Mildret's POV
"Who am I Zero" matigas na sabi ko sa kanya. Impossibleng wala siyang alam sa nangyayari. O nangyari sa akin noon. Impossibleng wala siyang alam dahil siya mismo ang nakita ko sa litrato. At di ako magkakamaling ako yung babaeng nasa litrato na un. Ano ba ako noon. Aat sino ako? Si Mildret ba talaga ako?
"Agatha." natigil ang pag iisip ko nung binanggit ni Zero ang pangalang Agatha. Pamilyar yun sa akin.
"Ang babaeng unang nag patibok sa puso ko." panimula niya. Aba't ang loko. Anong ibig sabihin nito! "Wag ka nga muna mag react diyan. Di pa ako tapos." napataas nalang ang kilay ko sa sinabi niya. Malay mo naman ex niya pala yung Agatha na yun. Kaya pala pamilyar eh. "Hahaha Geez your such a jealous woman." napakunot nalnag ang noo ko sa sinabi niya.
"Ginagago mo nanaman ba ako Zero?" sabi ko at napamenwang ako nang wlaa sa oras dahil sa kanya. Narinig ko nanaman ang pag tawa niya dahil siguro sa gestures ko. Oo na selos na kung selos. Masisisi niyo ba ako diba.
"Just let me finish on what I'm talking about ok?" nakangising sabi niya sa akin at napairap nalang ako. Ang walang hiya.
"Like what I've said, Si Agatha ang unang babaeng nag patibok ng puso ko." inulit niya muli ang sinabi niya sa akin kanina. Di na ako muli nag react sa sinabi niya at pinakingan ang mga sususnod na sasabihin niya.
"She's the most powerful sorcerer and a vampire hunter in their clan. The first time I saw her, I was amazed by her great attitude. Especially her beauty." at mataman niya ako tinitigan. Napalunok ako sa klase nang pagtitig niya sa akin. Parang ako ang tinutukoy niya sa bawat salitang binibitawan niya.
Pero nung sinabi niya ang tungkol sa mga vampire hunter ay di ko maiwasang mapakunot ang noo ko. Pero patuloy parin siya sa pagkukwento.
"Naging kami. At sobra ang pagmamahalan namin. Even tho marami ang tumututol sa realasyon namin pero di yun naging hadlang para di namin ipagpatuloy ang pag iibigan namin." lumapit siya kung saan nakalagay ang litrato at kinuha niya ito. Pinunasan ang alikabok nito at tinitigan.
"Anong ibig mong sabihin? Saka anong vampire hunter na sinasabi mo. Kung may vampire hunter, ibig sabihin lang nun ay may bampira rin?" di ko natiis na itanong yun sa kanya. Lumingon naman siya sa akin.
"Isa akong bampira kaya tumututol sila." sabi ni Zero na nakatingin sa akin nang deretso. Natigilan ako sa narinig ko. Di ko alam kung matatawa ba ako o mag uumpisang matakot.
"Hehehe. Joke time ba ngayon Zero?" sabi ko at napapaatras ako sa bawat hakbang na ginagawa niya.
"Nope." sabi niya at nakita kong nag iba nga ang kulay nang mata niya. Kung kanina ay electric blue ang mata niya. Ngayon naman ay naging pula iyon. Dun na nag umpisa ang takot ko nung nakita ko yun.
"L-lumayo ka sa akin." sabi ko habang patuloy parin siya sa paglapit sa akin.
"Agatha." sambit niya nung nakatingin siya sa akin. Napatingin ako sa mapula niyang mata. At nagtama ang paningin naming dalawa. Natigilan ako. Parang nawala ang takot ko sa puso nung nakita ko unting unti nagiging asul ang mata niya. Di ko namalayan na tuluyan na pala siya nakalapit sa akin.
Hinaplos niya ang akng mukha at dumampi sa aking pisngi ang kanyang malamig na kamay. Nakakapanghina ang kanyang mga tingin sa akin. Parang hinihigop ang lakas ko.
"Ikaw si Agatha. Ang babaeng tanging nag patibok nang puso ko." sabi niya at kinuha niya ang aking kamay at inilagay niya ito sa dib dib niya. At nadama ko ang bilis nang tibok nang puso nito. Bigla nalang pumatak nang kusa ang luha ko. Parang kilalang kilala na nang katawan ko ang lalaking nasa harapan ko ngayon.
