama ang may kasalanan hanggang sa matanto niya ang sakit ng kanyang ina ang siyang nagtulak sa kanyang Mama na manlamig sa kanyang ama.

Ayaw marahil ng kanyang ina na maging pabigat sa kanyang ama. Mataas ang pangarap ng kanyang ama ng mga panahon iyun. Ang mapalaki at mapalawak ang negosyo nito.

Pero masasabi niya din sa ibang banda na naging makasarili ang kanyang ina.

"Pero nararamdaman ko na mahal na mahal ka ng Papa mo. Dalawang beses ko pa lang nakakaharap ang Papa mo pero nakita ko ang pagsisisi,sakit at pagdadalamhati sa mga mata niya sa tuwing nababanggit niya ang pangalan mo,"untag sa kanya ni Vivian.

"He still my father after all,"usal niya.

"Yes...at ang Letizia iyun ang kalaban natin,"bigla pagbabago ng tono nito.

Kaagad na may namuong galit sa dibdib niya ng marinig ang pangalan iyun.

Naiisip niya ngayon na ilayo ang kanyang ama sa Letizia iyun. Kung nakaya nitong makapatay ng isang tao paniguradong magagawa pa ulit nito ang bagay na iyun.

Nangangamba din siya sa kaligtasan ng kanyang ama. Kahit hindi siya malapit sa huli. Ang ama na lang kasama niya.

"Vivian,"untag niya rito.

"Hmm?"

"Ngayon ko lang napagtanto na...na maaaring malagay din sa alanganin si Papa lalo na magkasama sila ni Letizia. Paano kung gawan din ng masama ni Letizia si Papa?"

Starry Starry Love Series 6 : Luffy EvenWhere stories live. Discover now