CHAPTER 50

840 23 10
                                    

JIA'S POV

Naging maganda naman ang pagsasama namin ni Cley. Bumalik na kami sa dating kame. Mas lalo pa ngang nadagdagan ehh. Lumabas din ang pagiging clingy ni Cley pagdating sa akin. Araw araw hatid sundo nya ko sa bahay o di kaya sa condo. Tatambay pa sya kapag sa condo ako naglalagi.

"Date tayo mamaya" sabi nya. Hindi ko alam kung nagtatanong ba sya or sinasabi nya na mag date kame. Ako naman tong si tanga kinikilig haha

Nasa library kame, dahil parehong walang gagawin dito namin naisipang tumambay at makapagbasa ng books.

"Nagtatanong ka ba or utos yan?" Bulong ko.

"Hindi utos yon. Hindi rin tanong" sabi nya tyaka ako tinitigan dahil pareho kaming nakayuko ay sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa nang bigla nya akong binalingan. Puso ko traydor nanaman dahil sa sobrang lakas ng kabog nito.

"Eh ano pala yun?"

"Wala sinabi ko kaya wala ka rin magagawa"

"Ang daya naman paano kung ayaw ko pala?" Naka pout na saad ko. Naging seryoso naman ang tingin nya sa akin.

"Ayaw mo? Kung halikan kaya kita dyan?" Pagbabanta pa nya

Natulala akonsa sinabi nya kaya hindi ako agad nakapagsalita

Aba go. If you want then go, hindi kita pipigilan. Nung last na halikan mo ko ang sakit ng sumunod na araw na yon. Joke lang syempre. Babaeng pilipina parin dapat tayo. Huwag masyadong magpahalata.

Kahibangan nanaman yung naiisip ko jusmaryosep apaka landi. Lalo akong napapitlag nang maramdaman kong hinalikan nya ko sa tungki ng aking ilong.

"Hindi ko naman gagawin yon hanggat walang permiso mo no kaya kahit saan nalang muna. Dali na kase date na tayo" lalo tuloy akong kinilig sya mga sinabi nya at the same time palihim naman akong napangiti dahil bigla nalang nya kong niyakap habang nagpupumilit na mag date kame. 

"Tanggal lagi angas mo ahh" biro ko

"Ikaw kase ehh, ayaw pa kase pumayag"

"Jusko ka naman wala naman akong sinabing hindi ako sasama ahh. Kailan ba ko humindi sayo?"

"Oo nga no. Haha pasensya na. May palaman laman pa kase kung anu ano ehh marupok din naman pala" pagbibiro nya pa.

Hindi nga kami sumabay sa girls kinagabihan. May balak kase silang mag movie night kina Jan pero hindi na kame sumama. Ayaw din kaseng paawat ni Cley ehh. Sandamakmak na tukso tuloy inabot naming dalawa.

" talaga kayo sasama?" Pangungulit pa ni Star. Sabay sabay kaming lumabas ng university at nagtungo sa parking lot.

"Ewan ko dito kay Cley" ako ang sumagot at dahil mas matangkad ako sa kanya kaya inakbayan ko sya at ipinatong ang aking baba sa balikat nya.

"Landi ahh. Tigilan nyo nga yan nakakaasiwa." Reklamo ni Yves na ikinangisi ko lang.

"Hanap ka na din kase jojowain mo hindi yung" hindi na naituloy ni Glen ang sasabihin nang biglang sumabat si Cley

"Oo nga naman Yves. Diba may sinabi ka saken? Aba dali dalian mo din baka maunahan ka pa ng iba dyan. Ikaw din baka magaya yan kay Jia"

Nakita ko namang nanlaki ang mga mata ni Yves dahil sa sinabi ni Cley. Pati tuloy ako naiintriga dahil sa sinabi niya. May something din ba nag hindi namin alam?

"Hoy bakulaw bunganga mo!"

" Totoo naman. May nalalaman ka pang crush mo ko noon taposss dili nalang ako mag talk uyy" pang aasar pa ni Cley

More than BeforeWhere stories live. Discover now