KISS
George finally found her home and happiness. The place where she's belong. Ang lugar na kung saan naman talaga siya dapat naroroon. Sobrang namiss niya malanghap muli ang halimuyak ng mga bulaklak at makita ang mga hitik na mga halaman.
Ah,she miss this place so much.
Pinuno niya ng hangin ang dibdib at muling sinuyod ang buong paligid. Pinapangako niya na hinding-hindi mawawala sa kanya ang shop. Ang tanging pamana sa kanya na pinaghirapan ng kanyang ina.
Tinanaw naman niya ang kanyang mga empleyado na abala sa pag-asikaso sa mga costumer.
Abot-abot ang kaba niya ng marinig ang pagbubulungan ng mga ito na tila ba na nakikita ng mga ito si George sa kanya na wala naman kamalay-malay ang mga ito na siya nga ang kaharap ng mga ito.
Napangiti siya ng maalala iyun. Indikasyon lamang iyun na namimiss din siya ng mga ito. May maganda silang samahan. Hindi lamang bilang amo at tauhan ang ugnayan nila sa isa't-isa. Kaibigan. Magkakaibigan din sila. Pero andun pa rin ang pagiging propesyunal ng mga ito sa oras ng trabaho.
She miss their jokes and laughed with them.
Yung pakiramdam na kuntento ka na kahit single ka dahil sa mga katulad ng mga ito.
Pero sa isang iglap lang maraming nagbago. Maraming nawala sa kanya. Ang katahimikan,kasayahan at ang buhay niya.
"George,."
Kaagad napalingon si George ng marinig ang pagtawag niyun sa kanyang pangalan.
Mahina lang iyun sapat ang lakas para marinig niya.
Nalingunan niya si Luffy na siyang tumawag sa kanya.
Inilahad nito sa kanya ang isang boteng tubig. Bumaba roon ang kanyang mga mata saka ibinalik niya ang tingin rito.
"Napansin ko kasi na hindi ka matubig. Mainit ang panahon ngayon kaya dapat palagi ka umiinom ng tubig,"turan nito.
Napakurap-kurap siya sa sinabi nito. Maliit na bagay lang iyun pero napansin nito.
"Ahm,Salamat,"mahina niyang saad saka kinuha rito ang nakalahad na tubig.
Tahimik na sinubukan niyang buksan ang bote ng tubig. Hindi niya mawari kung bakit parang hinang-hina naman siya sa mga sandali iyun...o baka tense na tense lang siya dahil pinapanuod siya nito.
Bakit naman pa-hard to get pa itong takip ng tubig na ito?!
"Ako na,Goerge,"untag nito sa kanya saka kinuha sa kanya ang bote kung kaya nagdikit ang kanilang mga kamay.
Sa paglapat ng kanilang mga balat ay kaagad na nagreak ang puso niya.
Kung kanina lamang ay hindi niya alintana ang uhaw pero ngayon dama niya ang biglang panunuyo ng lalamunan niya.
Kalma ka lang..uhaw ka lang. Wala iyun ibig sabihin. Porket inamin mo na sa sarili mo na gusto mo siya ay may gusto kang mangyari?!
Napaubo si George dahil sa kaisipan iyun. Kaagad naman iniabot sa kanya ni Luffy ang nakabukas ng bote ng tubig at kaagad na nilagok ang tubig.
Uhaw na uhaw!?
Bigla nasamid ng iniinom ng tubig si George.
Napaubo at pakiramdam niya pinasok din ng tubig ang ilong niya kaya naman mas lalo siyang inatake ng ubo.
"George!"
Kaagad na dinaluho siya ni Luffy at hinagod ang likuran niya habang tuloy-tuloy pa din ang pag-ubo niya.
YOU ARE READING
Starry Starry Love Series 6 : Luffy Even
De TodoIsa si Luffy sa sampung bituin na may misyon na bumaba sa kalupaan para isakatuparan ang misyon. ang Star of Life o Bituin ng buhay ay nakatakdang ibigay sa taong na siyang makatakda para sa pangalawang buhay. Sa misyon ni Luffy sa kalupaan na gaya...