Chapter 24 -The Preparation for Immersion-

181 6 0
                                    

CHAPTER 24 -THE PREPARATION FOR IMMERSION-


*******

Sofia's POV


One week na rin ang lumipas after the incident at okay na ko. Buti na lang walang fracture o kung anuman sa buto ko nung nagpa-x ray ako.

Nandito na ko sa room ngayon at naghihintay na lang na dumating yung professor ng pumasok si Icen at dire-diretsong umupo sa upuan niya atsaka isinuksok sa magkabilang tenga yung earphone niya at yumuko sa table para matulog. Tss. What's new?

Bigla ko tuloy naalala yung gabing hinatid niya ko sa bahay.


*FLASHBACK*


"Gusto ko sanang umarte ka na di mo ko kilala simula bukas." seryosong sabi niya.


"Eh?"



"Don't worry, I'll do the same." pagkasabi niya nun ay sumakay na siya ng kotse niya at umalis. Ako naman ay naiwang nakatayo dun habang sinusundan ko ng tingin yung kotse niyang papalayo.


Problema niya?!


"Okay fine! Ang kapal ng mukha niya, Hmp! It's not m lost anyway. Pabor nga sa akin yun e, atleast matatahimik na ang buhay ko at-AWWW!!" napahiyaw ako sa sakit ng may humampas sa balikat kong may damage at ng lingunin ko kung sino yon, "Mommy naman e! Ang sakit kaya!"


"Hala, ang hina lang kaya nun anak!" natatawang sabi niya. "Teka, si Icen ba yun? Ba't di mo man lang pinapasok? Ikaw talagang bata ka!" sabi pa niya tapos hinampas na naman ako sa balikat.


"Mommy naman! Masakit nga sabi e!" I said to her habang hawak ko yung balikat ko.


"Ano bang nangyari diyan?"


"Uhm... W-wala po.. Tumama lang po sa pinto ng classroom." palusot ko.


"Kelan ka pa naging tanga?"


"Kanina lang po." sarcastic na sagot ko. "Sige Mommy, kelangan ko na pong magpahinga." paalam ko bago ako tumalikod.


"Si Icen ba anak, kelan daw ba siya dadalaw ulit dito? Naku, namimiss ko na yung batang yun. Invite mo naman siya tapos magluluto ako ng-"


"Hindi na po siya pupunta dito." seryosong sabi ko.


"Eh?" huling naarinig ko bago ako pumasok sa loob.

*END OF FLASHBACK*

At yun nga yung nangyari. After that day parang hangin na lang kami ni Icen sa isa't isa. To be honest nakahinga ako ng maluwag. Ang di ko lang maintindihan e kung ano ba talagang problema niya simula nung 'mag-break' kuno kami. Ayoko namang isipin na seryoso siya dahli alam kong kahit kailan hindi magseseryoso yung taong yu. It was a game for him after all.

It Lasted Forever and Ended So Soon [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon