CLEY'S POV
Isang gabi pagkatapos naming mag dinner ni Jia ay nagyaya na syang umuwi. Mabuti na rin yun dahil alam kong pareho kaming pagod dahil sa OJT.
Pagod man maghapon ay nagagawa pa rin naming mag kwentuhan. Pagod man ang katawang lupa namin pero ang mga isip namin ay parang hindi napapagod dahil na minu minuto ay may topic kaming napag uusapan.
Halos lahat ata nang taong nakikita at nakakasalubong namin ay napakkwentuhan naming dalawa haha.
Para hindi na rin daw ako mapagod pa sa paghahatid sa kanya ay sa condo nalang sya matutulog ngayong gabi. Iniisip nya rin kase na bbyahe pa ako pauwi ng condo kung pwede naman daw na doon nalang din sya matulog.
Ayus na rin yun para kinabukasan ay sabay na kaming papasok. Hindi naman din ganoon ka aga ang Schedule namin bukas sa katunayan nga ehh hawak namin ang oras namin dahil OJT student nalang naman kame. May need lang na tapusing oras within this sem kaya kahit anong oras kame mag in and out pwede.
Pagka park ko ng kotse ko sa parking lot ng building ay agad akong bumaba para pagbuksan sya ng pinto. Kinuha ko naman ang mga gamit namin sa likod ng sasakyan at magkahawak kamay na pumasok ng Building.
Pagtapat namin sa pinto ng condo nya ay humarap sya sa akin.
"Gusto mo magkape muna?" Tanong nya
Sa katunayan ay ayaw ko pang umuwi. Kahit pagod gusto ko pa rin syang makasama ng matagal
"Sure" pagpayag ko "ayaw ko pa naman din umakyat"
"Sus! Hindi ka pa ba sawa sa akin?" Pagbibiro naman nya
"Actually matagal na kong sawa sayo" ganting biro ko naman din na ikinasimangot nya
"Edi doon kana sa condo mo magkape. Ayaw mo na pala ko makita ehh. Then tigilan mo na rin panliligaw mo" ako naman ay na alarma. Bilis magbago nang mood ahh. Pareho kaming pagod pero hindi ko hahayaang mauwi kami sa away.
"Hoy after you kidnapped my heart, my soul, my attention, and my whole body? Tapos ganun ganun nalang? No way"
Namula naman sya sa sinabi ko. Ang cute nya kapag namumula pisngi nya. I won haha
"Kainis ka!"
"Kinikilig ka lang ehh. Look at your face namumula ka na" biro ko pa
"Heh! Lika na nga dito magkape ka na at nang makapagpahinga na tayo para pareho." Saad nya habang papasok ng Condo. Nagdere diretcho sya hanggang kusina kaya inilapag ko lang sa sofa ang mga gamit namin at tyaka ko sya sinundan. Naabutan ko syang naglalagay ng tubig sa electric kettle kaya dali dali akong lumapit sa kanya tyaka ko sya niyakap mula sa likod. At dahil sakto lang ang baba ko sa balikat nya ay ipinatong ko ito doon.
Matangkad sya ng onti sa akin pero ang perfect ng height difference naming dalawa dahil swak na swak ang pagkakagawa niyon.
Sya naman ay tila natigilan sa ginawa ko. Pagkapatay nya ng gripo ay inilapag nya lang ang kettle sa lababo at hindi sya kumikibo.
"Galit ka ba?" Tanong ko habang bahagyang sini sway ang katawan naming dalawa.
"Hindi naiinis lang" tipid na sagot nya
"Hindi ba dapat ako ang magalit or mainis?" Tinignan naman nya ko nang may pagtataka at hinihintay ang mga susunod ko pang sasabihin. "Dahil katapos mong tanungin na hindi pa ko nagsasawa sayo at sinagot ko nang pabiro tyaka mo sasabihing itigil ko na panliligaw ko sayo? Ano mararamdaman ko?" Paliwanag ko. Wala akong makapang galit sa dibdib ko. Alam ko namang nabigla lang din sya sa mga sinabi nya kaya hanggat kaya kong umintindi ay iintindihin ko sya.