Chapter 33 -Vacation-

150 5 0
                                    

CHAPTER 33 –VACATION-

********

Sofia's POV

One week na rin ang lumipas mula ng makabalik kami ng Pilipinas. And as expected, back to normal kami ni Icen. Biglang nawala yung closeness nabuo namin sa korea ng one month. Haays.

Final exam namin bukas at heto, pilit kong pinapasok sa utak ko yung mga nirereview ko.

"Mas okay nga siguro kung itatago ko na lang 'tong nararamdaman ko para sa kanya." I whispered.

"Anong itatago?" biglang tanong nung nasa likuran ko kaya mabilis ko siyang hinarap.

"Kuya naman! Bigla ka na lang sumusulpot!" sabi ko sa kanya.

"Bukas yung pinto mo e." pagkasabi niya nun ay inilapag niya yung isang baso ng gatas sa harap ko. "Tapos ka na bang magreview?" he asked.

"Uhm... p-patapos na kuya." I lied.

"Sige pagkatapos mo diyan magpahinga ka na. Goodluck sa exam bukas." he said tapos lumabas na siya ng kuwarto ko.

Bahala na bukas. Aasa na lang siguro ako sa stock knowledge.Humiga na ko sa kama ko pero since hindi rin ako makatulog, kinuha ko yung phone ko sa side table at nag-open ako ng facebook.

Napaupo pa ko mula sa pagkakahiga ko at napangiti sa bumungad sa news feed ko. Nag-share kasi si Icen ng picture namin na magkasama sa korea na may caption na "I already miss korea." at siyempre, ano pa bang aasahan ko? Ayun, thousands of likes and comments agad at yung mga baliw niyang kaibigan nag-comment din.

"Couple ulit?" –Dane Clifford.

"The moves 'tol!" –Stephen

"Muling ibalik! Lol." –Kristoff Gregory

"Yung Korea nga ba o si Sofia?" –Kieth Wildrent

Siyempre, di ko maiwasan ang hindi mapangiti. Kinikilig kaya ako. Pero teka, itong picture namin na 'to sa phone ko 'to kinuhanan, panong napunta sa kanya?

Napaisip ako dun ng biglang may magpop up na message at kinalma ko ang sarili ko ng malamang si Icen yun.

"Bakit gising ka pa?" he asked.

"Kasi di pa ko tulog." I replied.

"Tss. Ngapala, nakita mo na yung picture?"

"Oo, pano mo nakuha yun?"

"Nung natutulog ka."

"Di ka man lang nagpaalam sa akin. -__-"

"Kasalanan mo yun, di ka naglalagay ng password."

Kita mo 'tong lalakeng to, kasalanan ko pa talaga!

"Ewan ko sayo! Hoy, magreview ka na." pag-iiba ko ng topic.

"Concern ka talaga sa akin noh?"

Kahit di ko siya nakikita alam kong naka-smirk siya ngayon.

"Ang kapal talaga neto." I said.

"Sus. Niyakap mo nga ko nun sa sobrang pag-aalala mo e. Hahaha."

"Aish. Hoy! Matutulog na 'ko!" sa sobrang kaba ko ay bigla akong nawalan ng sasabihin. Kainis talaga 'tong icen na 'to. Nata-target niya talaga yung weakness ko. -__-

"Goodnight Sofia!" last message niya before ako nag-log out and I know he's laughing at ako? Of course, I'm smiling.

*KINABUKASAN*

It Lasted Forever and Ended So Soon [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon