CHAPTER 59

615 22 2
                                    

JIA'S POV

Padabog na naupo si Jan sa tabi ko at halata na inis na inis

"Anyari sayo?"

"Ewan ko sa inyo" inis na saad nya

"Aba kauupo mo lang dito sa tabi ko, bakit pati ako damay dyan sa inis mo sa mundo?"

"Kagagawa mo to ehh"

"Bakit nga? Pwede paki explain?"

"Kung hindi mo iniiwasan si Cley edi sana hindi kami nadadamay ni Ara sa kagagahan mo"

"Huh? Napano ba?"

"Si Cley nakita tayo sa may Japanese restaurant noong monday tapos saktong nakita nya yung paglapit ko sayo para bumulong kase hindi tayo magkaintindihan. Akala nya hahalikan kita. Yuck sya ahh ikaw hahalikan ko? Eww" akto pa nyang tila nasusuka.

"Grabe ka naman diring diri? Oh tapos ano ng nangyari?"

"Nag walked out si Ara kaya napagsabihan ko si Cley. Sira ulo ka kase ehh."

"Haha bakit ba?"

"Kung hindi mo naisipang mag pa miss sa kanya hindi sya magkakaganyan tapos dadamay mo pa ko sa kagagahan mo. Ako lagi mong dinadahilan."

"Sorry na, isa pa huwag lagi ako no. Ikaw din naman may balak pero hindi mo lang natiis jowa mo kaya pinansin mo na. Hayaan mo ngayon nalang naman yan graduation na bukas. Last favor ko na yun sayo bukas"

"Mukhang hindi ko yata kayang kausapin si Cley bukas"

"Jaja naman ehh. Please? Last na yun bukas promise after that tapos na"

"Paano naman problema ko sa Jowa ko? Wala na? Ganun ganun nalang?"

"Tiisin mo na ring galit sya. Bukas ka na din magpaliwanag para hindi sila makahalata. Ayokong pansinin sya dahil baka masabi ko sa kanya agad. Baka mabilis akong mabuking alam mo naman na pagdating kay Cley wala akong maitatago. Kahit ano nalalaman nya kaya mas ayos na yung ganito sya. Bawi nalang bukas. Mabuti ka pa nga eh natatago mo yung sayo kaya nakakasama mo Jowa mo samantalang ako heto miss na miss ko na sya"

"Siguraduhin mo lang na maayos to Jerian kung hindi nako. Hindi na kita kakausapin Forever"

"Grabi naman to forever talaga?"

"Oo kaya umayos ka."

"Opo ate"

"Iww ka wag mo nga ko tawaging ate."

"Parang ikaw si Cley no? Ayaw ding patawag na ate kay Yves. Eh matanda naman kayo sa amin"

"Nakasanayan na namin tawagin nyo kami sa mga pangalan namin tayo bigla nyo kaming tatawaging ate? Try mo din tawagin si Yves na ate ganyan din magiging reaksyon nya."

"Haha panigurado. Basta bukas naka ready na ahh? Ikaw na bahala sa video"

"Oo na. Nakausap ko na rin mga Proff and faculty staff sa kahibangan mo. Ikaw na ang last na mag sspeech na dapat si Cley."

"Eh yung ibang girls? Pupunta ba sila?"

Nauna na kaseng mag graduate sa amin sina ate Ara at Yves noong Wednesday pa silang dalawa. Ngayon kaya kami nandito ay mag rerehears kami pagkatapos ng graduation ng ibang department.

Napag usapan namin na sa Saturday na kami mag celebrate ng kami lang walo dahil panigurado kasing may kanya kanyang handaan ang lahat.

"Nasabi ni Ara na sabay sabay na daw sila bukas pupunta ng Venue. Kaya sure ako darating din sila."

"Thankyou for helping me na mangyari to. Kung wala ka hindi ko alam kung paano ko to gagawin na mag isa"

"Nagdrama pa. Baka nakakalimutan mong may atraso ka pa sa akin"

More than BeforeWhere stories live. Discover now