JEALOUS
Naguguluhan si Luffy kung bakit may kakaibang emosyon siya naramdaman kanina habang hinihintay na bumaba ng sasakyan si George. Hindi niya alam kung bakit nag-iba ang pakiramdam niya.
May kung anong sinasabi ang sarili niya na...ayaw niyang may ibang kasama si George. Dapat lang siya ang kasama at kausap nito.
Naipikit ni Luffy ang mga mata at kaagad na nagmulat ng maramdaman ang paglapit ng dalaga sa harapan niya.
"Okay ka lang ba?"tanong nito sa kanya habang pinakikiramdaman siya. May mababanaag na pag-aalala sa mga mata nito.
At gusto niya iyun. Gusto niya ang nakikitang emosyon sa mga mata nito gaya ng nakita niya pagkamangha para sa kanya.
Nakipagtitigan siya sa dalaga. He want to be honest to his self. Gaya ng mga sinabi niya rito ng nakaraan gabi. Gusto niya na marinig din nito kung ano ang nararamdaman niya at nasa isip niya.
"Bakit iba ang pakiramdam ko...nang hinintay kita bumaba ng kotse ni Wendel?"usal niya.
Unti-unti namilog ang mga mata ng dalaga sa sinabi niya na tila ba may mali siyang sinabi at gusto niya maunawaan iyun.
"Alam mo ba kung bakit? Kasi pakiramdam ko...hindi ko gusto na may ibang kasama ka,"dagdag pa niya.
Napakurap-kurap ang dalaga na tila ba natauhan ito sa kung anuman ang nangyayari rito.
Base sa reaksyon nito tila ba may nasabi siyang hindi kaaya-aya?
Nagbaba siya ng tingin sa ibabaw ng desk niya.
Iyun naman talaga ang pakiramdam niya. Ayaw niyang ilihim iyun sa dalaga kasi ngayon lang niya nararamdaman ang ganun emosyon.
"It's a jealous,"mayamaya sabi ng dalaga.
Kaagad na nag-angat siya ng tingin rito pero nakayuko na ito.
"Jealous?"
Dahan-dahan ito nag-angat ng mukha. Natigilan siya ng makitang namumula ang magkabila nitong pisngi.
"George,namumula ka? Ayos ka lang ba?"bigla pag-aalala niyang turan saka napatayo sa likod ng desk.
Pero biglang umupo ang dalaga sa kaharap na upuan ng desk at saka tinakpan ang mukha nito. Mas lalong nag-alala si Luffy sa dalaga.
Nilapitan ito ni Luffy at paluhod na humarap sa dalaga.
Hinawakan ang magkabilang braso ng dalaga habang nakatakip sa mukha nito ang mga mukha.
"George,anong nagyayari sayo? Sabihin mo?"
May sinabi ito pero hindi maintindihan ni Luffy.
"George,hindi ko maintindihan ang sinasabi mo. Tumingin ka sakin,"nag-aalala niyang sabi.
Mayamaya pa ay unti-unti binaba ng dalaga ang mga kamay nito.
Nanatili nakayuko ang ulo nito.
Hinanap ng mga kamay ni Luffy ang mga kamay ng dalaga. Naramdaman niya na bigla ito nanigas.
Nagsalubong ang mga kilay ni Luffy sa inaakto ng dalaga.
Pinisil niya ang mga palad nito na hawak niya.
"May nasabi ba kong hindi mo nagustuhan?"
Nag-angat ng mukha ang dalaga na kinahinga ng maluwag ni Luffy. Pakiramdam talaga niya may nasabi siyang mali. Namula ang mukha nito pagkatapos niya magtanong tungkol sa hindi pamilyar na pakiramdam na iyun.
Nang magtama ang kanila mga mata ay kaagad nagbawi ito ng tingin. Namumula pa din ang mukha nito at hindi siya mapakali.
"George,sabihin mo may nasabi ba kong hindi tama? Pasensya na kung meron man..gusto ko lang maging tapat sa nangyayari sakin dahil ngayon ko lang naramdaman yun. Gusto ko maintindihan ang mga bagay na pwede mangyari sakin dito sa mundo mo,"turan niya.
YOU ARE READING
Starry Starry Love Series 6 : Luffy Even
AcakIsa si Luffy sa sampung bituin na may misyon na bumaba sa kalupaan para isakatuparan ang misyon. ang Star of Life o Bituin ng buhay ay nakatakdang ibigay sa taong na siyang makatakda para sa pangalawang buhay. Sa misyon ni Luffy sa kalupaan na gaya...