JIA'S POV
Kung ako ay naka dress si Cley naman ay nagmistulang lady boss dahil sa suot nya. She's wearing a pure white long sleeve polo and black pair suit and pants. For the first time ay nakita ko din syang nagsuot ng hills kadalasan kase ay tinternuhan nya lang ito ng white rubber shoes
She looks stunning today. Hindi maalis ang titig ko sa kanya habang nag sspeech sya. Namimiss ko na sya ng sobra pero kailangan ko muna syang tiisin.
I'm so proud of her dahil nagawa nyang humarap sa maraming tao para magbigay ng last speech. Alam kong mahirap para sa kanya to pero look at her standing in front of us and gave her best to speak loudly.
Nang matapos na ang speech nya ay muling nagpalakpakan at naghiyawan ang mga taong nasa loob ng gym. Sya naman ay yumukod pa bago tuluyang bumaba ng stage bitbit ang medalyang ipinagkaloob sa kanya.
Ako naman ang kinabahan ng sobra ngayon. Dahil turn ko na. Planado na ang lahat. Lumingon sa akin si Jan na nasa bandang harapan tyaka ako tinanguan. Buong buhay ko ngayon ko lang gagawin tong bagay na to. Gaya ng kay Cley ganoon din ang energy ng mga tao nung ako naman ang tumayo at naglakad papuntang stage. Iba talaga suporta ng mga Mercadians kahit hindi nila kilala ay todo ang Cheer nila.
Nagalis muna ako ng bara sa aking lalamunan bago nagsimula.
"Goodmorning everyone. Head master, dean, to our university president, teachers and faculty staff, parents, friends, classmates and to all our batch mates. Isang maganda at mapagpalang umaga po sa inyong lahat." Panimulang bati ko
Samu't saring emosyon ang ibinibigay ko. Dinadaan ko sa pagiging kwela ang sa akin dahil ayaw ko namang matapos ang araw na ito na puro kami iyakan. Dapat lahat kame lalabas ng gym na ito bitbit ang kanya kanyang diploma at tagumpay ng nakangiti at taas noong ipinagmamalaki na ito na. Nasa tuktok na kami ng aming mga tagumpay.
Angat ang nirolyong papel ay sabay ang pagbanggit ng mga katagang
"Guys ito na hawak na natin ang tagumpay nating lahat. Isang step nalang at tuluyan na nating haharapin ang totoong hamon ng buhay. Mabuhay tayong lahat Mercadians. Maraming salamat po" sa sinabi kong iyon ay tuluyan ng naghiyawan ang mga estudyanteng kasama namin sa gym.
Agad na hinanap ng mata ko si Jan na ngayon ay may hawak hawak na remote control ng isang drone. Pag tango nya ay saka ko na sinimulan.
"Wait wait hindi pa po ako tapos. Eeksena lang po ako saglit. May I call on Miss Cley Laiden Vergara ng Engineering department? Please come here in stage."
Tilang isang wave naman ng binalingan ng lahat si Cley na gulat na gulat sa mga narinig. Nanlaki pa ang mga mata nya habang nakatingin sa akin kaya nginitian ko naman sya. Kinakabahan man ay pinanatili kong matatag ang boses ko. Lalo akong napangiti ng makita kong tumayo si Cley at naglakad pabalik ng stage. Parang naging slow motion ang paglalakad nito.
"Ano to?" Tanong agad nya paglapit sa akin
"Secret" bulong ko. Tyaka sya hinila papunta sa gitna ng stage. "Alam ko nagtatampo ka sa akin dahil halos ilang linggo din kitang hindi pinapansin. Kailangan kong gawin ehh dahil mabubuking mo ako agad. Sinimulan kong magpaalam sa mga school staff para sa gagawin kong ito. Lahat ng pinaniniwalaan ay hindi totoo. lahat planado, simula sa pagsama sa akin ni Jan at ang hindi nya paglinaw kung ano ba talaga ang namamagitan sa amin. Kaming dalawa lang ang nakaka alam. Kaya pati sila ni ate Ara nag away dahil sa pinaggagagawa ko. Pero alam mo ba na miss na miss na kita? Kung alam mo lang ang paghihirap ko dahil hindi kita nakikita. But now this is the day na pinakahihintay ko. Graduated na tayo masasabi ko na sa iyo na itigil mo na ng panliligaw mo"
Sabay sabay naman naghiyawan ang mga tao
"For months pinatunayan mo sa akin ang sarili mo. Naghintay ka talaga kahit na gaano pa katagal at hindi ko nakita sayo yung pagmamadali. Inenjoy mo lang yung araw na magkasama tayong dalawa. I love you since then and the day passes by? Mas lalo kitang minamahal"