CLEY'S POV
Nawala na ko sa huwestyon at bigla nalang pumasok sa isip ko na halikan sya sa una at huling pagkakataon.
I know it's not right dahil meron nang Shen na umamin. Pero ayoko naman na magkawalay kame na hindi ko man lang naipapadama sa kanya mahal ko sya hindi bilang isang kaibigan.
Hinalikan ko sya pero hindi smack dahil ayaw kong pagsisihan na nagawa ko iyon. Alam kong nabigla ko sya dahil bahagya pa syang napaatras. Sinundan ko lang iyon hanggang sa mapasandal sya sa upuan. Ninamnam ko lang ang mga labi nya. Noong una ay hindi ito gumagalaw ngunit kalaunan ay unti unti ko na ring nararamdaman na ginagantihan nya ang mga halik ko ng same fire.
Minuto pa ang itinagal namin. Nang nararamdaman ko nang kakapusin na ko ng hininga ay ako na din ang kusang bumitaw at bumalik sa pagkakaupo. Hindi ko sya matignan dahil ayaw kong magsisi sa mga ginagawa ko.
"Sorry for kissing you. That was my last favor. I really don't know if hanggang kailan tayo ganito pero sana maintindihan mo rin na kailangan ko din ng kaibigan gaya mo. Wag mo naman sana baliwalain lang yung mga pinagsamahan naten" nakayukong saad ko. Ramdam kong nakatingin sya sakin. Siguro nagtataka na sya kung bakit ko sya hinalikan. Kung bakit ko nagawa iyon. Pero ayaw kong magpaliwanag.
"Ikaw pa rin naman ang Cley na kaibigan ko. Ang bestfriend ko. Just understand that you have Shen now. Hindi ka ba sasabay sa akin bumaba?" Paalam nya.
"No, I'll stay here muna. Mauna ka na. If they are asked you where I'am just tell them na hindi mo ako kasabay pumasok ng university. Sorry for what I did to you pero wala akong pinagsisihan."
Yun lang ang sinabi ko. Akmang sasagot pa sana sya ng tanggalin ko na ang pagkaka lock ng pinto nya. Alam kong narinig nya iyon kaya mabilis na nagtanggal nalang sya ng seatbelt nya.
"Goodbye for now Cley" sabi pa nya bago nya tuluyang sinara ang pinto
Naiwan akong nakatingin lang sa pintong nilabasan nya at sa pigurang mabilis na lakad papalayo sa kinaroroonan ko.
"G*go ka kase Cley ehh kung noon pa umamin ka na hindi ka sana nahihirapan ngayon! Edi sana hindi umamin yung isa sa'yo! Na sana kahit takot kang mawala friendship nyo ipinaglaban mo yung sayo! Duwag ka kase duwag! Ngayon ano nang gagawin mo! Pipilitin maging masaya sa taong hindi mo naman mahal!? Gag*! Mananakit ka pa ng damdamin ng iba! Pero ginusto mo yan hindi ba!? Pinili mo yan! Panindigan mo! Hayaan mong mawala sayo yung pinaka iniingatan mo noon pa! Ang gag* mo! Ang gag* g*go mo! Tang*na!" Sigaw ko. Wala namang makakarinig sa akin kaya ayos lang na ilabas ko tong katarant*duhang ginawa ko sa sarili ko.
Humagulhol lang din ako. Hinayaan kong lumabas lahat ng luhang kaninang umaga ko pa pinipigilan. Alam kong kanina pa na ganito na ang mangyayari kaya lahat ng bagay ay ginawa ko na. Nilubos ko na lahat dahil hindi ko alam kung kailan ako ulit sasaya.
"Ang tang* t*nga mo! Lalo mo lang pinahirapan ang sitwasyon mo ngayon!" Pinaghahampas ko ang manibela at nagpapadyak. Wala akong paki kung masira na ito. Pinagsawa ko ang sarili hanggang sa mapagod at isinubsob nalang ang aking ulo sa manibela at patuloy na umiyak ng umiyak.
10:30 pa naman ang klase ko kaya kahit na maglagi ako dito ng mahabang oras ay walang maghahanap sa akin.
Minumura ko lang ang sarili ko nang minumura. Dahil wala akong magawa kung hindi yun lang. Labag lahat sa loob ko lahat ng nangyayari sa akin ngayon pero nandito na ko ehh. Eto na yon. Nawala na yung sa amin ni Jia.
Mahirap tanggapin na sa tuwing magkikita kaming walo. Wala na yung dating nangungulit sa akin. Wala na yung aasarin ako ng aasarin nang walang katapusan.
Hindi ko naman din masisisi si Shen kung bakit naramdaman nya yun sa akin. Ang malaking tanong lang bakit ako? Bakit sa akin pa sya nagkagusto gayong nasa iba na ang puso ko.