IV.
[Senior High School]
When I was in high school, hindi ko naranasan na gumala kasama ang mga kaibigan ko. Ni hindi ako nakakasama sa mga out of town lakad.
Dahil, una, wala akong kaibigan.
Pangalawa, my dad's girlfriend won't allow me.
That girl hates me so much dahil alam ko ang motive niya with dad. Clearly, she just wants his money. At hindi ko rin alam kung anong pang b-brainwash ang ginawa ng babae na 'yan dahil mas naniniwala si daddy sa kanya more than sa akin.
Well, dahil doon, ang laki nang naging balik sa amin. She's one of the main reasons why we lost everything and why we ended up hiding in Switzerland.
But well, that's a different story.
I remember how this woman made my highschool life a living hell. Madalas akong ma bully sa school, pero mas malala pa rin ang pambubully na nararanasan ko sa bahay.
I felt so alone na wala akong matakbuhan at masumbungan. Pakiramdam ko walang maniniwala sa akin.
No one is on my side.
Until I became friends with Timi and EndMira members, things starts to get better. They made me feel less alone. Ang saya ko, finally, nakahanap na ako ng mga kaibigan.
Kaya naman nung isang beses na may gig ang EndMira sa Tagaytay, buong lakas ng loob akong tumakas non. I did not bother asking for permission kasi alam ko naman na hindi ako papayagan.
I'm in my senior year in high school at never ko pang naranasan na mag out of town kasama ang mga kaibigan. This is probably the last time I'll get to experience this. So I did what I have to do.
Napagalitan ba ako? Oo. To the point na nag layas ako at need ako ampunin ni Timi ng ilang linggo dahil sinasaktan ako sa bahay. At ayun din ang panahon na nalaman niya ang tunay kong sitwasyon sa amin.
Pero worth it ba? Oo. Sobra.
I remember during our trip in Tagaytay, may isang night doon kung saan nag kanya kanya kami ng lakad.
Timi went with Ice.
The other members—Jasper, William and Ayen, decided to roam around the city. Plano nila mag bar, if I remember correctly. Not sure kung napapasok ba yung dalawang yun sa loob ng bar.
While me, dumiretso na lang ako sa accommodation since medyo pagod na ako. Sinamahan ako ni Geo noon pauwi. Sabi ko kaya ko naman mag isa at sumama na siya kina Jasper na mag ikot. But Geo's kind enough para hindi ako iwan.
He said he wanted to chill too. Kaya naman sa may garden ng Airbnb na bahay na tinutuluyan namin, doon kami tumambay. Nag ready hot chocolate si Geo at nilabas niya yung cheesecake na binili namin.
Medyo malamig nung gabing yun. Maaliwalas din ang langit. I can clearly see the stars from above. Isang bagay na madalang ko lang matanaw dati.
Nasa tabi ko si Geo nung mga panahon na yun, at masaya kaming nag kukwentuhan tungkol sa mga plano namin sa college.
"Sabi ni Timi palagi kang busy mag review para sa entrance exam. Ano bang course ang plano mong kunin?" tanong sa akin ni Geo.
"Architecture sana. Medyo mahirap kasi makapasa sa quota nila ng Architecture doon sa university na papasukan ko. Isa pa, habol ko talaga 'yung scholarship," sagot ko naman as I sipped the hot chocolate.