Chapter 49 -When I'm With You-

152 4 0
                                    

CHAPTER 49 –WHEN I'M WITH YOU-

*******

Sofia's POV

Agad kong pinunasan ang luha ko ng mag-vibrate ang cellphone ko kaya kinuha ko agad iyon at binasa ang text message na natanggap ko.

From: Unknown Number

Oliver Wilson died because he shot himself by a gun. Walang kasalanan si Andrade.

Napatayo ako ng wala sa oras at tinitigan si Icen na naglalakad palayo. Akmang hahabulin ko siya pero pinigilan ako ni kuya.

"Stop this damn shit Sofia! Pumayag ako noon pero hindi na ko papayag na sumama ka pa sa kanya ngayon." nakatitig si Kuya sa akin at mariing hawak ang braso ko.

"Walang kasalanan si Icen kuya. Naniniwala ako sa kanya... I-I'm sorry." I said atsaka ko tinanggal ang hawak niya sa akin at tumakbo ako para habulin si Icen.

"SOFIA!" sigaw ni kuya pero hindi ko na siya nilingon.

Hinabol ko si Icen na pasakay na ng kotse niya.

"Icen!" I shouted. Tiningnan niya lang ako at di ako pinansin saka siya sumakay ng kotse niya. Kinatok ko ang binatana sa may driver's seat pero di niya binababa ang glass window. Hindi ko siya makita sa loob dahil tinted ang sasakyan niya, "Icen, I'm sorry!" sigaw ko kahit alam kong hindi niya ko maririnig. Nagulat pa ko ng bigla niya itong paandarin kaya tumakbo ako sa harap at humarang doon. Hindi naman ako nabigo dahil bumaba siya ng sasakyan.

"What do you want, Sofia?" he asked in coldness.

"I-I'm sorry. Alam kong hindi mo yun magagawa. S-sorry Icen... sorry..." I said crying. Nasasaktan na ko sa mga nangyayari pero di ko talaga kakayanin ang mawala siya sa akin.

"Ayoko ng madamay ka Sofia. Nahihirapan na rin ako pero di na 'ko papaya na masaktan ka pa ulit."

"Icen... umalis tayo. Sasama ako sayo... kahit saan."

Napansin kong kumunot ang noo sa sinabi ko. Bigla namang sumulpot si kuya at pilit akong sinasama, "Sofia, wag ng matigas ang ulo. Halika na." full of authority na sabi ni kuya at kahit anong gawin kong pagpupumiglas ay ayaw niya 'kong bitiwan.

"Kuya please! Let go of me! Sasama ako kay Icen!" pagpipilit ko.

"Aznar bitiwan mo si Sofia." seryosong sabi ni Icen.

"Shut the fuck up Andrade! Umalis ka na at wag na wag mo ng guguluhin ang kapatid ko!"

"Kuya ano ba! Bitiwan mo na ko, nasasaktan na ko!"

"I'm sorry for this Sofia pero mukhang kailangan kong gawin 'to." sabi ni Icen atsaka sinugod si kuya at sinuntok ito, "Get in the car Sofia!" sigaw niya habang pinipigilan niya si Kuya.

"SOFIA!" kuya shouted. I can't keep my tears from falling. Nahihirapan ako pero mahal ko si Icen at mahihirapan ako kung di ko siya kasama.

"K-kuya... I'm sorry." nauutal na sabi ko sa kanya bago ako tumakbo at pumasok sa loob ng kotse ni Icen.

"Sofia! This is fuckin' insane! Bumaba ka diyan!" patuloy lang ang pagsigaw ni kuya.

Maya-maya lang sumakay na rin si Icen at pinaandar na ang kotse. Habang nasa biyahe ay wala pa ring patid ang pag-iyak ko. Nakikita ko sa side vision ko ang panay na sulyap ni Icen sa akin habang nagda-drive. Napatingin naman ako sa kanya ng wala sa oras ng ihinto niya ang sasakyan.

It Lasted Forever and Ended So Soon [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon