S. CHAPTER 4- Breakup or What?

830 24 5
                                    

4 years later

JIA'S POV

Sa limang taon na pagsasama namin ni Cley isang buwan na sya halos cold sa akin. Lagi daw syang busy kahit na same company naman ang pinapasukan namin.

Ang dahilan nya ay solo project nya daw iyon at kaibigan daw ng Client yung Architect. Noong una medyo naniniwala pa ko pero ng mawalan na sya ng time sa akin doon na ko nagduda.

Ayoko man isipin ang mga bagay na to pero hindi ko mapigilan lalo na ngayon lang talaga sya naging ganito ka cold. Na halos hindi na kami nagkikita pa dito sa condo nya.

Pagkapasa kase namin sa board exam ay agad na  kaming naghanap ng trabaho no Cley. Magkasama kami sa lahat ng company na pinag aapplyan namin at unang company palang ay tanggap na kami dahil na rin siguro sa ranking namin kaya agad nila kaming pinagkatiwalaan.

Sa lahat ng project na pumapasok sa company at kaming dalawa ang first choice at tandem.

Ngayong araw lang kami muling nagkita at nagkasama sa dinner. Day off ko kinabukasan Samantalang sya naman, hindi ko alam kung may lakad sya. Same din kase kami ng day off. Sadya yun para may time kaming dalawa ng kami lang.

Paglabas ko ng kwarto sakto namang patapos na syang magluto.

Yun lang kase hindi ko magawang magtampo ng malala sa kanya dahil heto sya ohh. Nagluluto pa rin sya kahit minsan hindi na kami nagkakasabay sa hapag.

Pag gising ko meron nang pagkain sa mesa at sa tuwing gabi naman kundi ordered food sa fave. Resto namin ay may cooked food na.

Tahimik lang akong pinagmamasdan sya habang nagmamadaling inaayos ang lamesa. Lagi din syang ganito. Lahat ng kilos nya may pagmamadali na at katapos ay haharap na sa Cellphone or di kaya sa loptop nya.

Nang mapansin nya ko ay agad na ngumiti sya sa akin kaya ginantihan ko din ito ngunit ngiming ngiti lang.

"Kain na mahal" sabi nya tyaka nya ko nilapitan at hinalikan sa aking mga labi. Ako naman si marupok ay agad na nagpatangay sa kanya ng hilain nya ko papunta sa hapag kainan.

"Buti wala kang work?" tanong ko pagkaupo ko

"Later na yun. Ikaw na muna aasikasuhin ko. Namimiss na kita ehh" sagot nya

Hanggang ngayon dama ko pa rin yung kilig sa bawat banat nya pero ngayon kase hindi ko pa rin mapigilang mangamba. Hindi kase maalis yung kaba ko sa aking dibdib.

Parang may mali sa mga ikinikilos nya.

Nagsimula na kaming kumain. Asikasong asikaso sya sa akin. Lalamnan nya ng kanin at ulam ang plato ko, aabutan ako ng tubig, susubuan nya pa ko. The usual thing na ginagawa nya sa akin noon. Hanggang sa mag ring yung phone nya. Hindi ko mabasa kung sino ang tumatawag dahil wala akong suot ng contact lens or salamin tapos naka low brightness pa yung phone nya.

"Sagutin ko lang ahh. Baka kasi importante ehh"

"Sige". Sa hugyat kong iyon ay tyaka naman sya tumayo at lumayo sa hapag na dati naman ay hindi nya ginagawa. Kinukutuban na talaga ako.

Dahan dahan akong tumayo sa kinauupuan ko para hindi ako makagawa ng ingay at sinundan sya. Wala sya sa sala kaya sunod kong pinuntahan ang kwarto. Naka awang ito ng kaunti kaya medyo may naririnig akong naguusap. Nandito nga sya sa loob. Ganoon ba ito kaimportante? At talagang sa loob pa sila ng kwarto mag uusap?

"Yes honey goods na bukas. Excited na rin ako" ...... "Yes po honey sure na sure na talaga to" ........ "Bukas ko na sasabihin sa kanya. Kinakabahan ako sa gagawin ko"........... "Sana nga honey. Sige na honey bukas nalang baka mabisto pa po ako see you bukas bye"

More than BeforeWhere stories live. Discover now