Pinunasan niya ang luhang dumadaloy sa aking mukha. Unting unti niya inilapit ang mukha niya sa akin at naglapat ang aming mga labi.
Gaya nung unang beses ako hinalikan ni Zero. Napakalambot nito. At napaka ingat niya igalaw ang labi niya sa labi ko.
Kumalas siya sa paghalik sa akin at tinitigan niya ako muli.
"I missed you so much Agatha." sabi niya at nakita ko na may luha na rin na dumadaloy sa kanya. Niyakap ko siya agad. Kahit na wla akong maalalang iba. Dama naman nang puso ko na totoo ang sinabi ni Zero. Kung kanina ay atkot na takot ako sa possibleng mangyari, ngayon naman ay guminhawa nalang bigla ang pakiramdam ko.
Kaylangan ko malaman ang iba pang impormasyon tungkol sa tunay na ako. Na di pala ako si Mildret nung una palang.
"Zero. Sana matulungan mo ko maalala ang lahat. Ayoko ng ganito. Walang alam sa nangyayari sa paligid ko. Na ako pala si Agatha."
"I will Agatha. I will." sabi niya at niyakap niya ako ng sobrang higpit. Napangiti naman ako dahil dun.
Ako pala si Agatha. Ang unang babaeng nagpatibok sa puso ng isang mahangin na si Zero.
Third Person's POV
"Magpapakita ka pa pala sa akin mahal kong kapatid?" saad ni Ivy sa kanya kapatid na si Shame. Nakatalikod si Ivy sa kapatid habang nakamasid lang ito sa labas.
"Pabayaan mo na si Agatha ate. Wala siyang kinalaman sa pagkamatay nina Mama at Papa." sabi ni Shame na ikinataas ng kilay ni Ivy. Lumingon ito sa kanya at napangisi.
"Talagang di ka makamove on sa Agatha na yun ha." sabi nito at lumapit ito sa kanyang kapatid.
"Wala nga kasi kinalaman ang pamilya ni Agatha sa pagkamatay ng magulang natin ate. Ilang beses ko ba sasabihin sayo yun ha." paglalaban ni Shame sa kanyang sinasabi. Alam niyang nakasara na ang isipan ng kanyang kapatid tungkol sa pagkamatay ng magulang nila. Dahil si Ivy mismo ang nakakita ng mga pangyayari.
"Mahirap bang ipaliwanag sayo ang mga sinasagot ko sayo, Shame?" Sabi ni Ivy sa kanyang kababatang kapatid. Di sumagit si Shame.
"Ginagawa ko to para sayo at sa pamilya natin. Ayokong inaapi nila tayo. Ayoko na magmukhang mahina tayo sa harapan nila. Ayokong manahimik nalang sa isang sulok tungkol sa pagkamatay nina Papa at Mama! Ngayon kung wala ka parin naitindihan sa mga sinasabi ko, mas magandang umalis ka nalang sa buhay ko at wag mo na akong ituring na kadugo mo! Maliwanag?!" Paghihimutok ni Ivy sa kanyang kapatid at dahil sa sobrang inis ay hinagis niya ang kanyang hawak hawak na wine glass.
Nanahimik lang si Shame at unting unting lumayo sa kanyang ate.
"Ate. Mas pipiliin kong wag nang kumilos kung ikakasama naman yun sa atin. Mas gugustuhin pa yun nina Mama." Sabi ni Shame at umalis na sa silid ng kanyang ate. Natulala naman si Ivy dahil sa sinabi ng kapatid niya. Pabagsak itong umupo sa upuan. Dahil sa mga sinabi niya, nawalan pa siya ng tanging kakampi sa buhay niya. Nawalan pa siya ng kapatid.
Napalingon nalang si Ivy sa malaking bintana ng kanyang silid at pinanuod ang mga nagkikislapang mga bituwin at sinabayan pa nang maliwanag na buwan ng gabi. Isang luha ang lumabas sa kanyang mata. Kay tagal na siya di umiiyak simulang mawalan sila ng magulang.
BINABASA MO ANG
My lullaby (MAJOR EDITING)
VampireMildret Alexis Yamada. Ang babaeng walang maalala kungdi ang maling nakaraan nang buhay niya. Pinaniwalaan ang kasinungalingan nang nakaraan niya ngunit siya rin naman ang may gawa. Nung dumating sa buhay niya si Zero Jeager ay mas lalo lamang nagig...