VII.

6.1K 205 183
                                    


VII.

"OMG!" malakas na sigaw ni Hershey sa akin from the other line of the phone. Kasunod nun ay isang malakas na tawa. "OMG, I'm so sorry Rika. I had no idea he's there."

Napabuntong hininga ako. He doesn't sound apologetic at all.

It's the wee hours of night pero napilitan akong tawagan si Hershey dahil hindi ako makapasok sa loob ng rest house. May kasama pa akong lasing.

Napatingin ako kay Geo na nakaupo sa sahig ng porch nila at nakasandal sa mga paso doon. He's passed out. Glad he opened the gate bago siya makatulog kaya naman nakapasok kami sa loob. Pero yung pinaka bahay, naka kandado rin at nakailang katok na ako pero hindi pa rin lumalabas yung caretaker. That's why I called Hershey.

At isang malakas na tawa ang sinalubong niya sa akin when I told him the situation.

"Okay are you done laughing?" I asked as calmly as I can at hindi tunog inis kasi boss ko na itong kausap ko---kahit madalas kong nakakalimutan. "How can I open this damn door?"

Nakita kong napahinga nang malalim si Hershey as he tries to stop himself from laughing again.

"Okay, Ate Ningning is not answering her phone, baka gumimik yun ah! But I'm pretty sure may susi si Geo," sabi ni Hershey.

Napatingin ulit ako kay Geo. Ang himbing na ng tulog niya doon sa semento. Onti na lang mapapahiga na talaga siya.

"He's drunk as fuck. Tulog na tulog na," sabi ko kay Hershey.

"Then go wake him up," sabi naman ni Hershey. "O kapkapan mo. Kaya mo yan. Call me pag nakapasok ka na!"

Bago pa ako makasagot, Hershey ended the call. Napabuntong hininga na lang ako as I stare at Geo.

He's not the type of person to get drunk like this. He doesn't even like drinking. Pero ngayon, sobrang wasted niya. Saan kaya siya uminom? Paano kung may nakakilala sa kanya sa bar?

Bakit kaya siya nag lasing?

Napailing ako. Now is not the time to overthink that. Masyado nang lumalamig at hindi pa kami nakakapasok sa loob. Hinubad pa ni Geo ang jacket na suot niya for I don't know why. Kinabahan nga ako kanina kasi akala ko he's gonna strip naked in front of me.

Nilapitan ko siya at agad kong ipinulupot ang scarf ko sa leeg niya. I better protect his throat from the cold dahil nag s-second lead pa rin siya sa EndMira. I know they're in a hiatus right now, but still.

"Sir Geo?" I shake him a little para magising siya. "Do you have the door keys?"

He grunted, but he did not move.

I shake him again, "Sir Geo?"

He did not move.

"Geo, nasaan yung susi?" I asked, this time, mas malakas na ang boses ko at mas malakas na rin ang pag alog ko sa kanya. I can feel my patience wearing thin dahil pagod na ako at inaatok, but of course, hindi ko naman siya pwedeng sapakin para magising dahil baka sisantehin ako kinabukasan. Mahirap na.

Tsaka may kasalanan pa ako sa kanya.

I saw Geo's eyes open. He looked at me with a dazed expression.

"Sir Geo?" tawag ko sa kanya habang kinakaway ang kamay ko sa mukha niya. "Yung susi?"

Umayos ng upo si Geo at para pa rin siyang lutang at wala sa sarili na nakatingin sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 14, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Arts and Music at Midnight (EndMira: Geo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon