Kabanata 3

20 1 0
                                    

Conscience. That's what I felt for the past week.

Simula first year kami todo effort siya para mapansin ko siya. Palagi niya akong binibigyan ng bulaklak na pangarap ng maraming babae.

Palagi niya akong binibigyan ng gifts lalo na pag may mga ocations. Palagi niya akong binibigyan ng letters. Nag effort siya para sa akin pero ang ginawa ko lang ay ang patigilin to  siya sa panliligaw at ibasura lahat ng pinag hirapan niya para sa akin. Dalawang beses ko nang ginawa yun sa kanya. Hindi ko manlang naipakita na na-a-appreciate mo ang mga ginagawa niya.

Nakakatawa lang na saka mo lang ma rerealize lahat ng effort ng isang tao kapag wala na ito sayo.

I confronted Vien after Nim and I talked.

"Totoo ba?" Mainahon kong sabi. Pinipilit kong kumalma dahil hindi ko din alam kung sino sa kanila ang nag sasabi ng totoo. I don't want to be one sided....again.

"So you knew" Ang mga salitang yun lang ang sinabi niya para matuldukan ang mga katanungan sa aking isipan.

"Bakit mo nagawa 'yun?"

Tumawa siya nang mahina na nag pakulo sa dugo ko. He's evil. Paano niya nagagawang manira ng kapwa niya?

"I've done that for you. So instead of asking me questions, mag pa salamat ka nalang,"seryoso niyang sabi.

I cannot believe him!

"Ano bang problema mo? Hindi naman kita pina pakealaman, ha?" Halos mabingi na kami sa lakas ng sigaw ko.

Pinaandar na niya ang sasakyan at seryoso siyang nag mamaneho.

"Sa tingin mo, anong sasabihin ni Mama pag nalaman niya na may nanliligaw sayo at hinahayaan mo lang 'to? Anong ang sasabihin ng papa mo kapag nalaman niya ang tungkol kay Nim?"

"Pero kahit na! Wala ka sa posisyon para ganunin yung tao. Pinaniwala mo ako" galit kong sabi.

Why is he doing this so complicated? Pwede naman niya akong kausapin nang masin sinan.

"I'm just helping you. Alam kong hindi titigil si Nim kapag kinausap ko siya nang maayos. That's why I said those to him. Hindi nila alam na mag pinsan tayo and that's a good thing," halata sa boses niya na hindi siya nag sisisi sa ginawa niya.

Hindi manlang niya ako tinapunan ng tingin at diretso lang ang tingin niya sa kalsada.

He's making me mad. How dare him!

Pero kahit na anong galit ko sa kanya ay nangyari na ang nangyari.

I feel sorry for Nim. Totoo namang mabait siya sa akin. Hindi ko lang binigyan ng pansin.

Tahimik lang ako nang dumating kami sa bahay. At hanggang ngayong nakalipas ang isang linggo ay hindi ko parin kinakausap si Vien.

Wala na ding kaming pag uusapan. Tutal ganon naman ang treatment niya sa akin noon.

Nang pumasok na ako sa room ay wala nanaman si Nim. Minsan lang siya pumasok at kapag pumapasok naman siya, halatang walang pake sa lessons namin. I wonder kung bakit siya nakakatagal dito sa Teacher Education eh bawal dito ang tamad.

Kung dati ay sinasalubong niya ako ng mga ngiti at bulaklak. Ngayon naman ay halos hindi na niya ako matingnan dahil sa sobrang ilap niya.

Yung dating sobrang lalim ng ngiti dahil sa kanyang mga dimple, ngayon ay hindi ko na makita dahil hindi na siya ngumingiti.

Napansin din siguro ng mga kaklase namin na parang hindi na ako nililigawan ni Nim kaya todo dikit na sila sa kanya. Gwapo siya at mabait, sino ba namang hindi mag kakagusto sa kanya? Siya yung lalaking ideal man ng mga babae.

The Unforgettable PainWhere stories live. Discover now