CHAPTER 20

793 21 5
                                    

JIA'S POV

Sa pamamalagi namin dito sa States ay masasabi kong nag eenjoy ako ng sobra. Mula sa pamamasyal sa mga kamag anak ni Jan, sa pagpunta namin sa iba't ibang pasyalan dito at ang mga oras na buo kaming walo.

Ang sarap lang isipin na nageenjoy na kame at the same time natupad din namin ang gustong gustong ni Jan.

"Guys you want to go to the mini park here?" Suggestion ni Jan isang hapon.

Hindi kase kami umalis ngayong araw dahil tinatamad pa ang iba. Kabilang na ko sa mga yon hahahah. Na low battery ata ako this past few days dahil sa sunod sunod na ganap namin dito.

"Pwede, siguradong maraming bata doon ngayon dahil hapon na." Segunda ni Yves

"Tama ka dyan Yves every time na umuuwi ako dito nakikipaglaro ako sa ibang bata na nandito"

"Parang ang hirap ata makipag usap sa mga bata" sagot ni Star na ikinatawa namin.

"Sira ka talaga Star." Si Shen naman ang sumita dito

"I know you guys. You are all not cum laude for nothing. Bata lang yung mga yon mga beh kahit anong sabihin nyong English maiintindihan nila. Sadyang pilipino lang ang judgemental about sa grammar pagdating sa English " paliwanag ni Jan

"Maganda nga doon" biglang sabi naman ni Cley

"Napunta ka na doon Cley?" Tanong ni Glen

"Doon kame dinala ng mga paa namin noong isang araw na hindi kame makatulog. Nakita namin yon at sandaling naupo sa swing doon" ako ang sumagot dahil nakikita ko na walang balak na sagutin ni Cley ang tanong na iyon ni Glen.

"Ahh kaya pala. Mas lalo tuloy akong na excite." Komento ulit ni Yves

"Laro na rin tayo ng badminton doon. Valleyball sana kaso baka matamaan yung mga batang naglalaro doon" muling sabi ni Jan.

Agad na nagbihis kaming lahat at sama samang nagtungo sa mini park. Naglakad na lang din kame dahil malapit lamang ito.

Bumabalik sa alaala ko yung tawanan namin ni Cley noong madaling araw na naglalakad kame dito at kung paano namin laitin ang mga bahay na nadadaanan namen.

Ipinapaliwanag naman ni Jan kung anu ano ang mga makikita namin dito. Gaya ng mga taong kakilala nila. Mga gawaing makikita dito at mga pagkaing kalye na ngayon lang namin makikita at matitikman.

"You know what. Yung park na yun ang madalas kong tambayan noon. May mga naging kaibigan din ako dito. Pero mas napalapit ako sa magkapatid na Jao at Jazz. Sila ang lagi kong kasama"

"Hindi mo pa sila napapakilala sa amin" saad naman ni ate Ara

"Oo nga Jan. Halos ilang araw na tayo dito tapos lahat ng kamag anak mo nakilala na rin namen. Pero sila ngayon mo lang sila nabanggit" segunda ko naman.

Bigla namang nalungkot ang mukha nya. Hindi ko mawari pero parang may sakit na umukit sa ngiti niya.

"I don't know what to say. Paano ko ba to sasabihin?"

"Wala kaming tampo sayo ahh. Natanong lang namin" si Yves

"Hindi ko sila naikkwento sa inyo dahil wala na sila at gusto kong makalimutan ang mga panahon na nangyari ang mga bagay na iyon."

Ang deep naman ng pinagdaraanan nya. Ano ba nangyari? Bakit ayaw nyang balikan ang mga taong naging mahalaga sa kanya?

Hindi nya ito naikkwento kahit na sakin. Hindi nya nasasabi na may ganito pala syang pinagdaraanan

"Wait nalilito ako ng slight" singit ni Shen

"Ako din bebe gulong gulo din? Ano ba nangyari Jan?"

Taimtim lang kaming nakatitig kay Jan. Hinihintay kung ano ang mga sasabihin nya samantalang sya ay tila alangan pang ikwento sa amin ito

More than BeforeWhere stories live. Discover now