Mildret's POV
"Mama? Papa? nasan po kayo?" tahimik ang bahay namin, nakakapagtaka.
Ah baka nasa kusina lang sila
"Mama? Papa?" huh wala sila dito? nasan naman na kaya sila?
Crash...
Huh anong ingay yun? Parang galing sa kuwarto nila.
"Mama? Papa?"
Creak....
Pinasok ko yung kuwarto nila at di ko inaasahan ang sunod na nskita ko
"Huh?! MAMA?!PAPA?!" duguan silanpareho, patay na sila.
"MAMA?! PAPA?! HUHUHUHU MA?! PA?! GUMISING KAYO PARANG AWA NIYO NA!!!"
"Di na sila magigising iha dahil pinatay ko na sila, at dahil diyan ikaw na ang susunod sa kanila hahahahahaha."
"AHHHHHHHHHHHH"
"Mildret? Mildret? Ui Mildret!"
"Ahhhhhhhhh" panaginip? masamang panaginip nanaman? napanaginipan ko sina mama at papa, grabe ang ginawa sa kanila, pero bakit wala akong matandaan. Bakit sabi sa akin ni lola Idang na namatay sila parehas sa isang malagim na aksidente.
Anong ibig sabihin nang panaginip kong yun?
Di ko namalayang pinagpapawisan ako nang todo todo at humihingal
"Mildret ayos ka lang?" si Zero pala yun. Nag aalala nanaman siya.
Naiiyak ako. Naaalala ko sina mama at papa. Di ko alam kung bakit ganun nalang lagi ang napapanaginipan ko. Sani sa akin ni Lola Idang namatay daw sina mama at papa dahil sa isang malagim na aksidente.
Niyakap nalang ako bigla ni Zero.
Ang bango niya......
Ay leche ka talaga Mildret, nakita mo na ngang nag eemote ka dyan kung ano ano pang pumapasok sa brain mo. Duh!
Hinigpitan pa niya lalo ang pagkayakap sa akin.
Kaya naiyak naman ako, kasi naalala ko nanaman sina mama at papa.
"Shhhhh tama na, nananaginip kalang, nandito ako para sayo ok?" malumanay niyang sambit sa akin, parang lullaby lang para sa akin ang boses niya.
Napakalma naman ako dahil dun.
Yumakap ako nang mahigpit sa kanya. At tumigil nang umiyak.
Nung naramdaman kong ok na ako sinabi ko na kay Zero na gusto ko nang umuwi.
Inalalayan niya akong tumayo at lumabas nang school.
Nandoon parin ang mga pulis. Sinusuri nang maigi ang crime scene.
Pinasakay niya ako sa sasakyan niya and take note ha. Ferrari mga dre. Astiiig. Akala ko hanggang panaginip ko lang yun pero heto na ngayon dream come true na at masasakyan ko na.
"Wow. Ferrari sports car red. My goodness nadadali mo pa toh sa school natin?" tanong ko kay Zero habang dinudukot na niya yung susi nang sasakyan niya.
"Yup. Eto kasi ang pinaka favorite ko sa lahat nang sasakyan ko. Very comfortable at compatible to any places." talaga lang ha. Compatible tlaga to any places ha. You already. Ikaw na ang rich kid.
BINABASA MO ANG
My lullaby (MAJOR EDITING)
VampireMildret Alexis Yamada. Ang babaeng walang maalala kungdi ang maling nakaraan nang buhay niya. Pinaniwalaan ang kasinungalingan nang nakaraan niya ngunit siya rin naman ang may gawa. Nung dumating sa buhay niya si Zero Jeager ay mas lalo lamang nagig...