DROWN
Hindi madali ang pagmamanage ng isang negosyo. Puhunan mo dyan ay tyaga at pasensya. Lalo na kung yung business na iyun ay bigla na lang iniwan sayong responsibilidad.
"Ma'am George?"
Agad na napalingon ang dalaga si George ng marinig ang pagtawag sa kanya mula sa pagsipat niya sa mga halaman na bagong deliver lamang galing probinsya na siyang kinukuhanan niya ng supplies.
Napanguso siya ng marinig ang panglalaking pangalan.
Bakit kasi naisipan ng kanyang magulang na George ang ipangalan sa kanya at ang nakakatawa pa dun ay Faith naman ang apelyido niya na pangalan para sa babae.
"Mauuna na po ako,"paalam nito sa kanya. Ito ang isa sa limang staff ng shop. Sa kareha ito nakaatas.
"Sige,see you tomorrow, then.."
Inihatid niya ng tingin ito hanggang sa makalabas na ito ng pintuan na gawa sa salamin. Madalim na sa labas at siya na lamang ang naiwan dahil kanina pa nakauwi ang mga workers niya. Matapos niya matiyak na maayos at walang damage ang mga halaman na bagong delivered ay pinatay na niya ang ilaw. Naiwan ang ilaw sa counter area.
Tinungo niya ang isang pintuan sa kaliwang bahagi malapit sa counter kung saan nasa loob din niyun ang pahingaan at kung saan nilalagay ang mga importante bagay gayundin ang mga gamit ng mga workers. Nang masilip doon na maayos at malinis naman naiwan ang kanan bahagi naman sa counter ang pinasok niya kung saan naroon ang maliit na opisina niya.
Dinampot niya ang kanyang bag upang tignan ang kanyang celpon. Maghapon naging abala sila dahil sa dami ng mga mamimili kaya ngayon lamang niya nahawakan ang kanyang celpon. May sampung missed call siyang natanggap at lahat na iyun ay nakarehistro sa iisang pangalan.
Ni-recall niya ang pagtawag nito. Nagkokonek na ang linya ng matigilan siya at wala sa sarili na napalingon siya. Wala na siyang kasama sa shop at siya na lamang naroroon pero pakiramdam niya may ibang tao sa loob.
Sino naman papasok sa loob kung patay na sa loob mula sa labas at kung pupwersahin ang pagpasok sa loob siguradong maaalarma ang buong shop sa nilagay niyang alarm kapag pinasok ang shop.
Natitiyak naman niya wala sira ang pintuan sa entrance dahil automatic na naglalock iyun sa oras na magpatay siya ng ilaw ay kusa na din naglalock ang pintuan.
Masyadong maingat ang kanyang ina na siyang nagpatayo ng shop at para matiyak nito ang seguridad ng pinaghirapan nito ay pinag-ipunan nito ang pagpapagawa ng bawat sulok ng shop.
Yes,Her mother,Zenaida Ruso,a plant lover and nature lover. Ang business na ito ay naiwan sa responsibilidad niya ng mamatay ang kanyang ina dahil sa sakit nitong breast cancer.
Galit siya sa pagkamatay ng kanyang ina. Galit siya kung bakit nito inubos ang oras at atensyon sa pagpapatakbo ng business nito,ang ZENAID'S PLANTS SHOP;na ngayon siya naman ang nagpapatakbo. Kung hindi nito masyado inabala ang sarili sa shop marahil may oras ito para magpagamot pero hindi..hinayaan nito ang sarili.
Ngunit ngayon nandito siya. Nagpapatuloy sa iniwan ng kanyang ina. Kahit may galit pa siya sa puso sa kapabayaan ng kanyang ina wala na naman siya magagawa pa. Inuunawa na lamang niya na ang lugar na ito ay naging buhay na ng kanyang ina.
Ngunit sa paglaon naman ay unti-unti niyang naunawaan dahil mula ng hiwalayan ito ng kanyang ama na sumama sa ibang babae,ang shop na ang siya naging pinagkaabalahan ng ina at na siyang naging dahilan para matanggap ng ina ang failed marriage nito.
Napabuga siya ng hininga saka muli tinawagan ang numero ng kanyang ama. May komunikasyon sila ng kanyang ama iyun ay nangyari lamang ng mamatay ang kanyang ina na isang taon na ang nakakalipas.
YOU ARE READING
Starry Starry Love Series 6 : Luffy Even
De TodoIsa si Luffy sa sampung bituin na may misyon na bumaba sa kalupaan para isakatuparan ang misyon. ang Star of Life o Bituin ng buhay ay nakatakdang ibigay sa taong na siyang makatakda para sa pangalawang buhay. Sa misyon ni Luffy sa kalupaan na gaya...