Mildret's POV
"Uy Mildret. Anong mukha yan ah." bungad sa akin ni Maya. Pano kasi lukot na lukot yung pagmumkha ko. Para nga ako natatae eh.
"Its nothing. don't mind me" pagbabaliwala kong sabi kay Maya at sinubsob ko yung mukha ko sa lamesa ko. Grr nakakahighblood.
Papaano kasi lagi nalang nagmamadali si Zero. Nakakabanas. Bwisit talaga siya!
Teka bakit ba ako maiinis eh eto nga ang gusto ko. Ang lumayo siya sa akin. Hah! sawakas at mawawala rin siya sa paningin ko.
Ang speaking of the devil
"Hi Babes. Kamusta." inangat ko ang ulo ko at nakita ko kung gaano kalandi ang pagtitig niya sa akin at kumindat pa. Tsk as if gagana pa sa akin yan.
"Ay kilala mo pa pala ako.? Akala ko hindi na eh." sarkastik kong pagkasabi sa kanya para naman damang dama niya. Bwisit siya. Ano yun saka nalang siya babalik kung trip niya?! Abah matinde!!!
Di ko na siya pinansin at sinubsob ko muli ang mukha ko sa lamesa ka. Bahala na siya sa buhay niya.
"Ui. Nagtatampo ka ba? Di bali babawi talaga ako promise. May inaasikaso lang kasi akong importanteng bagay eh." paglalambing niya sa akin. Di ko parin siya pinapansin kahit na medyo kinikilig ako sa ginagawa niyang effort para sa akin. Pero nung sinabi niya na may importateng bagay siyang ginagawa, aba! Mas importante pa pala yun sa akin ha. Teka bakit ko ba yun nasabi. Tss kabwisit ka talaga Zero!!
" Ui sorry na ha. Mildret ui." pangungulit niya parin sa akin. Di ko pa rin siya pinapansin. Talagang mag mamatigas ako. Saka nalang tumigil si Zero nung dumating na ang prof namin.
Hbang nag kaklase kami ay di parin siya tumitigil sa pag suyo niya sa akin. Kahit sa pag rerecite niya sinasamahan niya parin nang lambing para sa akin. Dahil english ang class namin, lagi siya nagtataas nang kamay para mag recite at lagi niya ako sinasama sa examples niya. Tulad nalang ngayon, nakatayo siya sa kinauupuan niya at magbibigay na siya nang halimbawa.
"Mildret is beautiful inside and out." then lumingon siya sa akin. At dahil sa kalandian niya nagtilian yung mga babae. Napapangiti naman si Ma'am sa sinabi ni Zero. Bwisit talaga tong lalaking toh napakalandi. Napalingon nalang ako sa dalawa kong kaibigan. Si Demitri napapailing nalang dahil sa kalandian ng kaibigan niya at si Maya naman na kinikilig naman habang nakangiti sa akin nang nakakaloko. Napairap nalang ako sa ginagawa ng bestfriend ko.
After nang class ay umalis ako agad dahil bwsit na bwisit parin ako kay Zero. Nakasunod naman sa akin si Maya.
"Ui girl, patawarin mo na yung manliligaw mo oh. Tamo pati sa klase natin di ka parin niya tinatantanan." sabi ni Maya sa akin habang sinisiko niya ako. Tumingin lang ako ng masama sa kanya at napairap. Narinig ko namang tumawa lang siya sa ginawa ko. Alam niya kasing bwist na bwisit talaga ako.
"Mildret!" di ako tumigil sa paglalakad habang may tumatawag sa akin. Alam ko naman kung sino yun eh.
"Babe naman." at naabutan niya ako. kaya naman ang ginawa niya hinawakan niya ang braso ko at hionarap sa kanya. Nakatingin lang ako nang masama sa kanya.
"Ui sorry na. Busy lang talaga ako promise. Di naman kita ipinagpapalit sa iba eh." nakapout niyang sabi sa akin. Bwisit toh, kung di lang to pogi baka nasapak ko na nguso nito.
Di parin ako nag salita habang nakatingin parin ako sa kanya. Tumalikod ako sa kanya pero di parin ako binibitawan. Habang nakatalikod ako sa kanya ay napapangiti nalang ako. Bwisit oo na kinikilig ako kanina pa.
At dahil nakatalikod parin ako sa kanya ay hinatak niya ako patalikod at niyakap. Nagulat ako sa ginawa niya. Hello nasa school kaya kami noh. Kalandian talaga nito dapat bawas bawasan. Wala lagi sa lugar.
BINABASA MO ANG
My lullaby (MAJOR EDITING)
VampireMildret Alexis Yamada. Ang babaeng walang maalala kungdi ang maling nakaraan nang buhay niya. Pinaniwalaan ang kasinungalingan nang nakaraan niya ngunit siya rin naman ang may gawa. Nung dumating sa buhay niya si Zero Jeager ay mas lalo lamang nagig...