Intro
I am nervous. I badly want to make this work.
Ayan ang paulit ulit na tumatakbo sa isip ko.
Three years.
It's been three years since I left everything. Sa loob nang tatlong taon na yun, kinalimutan ko lahat. Pangarap ko, sarili ko, mga bagay na gusto ko. Ang laki ng responsibilidad na ipinasan sa akin at wala akong ibang ginawa kung hindi ang gampanan ang responsibilidad na yun. Kahit na sa loob ng tatlong taon na yun, katakot takot na pride at awa sa sarili ang nilunok ko. Ang itinanim ko sa utak ko ng mga panahon na yun ay kailangan kong kumilos para mabuhay kami.
Ilang beses ko nga bang iniwasan tignan ang sarili ko sa salamin habang nililinis ko ang mamahaling kubeta ng isang pamilyang may kaya sa Switzerland? Ilang luha ang pinigil ko kada sinisigawan ako ng customer sa isang diner doon dahil lang isa akong Pinay? Halos mamaga na rin ang dila ko nang mga panahon na yun sa pag pipigil sumagot sa employer ko na walang ginawa kung hindi ang murahin ako.
Glad no one knows what I've been through. I don't want to see any ounce of pity from them. Ayokong pag bulungan ako ng mga tao na ang Rika Forteza na nakilala nila, matalino, successful, anak ng isang business tycoon, ay naglilinis na lang ng kubeta sa ibang bansa.
That's why I cut off everyone. My relatives, my friends, him.
And now I am back. Twenty-nine years old and trying to pursue my dream again. Convincing myself na it's still not too late for me.
But first, kailangan ko munang humugot nang matinding lakas nang loob para pumasok sa auditorium ng dati kong school noong high school. Alam kong nandito silang lahat sa loob. Yung mga taong inalis ko sa buhay ko nang wala man lang akong pasabi o eksplanasyon.
Napaharap ako kay Hershey---ang dahilan kung bakit nandito ako ngayon. He's my High School batchmate. Magkakilala kami sa pangalan pero never kaming nagusap dati. The first time I got to talk to him is when he asked if he could buy my artworks for their business. Siya rin nag offer sa akin ng trabaho na maging artist nila kaya naman napalipad ako pabalik sa Pilipinas.
I though we're going to meet his business partner. Pero nagulat ako nang dinala niya ako sa school namin dati kung saan nagaganap ang high school reunion ng batch namin.
Kaya naman pala pormang porma si Hershey. Naka white vest and white pants siya with matching high-heeled boots. His long hair is tied in a bun. Matangkad na lalaki si Hershey pero nakuha pa niyang mag high heels kaya naman grabe akong nanliliit sa tabi niya.
"I'm excited!" sabi ni Hershey. "Ano kayang itsura ng mga highschool batchmates natin? Excited na akong makita yung mga lalaking homophobes na ang lalakas mambully sa akin noon! Tignan natin kung mga CEO rin sila ng kompanya!"
I tried to straighten yung mumurahing office vest na suot ko. Dahil nga hindi ko naman inexpect na sa party ang bagsak namin, mukha akong pupunta sa job interview. I really look stupid.
"Hershey, intayin na lang kaya kita sa coffee shop. Hindi ko talaga alam na dito tayo pupunta---"
"No no no dear. Samahan mo na ako! Wala akong friend eh! Ikaw ba may friend ka sa batch natin?"
Naalala ko si Timi. Ang EndMira. Siya.
Napaiwas ako nang tingin.
"W-wala..."
"O edi tayo ang date!" masiglang sabi ni Hershey at hinatak na niya ako papasok sa auditorium.
~*~