Chapter 3 - Deal

24 0 0
                                    

Aphrodite's POV

Nasa sasakyan pa din kami ngayon. Nakakatakot pala siya pag magalit. Sayang, gwapo pa naman siya. Nasisiraan na ba siya ng bait? Kasi ako malapit ng masiraan ng dahil sa kanya! Pretend girlfriend? Ayoko nga no! Tsaka isa pa gusto ko na ang magiging first boyfriend ko ay siya ring mapapangasawa ko. Oo, pretend girlfriend niya ako sa mata naming dalawa pero ano na lang ang sasabihin ng ibang tao?

"Please bear with me. I need to do this." Di ko alam pero may nararamdaman ako na di ko maintindihan. Konsensya? Gusto kong umayaw pero the other part of me says that kailangan ko pumayag. Di dahil nagwa-gwapuhan ako sa kanya kaya gusto kong pumayag. Dahil siguro napakabait kong tao? Hays.

"Kung papayag ako, ano bang kapalit?" Tinignan niya lang ako ng diretso. Problema ba ng lalaking to?

"Ibibigay ko lahat ng gusto mo." Naks! Pwede na rin. Pag may emergency ako alam ko na kung sinong tatawagan ko. WAHAHAHA!

"Sige pumapayag na ako."

"Sure?" Timang ba siya? Pwede din naman kasi akong huminde! Ang dami-dami ng babae dyan ba't ako pa.

"Ayaw mo?"

"As If I have a choice. From now on, you'll be my pretend girlfriend." Nabaling ang tingin niya sa kalsada habang nag mamaneho.

"Okay." Wala ako sa sarili ko ng sumagot ako. Ano bang gulo na pinasok ko dito? Jusko gabayan niyo ko. Tsaka malabo din akong ma-fall sa isang to' si Skye lang ang nag-iisang nag papatibok ng puso ko. Speaking of Skye, nasan na kaya yung isang yun?

"Name."

Out of the blue bigla siyang nag salita. Tinatanong niya ba ang pangalan ko? Labo niya kasi. Is it just he's a man of a few words o sadyang tamad lang siyang mag salita? Hays.

"Ha?"

I knew he would utter words but before that he sighed deeply.

"I said what's your name?"

Yun naman pala eh! Mag tatanong lang ng pangalan Name pa ang itatanong.

"Aphrodite, Aphrodite Villegas."

Afterwards silence colonize the car. Di na niya naisipang mag tanong ng kung ano pa. Di ako sanay sa ganito.

"So ikaw anong pangalan mo?"

I shifted my gaze towards him and he was srsly looking the road trying to focus. Silence remains. After 30 seconds wala pa ring sagot. Sabi ko nga mananahimik na ako at di na mag tatanong.

***

Di ko alam kung saan ako dadalhin ng gangster na katabi ko pero di naman niya siguro ako ipapahamak diba?

"Hoy gangster! San mo ba ako balak dalhin?"

Since di naman niya sinabi sakin ang pangalan niya tatawagin ko na lang siyang gangster. Bagay naman sa kanya eh.

"Fuck. Stop calling me gangster."

Bakas sa pag mumukha niya ang pagka-irita nung tinawag ko siyang gangster.

"San mo ba ako dadalhin?"

I decided to change the topic anyway di rin naman ako interesado sa kanya.

"To my condo."

Nabuhay ang lamang dugo ko ng marinig ko ang salitang condo. Baka ang gangster na to' ay isa rin sa gustong mansamantala sakin. Huhuhu wala pa naman si Skye my loves na mag liligtas sakin.

A BAD BOY NAMED HEAVENOnde histórias criam vida. Descubra agora